The night has come and the stars are not visible tonight since it's raining. Coming up next is the second part of Ang Tagapagligtas. If you are excited to read it, let's not make it any longer.
Nagulumihanan si Nerea. Paano siya naging anak ni Neptune, ang diyos ng karagatan? Bakit ito ginagawa ni Enceladus? Hindi pa rin nagising ang kaniyang diwa at nahihilo pa siya. Hindi siya makapag-isip nang maayos at malabo ang kaniyang nakikita.
Sumigaw-sigaw si Enceladus ngunit walang sumasagot.
“Nababaliw na ata ito,” sabi ni Nerea ngunit mahina lamang.
Ngunit sa gulat ni Nerea at kahit pa si Enceladus na tila nababaliw na ay nagulat din. May isang lalaking biglang tumaas. Ang kaniyang mga paa ay nababalutan ng tubig mula sa karagatan na parang nagpapalutang sa kaniya. Sa pagkamangha ay napamulagat siya at napanganga sa kaniyng nakita. Ang lalaki ay may awrang katulad ng isang hari subalit mas matindi pa. May hawak siyang isang sandata na may tatlong tusok na parang tinidor. Doon niya napagtanto kung sino nga ba ang lalaking nasa harap niya.
“Neptune,” sambit ni Nerea.
“Oo, ako nga, aking anak,” sagot ni Neptune.
Napatawa si Nerea sa kaniyang narinig. SIya, isang anak ng diyos? Parang isang birong walang kuwenta. Subalit sa kasuluk-sulokan ng kaniyang isip ay alam niyang hindi ito imposible. Mahal niya ang dagat at kahit ang mga isda at lamang dagat ay parang gustong-gusto siya.
“Hindi ikaw ang ama ko,” nasagot na lamang ni Nerea.
“Mahirap nga sigurong paniwalaan. Subalit ako ang iyong ama. Kailangan nating mag-usap. Kumawala ka sa pagkakatali gamit ang kapangyarihan mo,” utos ni Neptune.
Nag-isip si Nerea. Kumawala? Paano niya ito gagawin? Kung anak nga siya ni Neptune, magagamit niya ang dagat sa kung anong nais niya. At iyon, sinubukan niyang kontrolin ang dagat. Inisip niya ang mangyayari. Laking gulat niyang tumaas ang tubig mula sa karagatan at tinanggal ang tali sa kaniya. Napatulala na lamang siya sa nangyari. Pati si Enceladus ay hindi na makapagsalita.
“Dahil isa kang lapastangang nagbalak ng masama sa aking anak, nararapat ka lamang mamatay,” banta ni Neptune kay Enceladus. Subalit, pinigilan ito ni Nerea at nagmakaawaang paalisin na lamang siya.
Nag-usap ang mag-ama. SInabi ni Neptune na bilang anak ng isang diyos, nakatakda siyang maging isang tagapagligtas. Kapalit naman ito ng maraming panganib at pagsubok. Nagbabala siyang may darating na isang masamang halimaw ang gugulo sa kaharian at kailangan niya itong patayin. Makakatulong sa kaniya ang kapangyarihang taglay niya. Umalis na si Neptune at naiwang gulat si Nerea.
Umuwi si Nerea sa kanilang kaharian. Pag-uwi niya ay tila may ibang tingin ang mga tao sa kaniya. Tila pinag-uusapan siya nang masama. Nagpunta agad siya sa palasyo at nakita niya si Shemuel kasama ang mag-asawang hari at reyna.
“Nerea, totoo ba? Binalak mong patayin si Shemuel?” di makapaniwalang sabi ng hari.
Napatulala na lamang si Nerea dahil sa pag-aakusa nila.
“Ama, kabaliktaran ang nangyari! Pag-uwi ko kanina ay dinukot niya ako. Ako dapat ang nagtatanong sa inyo ngayon. Bakit niniyo itinagong anak ako ng diyos ng karagatan?” sagot niya.
Nagulat ang hari at inutos siyang ikulong sa pinakamataas na tore ng palasyo.
Ipagpapatuloy...
Part 1:
Ang Tagapagligtas
Special Notes:
All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.
This is original content.
Anlaaaaa, anlaaa 😨 sunod na agad bataaa.