My Parent goes like this!

Avatar for MommySwag
2 years ago

March 03, 2022

Blog's#13

Magandang Gabi read.cash!

Ngayong araw ang aking i-blog ay paukol sa Magulang. Matagal ko ng sinave yun kaso nga lang hindi ko magawan-gawan ng time na isulat o talakayin. Maybe ngayong araw ang right time para bigyan ko naman ng sarili kong version ang naturang mga tanong paukol sa magulang. Una ko yung nabasa kay @Zhyne06 then nakarelate ako sa kanya. Sa totoo lang,nalulungkot ako kasi pakiramdam ko wala akong nagawa para sa magulang ko. Wala akong nagawa para sa kanila,lahat ng pangarap ko para sa kanila eh! Hindi ko nabigyang pansin. Kaya now its time na alalahanin ko ang mga panahon na dalaga pa ko at nasa puder pa nila . Answering some questions na paukol sa qmagulang.

Biruin niyo two weeks na pala nung sinave ko ito. Ngayon ko lang magagawan ng sarili kong version, alam ko si @Ruffa at @Ayane-chan ay nagawan na ito ng kani-kanilang version kaya naman sisimulan ko na ang aking version.

What do you want to feel from your parents?

Love syempre. Pero alam ko naman na love nila ako noon, lalo na nung wala pa yung bunso. Pito kasi kaming magkakapatid, at nung wala pa ang bunso namin. Ako ang naging bunso but noong pinanganak na yung bunso namin nagsimula na yung kalbaryo ko. Haha! Hindi ko sinasabing hindi na ko love ng parents ko,kaso yung pudra ko noon, si bunso yung mas mahal. May times na uuwi si pudra noon ying little sister ko lang ang may pasalubong ako wala. Pero to the reacue yung mudra ko nun, si mudra ko ang bumibili ng bago for me. Kaya nga lang noon si mudra is need magwork as labandera para langatulungan at maibigay ang need namin ng kapatid ko. So everytime na maglalabandera si nanay,sinaama niya ko dahil walang magaalaga sakin lalo kung malapit langbyung paglalabhan niya. Yung bunso namin is alaga naman nung panganay namin noon.

Now na malaki na ko i dont feel jelous anymore. At syempre i know naman na may scenarios talaga na yung bunso ang napagbibigyan. Now na may mga kanya- kanya na kaming mga asawa ng mga kapatid ko except sa pangalawa. Ay naramdaman ko ang love ni pudra samin pantay-pantay. Lahat naman tayo longing talaga sa love at atensyon noong bata tayo, diba?

What do you think is the reason why your parents are strict?

Because they are protecting and love us.

I remember noong bata ako pinPalo ako ng tatay ko once na nakalimutan ko yung babasehin ko. Grade 1 ata ako noon si pudra ang nagtuturo sakin mag-basa dahil naglalabada noon ang aking nanay. Bawat mali ko is palo,kaya noon ang bilis ko makamemorize ng banasahin kasi tumatak sa isip ko yung "Isang mali,palo" pero worth it naman kasi natuto ako agad. Haha!

Then nung teenager ako,ayaw nila na inaabutan ako ng gabi sa labas. Noon kasi inaabot ako ng 11:00 PM sa labas dahil sa mga childhood friend ko noon. We were riding a bike on night as if walang parents na magagalit samin. Kaya noong umuwi ako noon na umiiyak dahil pinaiyak ako ng mga friends ko,hindi ko sinabi na pinaiyak nila ako. Sabi ko lang noon naiiyak ako dun sa palabas kaya ako naiiyak. But still napaamin nila ako noon, and they told me na yan ang sinasabi ko o namin sayo! After ng pangayayri na yun,hindi na ko muli lumabas ng bahay at nagbasa na lang ako ng mga pocket book at nanood ng T.V yun ang naging libangan at friends ko until nung nakapasok na ko ng kolehiyo. Nagkatoon ako muli ng mga bagong kaibigan at manliligaw. Speaking of manliligaw, nagkaroon din ako noon and noong my unang lalki na nanligaw sakin noon,yung sinabi nila nanay at tatay na papuntahin ko sa bahay ay ginawa ko at sinabi ko sa mga manliligaw ko noon. Pero may isa na talagang naglakas loob pero yun nga lang may nasabi si pudra noon. Haha! Kaya ang nangyari hindi ko sinagot yung binatilyo na yun maging yung sumunod na naligaw sakin. Nalaman ko kasi noon na gung pangalawa na nanligaw sakin ay malayong pinsan ko pa pala. Ang gwapo pa naman nun, mukang Americano kaya nga lang pinsna ko pa raw kaya ekis.

Pagdating sa mga manliligaw ko napaka strict nila, lalo na mga kuya ko. Haha! Yung isa kong kuya nagsavi na once na may lalaki na susunod sunod sakin yari daw sa kanya. Kaya noong high school ako never akong nagpaaligaw o nagkaboyfie. Nagpaligaw lang ako noong nakatapos na ko ng high school at turning college na. Kaso palpak lahat nung mga manliligaw ko base sa sabi ng father ko. Ganun sila ka strict pagdating sakin,and maybe kung hindi nila ginawa yun baka nakpagasawa ako ng wala sa oras kaya naman sa kabilang banda para din sakin yun.

