The Legendary Fam

12 62

As you can read from the title above, it is all about Filipinas. Ideas would have been revolving to your minds about it. But before that, I just want to say that no matter how hard life is, choose to remain strong. We can all surpass any kind of battle we have. Just have faith and be confident in yourself. We are all fighters, remember that.

Credits to the respective owner of the photo.

Today's topic is about a movie having the title Filipinas. Dahil mula ito sa atin, marapat lang din na gamitin ko rin ang ating pambansang wika. Marahil ay may nakapanood na into as into lalo na kung isa kayong malaking tagahanga nina Maricel Soriano, Dawn Zulueta, Richard Gomez, at marami pang iba.

Umiikot ang kabuuan ng pelikula sa pamilyang Filipinas. Si Florencia, isang huwarang ina, ang nagtaguyod sa anim na magkakapatid matapos mamatay ang kanyang asawa. Iba’t-ibang daan ang tinahak ng mga magkakapatid maliban sa panganay na si Yolanda, ang tagasalaysay sa kwento, na siyang nagsakripisyo at nanatili sa kanilang tahanan.

Sa pelikulang ito, masasalamin ang Teoryang Realismo. Isa ito sa mga teoryang pampanitikan na makikita dahil ang pelikulang ito ay sumasalamin sa realidad na nangyayari sa Pilipinas kagaya na lamang ng korapsyon na lagamak parin sa atin. Isa pa ang kahirapan na siyang humihila sa maraming mga mamamayan paibaba. Naroon din ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa loob ng tahanan na minsan ay nauuwi sa mas matinding awayan at mga hindi inaasahang pagsubok subalit sa huli, mas lumilitaw ang lukso ng dugo at naaayos din ang mga ito.

Ipinakita rin sa pelikula ang masaklap na pagbubuwis ng mga buhay ng ating mga kapwa dahil sa terorismo. Laganap din ang mga isyu sa gobyerno na hindi matapos-tapos kaya’t nagkakaroon ng mga rally at aktibista na hindi natatakot na kondenahin ang gobyerno at patuloy na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan at ipaglaban ang mga bagay na para sa kanila ay tama.

Sa mas malaking larawan, nakikita ang koneksyon ng bidang pamilya sa ating bansa kung saan inilahad ang mga iba’t-ibang uri ng anak ng lipunan. Napakaraming pagkakaiba ng mga anak sa bawat isa, subalit ito sana ang maging rason upang gumawa sila ng paraan kung paano sila magkakaunawaan at hindi maging dahilan ng mas lalong pagkalugmok ng kanilang buhay. Ang buhay ay hindi lamang itinakda upang mapuno ng paghihirap at mga pasakit. Isa rin itong daan upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakaunawaan at pagmamahalan sa isa’t isa.

Credits to the respective owner of the photo.

Gusto ko pa sanang magbanggit ng ilan pang senaryo pero ayaw ko namang maging spoiler lalo na kung nais niyo itong mapanood. Nga pala, sa taong 2003 pa ito nagawa kaya hindi ganon kaganda ang quality ng pelikula ngunit kahit pa ganoon, hindi ka naman mabibitin sa mga umaatikabong eksena ng mga tauhan.


Thank you for your time.

Should you want to read some of my articles, you may try reading  Valuable and Friendly: Accessories and Books EditionWhen it rains, it pours: School Supplies EditionBlessings from this Platform: Amazing People EditionE-loading Business: My Experiences.There is always a road back for everyone.This Platform Helped me Buy a Phoneor The Report for the Month of AugustAnd if you are enjoying it, do not forget to show your support. Remember also that you are handsome/beautiful in your own way. So be brave and confident!

Thanks to my readers and sponsors for following my publications. May God bless you a hundredfold. Also, this is original content. Most of the photos I use are free images from either Unsplash or Pixabay.

6
$ 1.89
$ 1.77 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Koolname
+ 1
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Comments

Hindi ko ata napanood yan pero mukhang maganda ata yung story

$ 0.00
3 years ago

Wow

$ 0.00
3 years ago

Parang maganda nga. Classic movie ito diba?

$ 0.01
3 years ago

Opo. Sina Maricel Soriano po ang ganap 😊

$ 0.00
3 years ago

Maganda talaga ang film na to. Pinanood namin to dati sa school 😅

$ 0.01
3 years ago

Totoo po. Thank you po. ❤️

$ 0.00
3 years ago

Hala di ko ata to napanood. 😅 panoorin ko to. 😊❤

$ 0.02
3 years ago

Classic po yan :)

$ 0.00
3 years ago

Ganda ng pelikula pong yan and sa pagkakaalam ko ung title na filipinas eh apelyedo ata po nila...tama po ba ako?

$ 0.05
3 years ago

Opo Pamilya Filipinas 😊❤️

$ 0.00
3 years ago

Diko sure kelan ko to napanood pero sobrang ganda ng pelikula!

$ 0.02
3 years ago

Opo maganda tala to kahit classic :)

$ 0.00
3 years ago