"Masyadong Mapagsubok ang buhay, kung magpapalamon ka, kung magpapadapa ka, kung hindi ka tatayo, matatalo ka. Kaya importanteng lumaban tayo, sa kabila ng lahat."
Minsan, naiisipan nating sumuko, huwag magpatuloy at hayaan nalang kung ano yung nanyayare. Aminin man natin o hindi, minsan ayaw natin lumaban dahil lang sa pagod na tayo.
'Pagod magpatuloy
Pagod sa pakikibaka
Pagod sa mga problema
At sa lahat-lahat.
Lahat tayo may problema, lahat tayo may pinagdadaanan, yung iba saatin maaaring hindi na alam at hindi malaman kung anong gagawin. Siguro, karamihan dito pagod narin isipin lahat ng mga nangyayare sa buhay, pagod nang magpatuloy at isipin na may taong andyan sakanila. Di dahil sa ayaw mo na, o sa napapagod kalang.
Kundi dahil ayaw mong madamay at mamroblema pati mga taong nakapaligid sayo
Pagusapan natin ngayon, bakit ka napapagod? Bakit gusto mong sumuko? Bakit gusto mong bumitaw? Sa anong dahilan? Dahil ba sa sinasabi nila? Dahil ba sa problema?
Oo, ako minsan gusto kong isuko buhay ko. Dahil napapagod ako sa lahat, napapagod akong lumaban at napapagod akong intindihin lahat ng nakapaligid saakin. Pero, hindi yun naging dahilan para sumuko talaga ako ng tuluyan.
Mapapagod lang ako, iiyak lang ako, manghihina lang ako, pero tuloy ang laban. Sa huli, ako parin ang magwawagi, ako parin ang mananatiling nakatindig.
Kung dama mong susuko ka, kung dama mong umaayaw kana, kumapit ka lang sa taong andyan palagi sa tabi mo, kumapit kalang sa mga taong nagpapalakas ng loob mo.
Hindi mo kailangang sarilihin lahat, hindi mo deserve ang saluhin lahat ng problemang meron ang mundo.
Minsan tayo rin yung may kasalanan kung bakit tayo nasasaktan, kung bakit tayo nalulungkot o kung bakit tayo nahihirapan. Wala namang problema at masama kung di mo kinakaya, masaya dun iniisip mong sumuko dahil hindi mo kaya.
Sabi nga sa kanta:
"Matalo kung matalo, wag ka sanang magkakamaling sumuko nalang."
Diba? Totoo naman, matalo na kung matalo, masaktan na kung masaktan, umiyak na kung umiyak. Para saa yung mga sugat mo kung magpapatalo ka? Para saan yung pagiging palaban mo kung susukuan mo?
Diba, palaging sinasabi na "Ilaban mo, hangga't humihinga ka, hangga't buhay ka..lumaban ka".
Isa ka rin ba sa mga taong nahihirapan? Isa ka rin ba sa mga taong may problema? Tutunganga, magiisip, hanggang sa dumating yung oras na matutumba kana, at susuko?
'Wag ganyan par, lahat tayo pinanganak ng may problema. Pero katataga ng loob ang kailangan natin upang magpatuloy.
Alam ko naman nakakapagod ang buhay, oo..sobrang nakakapagod ang buhay, pero kahit nakakapagod kailangan natin lumaban, kailangan nating magpatuloy.
Naalala mo yung article ko about Beautifully Broken?
Isipin mo, wasak ka sa ngayon pero buo ka rin sa susunod. Nahihirapan ka pero gusto mo magpatuloy sa laban.
Sabi nga ulit sa kanta,
Dehado kung dehado para saan pang mga galos mo kung titiklop ka lang?
Minsan kahit gaano kadehado lahat, kahit tumilkop ka pa di mo maiiwasan na wag sabihin sa sarili mong laban pa. Na sige patuloy pa, minsan kahit halos puro galos na tayo mula nung bata pa, diba tumatayo pa rin tayo? Ganyan rin sa buhay natin. Kahit ngayong malaki na tayo mas malaki yung galos na natatmo natin, pero mas kinakailangan parin nating lumaban.
Kaya laban lang.
Laban!!
Tandaan mo, lahat ng pagsubok, nauuwi lakas ng kalooban.
THE NEXT CHAPTER OF THE BREAKING DAWN OF ZOMBIE APOCALYPSE WILL BE TOMORROW!
9-20-21
Song source:
Ganun naman talaga ang buhay..may times na nasa ibabaw at may times na nasa ilalim. Basta tuloy tuloy lang