Have you ever experienced to be compared by your parents to your siblings?

Yes, in a point na ako yung positibong kinokumpara nila. Hindi naman sa pagmamayabang pero saming magkakapatid ako lamang ang nakapag-kolehiyo. At ako lang ang nagiging top sa school noon,kaya naman kinukompara nila ako in a way na si ate mo ganito ganyan, dun sa bunso kong kapatid. And even nung High School yung little sistah ko,napagkukumpara parin kami ng mga teacher niya na naging teacher ko rin before. Pasaway kasi sa pagaaral yung bunso namin ang hilig mag cutting at magpasaway sa guro lalo na nung High School.

Did your parents cheat with each other?

No, hindi ko silang nakita na ginawa nila yun sa isa't isa. Kahit nahihirapan si mudra ko sa pudra ko noon,never sumagi sa isip niya na lokohin ang tatay ko. At gayundin ang pudra ko sa mudra ko,kahit na may sakit ngayon si mudra at hindi na pwedeng gawin ang mga gawain bahay. Si tatay k ang gumagawa noon, si tatay ko ang naglalaba kahit na may trabaho pa siya. Kaya naman pagdating sa relationship da best at hinahangaan ko ang parents ko. Sinabi ni nanay noon sakin na may times na gusto niyang iwan si tatay peri hindi niya magawa dahil saming magkakapatid. Iwan in a way na hindi manlalaki ha! Palainom kasi si tatay at kulang ang kinikita noon,pero naisip niya na kung gagawin niya yun paano na kami,kaya she decided na maglabandera at tumulong kay tatay. Kulang na kulang kasi kami sa financial noon,tapos may bisho pa noon si tatay kaya nasabi niya yun at naisip niya. Pero sa huli nanig parin ang kanilang pagmamahalan, kasi until now they were together and happy though hirap parin but still they are together. At yun ang isa sa mga hinahangaan ko sa mga magulang ko.

Kaya same to my mother even na nahihirapan din ako sa partner ko to think na hindi pa kami kasal,i am still coping at thinking a way para hindi ko magawa yung ginagawa ng ibang couple. At yun nga si nanay at tatay ko kasi ang idolo ko sa pag-aasawa kaya hindi ako nag gigive-up. Even nahihirapan na ko, thanks nalang na may noise.cash at read.cash ngayon na nagsalba sakin. Ngayon kumikita ako kapiling ang mga anak ko,nakaktulonv rin ako sa partner ko kahit papano.

What is your dream for your parents?

Nais ko na mabigyan pa sila ng maraming taon dito sa Mundo. Long-life for both of them,kasi hinahangad ko at pinapangarap k na mabigyan sila ng magandang buhay kahit may asawa na ko. Kaya ang pagsisilap ko ay hindi lamang para sa mga anak ko bagkus ay para rin sa kanila. I am still hoping na tumama sa lotto,magkaroon ng business na successful at yumaman. Pero hindi lang para samin,kung hindi para narin sa magulang ko. Kaya dream ko na magkaroon pa sila ng mahabang mahabang buhay kasi i will do anything para kahit papano eh! Magawa ko yun at mapasaya ko sila. Since bata ako puro na sila hirap sa buhay hanggang ngayon my father still working coz he thinks na wala naman samin ang makakatulong sa mga pangangailangan nila ni mudra. Kaya ang dream ko is mabigyan sila ng magandang buhay,alam ko malayo pa ko sa katotohanan na yun. Pero magsusumikap ako kung ang paraan ay magsulat ak ng magsulat ng articles dito sa read.cash at gumawa ng maraming post sa noise.cash gagawun ko. Kaya ang hiling ko talaga na magkaroon sila ng Long-life kasi mahaba pa ang proseso ng pagasenso ko. Kung sana ay paggising ko tumama na ko ng lotto,kaso mababa ang posibilidad na yun. Swertehan lang ganun, kaya ang naiisip ko is pagnenegosyo or pagtatrabaho abroad.

Kaya Lord sana ay magkaroon ng mahabang mahabang buhay ang aking mga magulang.πŸ™πŸ™ Pagalingin na ang aking nanay sa kanyang karamdaman at laging gabayan ang aking ama sa pagtatarabaho niya. I love them both❀

Closing thought:

Ang ating mga magulang ay may kanya kanyang paraan upang ipakita sa atin ang kanilang pagmamahal. Kaya naman bilang mga anak ay may responsibilidad tayong ibalik ang pagmamahal na yun sa ating mga magulang. "Wala tayo sa mundong ito kung hindi dahil sa kanila" kaya dapat natin silang mahalain at alagaan katulad ng ginawa nila nung tayo ay mga bata pa. Ang ating mga magulang ay tao din,nagkakamali,napapagod at nasasaktan. Kaya kung may mga bagay silang nagawa na sa tingin mo ay mali,dapat ay lali mo silang mahalin at ipaunawa iyon sa kanila. Lalo na kung ang mga magulang ay mataganda na, mas higit nila tayong kailangan. Ang mga nagawa nilang kasalanan ay hindi baseham upang sila ay saktan at pahirapan. Nadudurog ang puso ko kapag nakakapanood ako ng mga magulang na sinasaktan at pinababayaan. Tandaan niyo magulang din kayo or magiving magulang din kayo. Kaya mahalin niyo ang mga magulang niyo despite sa kanilang kakulangan at kamalian para ganun din ang gawin ng mga magiging anak o anak niyo sa inyo.

So this is my blog,!

hope you like it..!❀

My parent goes like this!

Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty

Thank you for the support!

Kindly visit their work and I would surely you will love it too.!

Hope these blocks will be filled on this coming monthsπŸ™


Lead Image; Unsplash


SUMMARY ARTICLE 

πŸ“ŒSummary of my article for February 2022


Recent blog;

πŸ“ŒMarch-tastic

πŸ“ŒPaint day together with my husband


Once again this is MommySwag,kung nagustuhan mo ang blog's ko na ito paki click ang thumbs up and mag-comment ka narin upang malaman ko ang saloobin mo.πŸ˜‰

You can add me here;

noise.cash

Written on March 03 at 11:30 PM

Published on March 04 at 6:33 AM

8
$ 1.52
$ 1.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @Ruffa
$ 0.03 from @Jeansapphire39
+ 3
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

tama po kayo! at the end of the day ang Family lang natin ang sasalo satin :) pag iniwan na tayo ng lahat

$ 0.00
2 years ago

Sa family namin ganon din ung bunso talaga haays haha

$ 0.00
2 years ago

Good afternoon po☺️ I beg to disagree na ang bunso ay spoiled brat o favorite ng mga magulang...syempre bunso ako,,,, ang mas favorite po sa amin ay yung ikatlong kapatid o kapatid kong babae... But anyways,,, masarap po ang may magulang na supportive at kaya po,, mahalin din natin ang ating mga magulang dahil hindi po natin alam kung hanggang kailan lang sila tatagal sa mundo....

$ 0.01
2 years ago

Haha ganun ba? Maybe iba iba ang mga magulang pero pagdating samin yung bunso namain nun angbnapapaboran.πŸ€£πŸ˜…

True kailangan natin mahalin ang ating mga magulang πŸ˜‰

$ 0.00
2 years ago

Ehhh ako nga po palagi pinapagalitan ng mga magulang ko po kahit wala po akong ginawang masama,,,kasi po atribida po yung favorite nilang anakπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ pero ok lang,,,nasanay na rin po ako...heheheh

$ 0.00
2 years ago

Naaalala ko tuloy kabataan ko non, pero totoo nga na sa family palaging may favorite at ung bunso madalas ang spoiled brat

$ 0.00
2 years ago

Ngayon alam na ntin sis kung ano ang mali sa tama dahil magulang na tyo sa ngayon.

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng mensahe mo sis. Parehas strict din parents ko noon lalo na ng nag aaral na ako at ng may nanliligaw. Lagi nilang sinasabi sa akin pipili ako ng maayos at hindi ako sasaktan.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sis. Tama is diyan sis, lagi nilang sinasabi yan. Pipili ka ng ganito para hindi ka matulad aamin yan ang laging sinasabi ng parents ko 😁

$ 0.00
2 years ago

Luhh tanda ko noon, si Mommy din nagtuturo non sakin ee lagi akong iiyak kasi pag mali may kurot ka. Ang pino pa naman ng kurot hahaha. Pero ngayon natatawa nalang ako pag naalala ko. Mga panahong grabi pa sila strict satin. Now kasi mas naiintindihan na natin sila diba πŸ₯³

$ 0.01
2 years ago

Totoo yan sis, hehe noon kala natin hindi tayo mahal kasi napapagalitan at nakukurot tayo pero now, masasabi natin na ginawa lang nila yun para matuto tayo.

$ 0.00
2 years ago

Tunay ngang nakaka miss mag basa ng ganitong mga artikulo. Yung wikang Filipino ang ginagamit. Hindi ko naranasan na ma left behind sa magulang ko dahil ako yubg bunso eh. So mas pinapaburan ako πŸ˜‚

$ 0.01
2 years ago

Wow sis, ako kasi naransan ko din maging bunso pero nung dumating yung bunso namin ayun na. HahaπŸ˜… kaya ngauon pinipilit ko na maging patas sa dalawa kong anak.

$ 0.00
2 years ago

Ngayon parents na din ako sis nararamdaman ko na din kung bakit ayaw ng mga magulang natin nuon na maabotan ng gabi sa labas nuon hindi natin maintindihan na para pala sa kabutihan natin kaya tayo pinapalo para madali tayong matutu sa lahat ng bagay.

$ 0.01
2 years ago

Totoo yan sis. Hehe😁 dati todo maktol pa tayo kapag napapagalitan o napapauwi now naku, gayo naman ang nakakranas ng nararansan nila kapag mga pasaway din anak natin.πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago