A pleasant evening to one and all. Today's article of yours truly is a Filipino story that was written before. If you like reading Tagalog stuff, then this is probably recommended for you. Without so much ado, enjoy the story.
Noong unang panahon, may mag-asawang reyna at hari sa isang kaharian malapit sa karagatan ang nagnanais ng anak ngunit hindi nabibiyayaan. Sila ay sina Haring Hector at Reyna Elizabeth. Nasa kanila ang kapangyarihan at kayamanan ngunit wala silang anak na mapagbibigyan nito. Humingi sila ng tulong kay Juno, ang diyosa na tagapangalaga ng pagsasama ng asawa. Nag-alay sila ng mga dyamante, nagbabakasakaling mapagbibigyan sila ngunit sa kasamaang palad, walang nangyari.
Nagpunta ang hari at reyna kay Apollo, ang diyos ng propesiya upang humingi ng tulong. Sinabi ni Apollo na hindi mabubuntis ang reyna dahil hindi naitadhanang magkakaanak sila ng kadugo nila. Subalit bukas ng gabi ay may darating na sanggol sa kanilang kaharian. Dapat nila itong tanggapin dahil kapag hindi ay ito ang sisira sa kanila. Ang sanggol na ito ay ang anak ng hari ng karagatan na si Neptune sa isang mortal na babae. Pero huwag nilang ipaalam kahit kaninong anak ni Neptune ito sapagkat manganganib ang buhay nila at buhay ng bata. Manatiling nakatago ang tunay nitong pagkatao. Hindi nakapagsalita ang mag-asawa. Umuwi silang gulat subalit buo na ang desisyon nilang sundin ang payo ni Apollo.
Dumating ang nasabing oras ng pagdating ng bata. Umuulan sa oras na iyon. Lumindol ng bahagya. Pagkatapos ng lindol ay may narinig silang sanggol na umiiyak at nakahiga sa kanilang higaan. Hindi nila maipaliwanag ang sayang kanilang naramdaman kahit hindi nila ito tunay na anak. Ang sanggol ay pinangalanang Nerea. Kinabukasan ay naghanda sila ng selebrasyon para sa kanilang anak. Natuwa ang lahat maliban sa kanang kamay ng hari na si Enceladus na inaakalang maaagaw ang trono dahil sa kawalan ng tagapagmana ni Haring Hector.
Pagkalipas ng ilang taon ay nanatiling tago ang pagkatao ni Nerea. Namuhay siyang masaya. Paminsan-minsan ay tumatakas siya sa palasyo para mamasyal sa dagat. Gumagaan kasi ang kaniyang pakiramdaman. Lingid sa kaniyang kaalaman na ito ang nararapat na kaharian niya. Isa pang dahilan kung bakit siya nagpupunta dito ay dahil sa nag-iisa niyang kaibigan na si Keon. Naninirahan si Keon sa tabi ng dagat nang mag-isa. Hindi niya makasundo ang mga babaeng anak ng mga opisyal sa palasyo at ang mga kaedad niya ay nahihiya sa kaniya. Si Keon lamang ang may lakas ng loob na lumapit dito.
Isang araw ay nakipagkita si Nerea kay Keon. Napatagal ang kanilang pagkukuwentuhan. Nang uuwi na sana si Nerea ay biglang umulan ng malakas. Sinabi ni Keon na tumuloy muna ito sa kaniyang tahanan. Sa kabilang banda, nag-aaalala naman ang hari at reyna dahil hindi pa umuuwi ang anak. “Huwag naman sanang kunin ni Neptune ang anak natin. Hindi ko kakayanin,” sabi ni Reyna Elizabeth. Inaalo naman ito ng hari. Hindi nila alam na narinig pala ito ni Enceladus at nakaisip ng masamang plano. Nagdala siya ng kaniyang mga tauhan at hinanap si Nerea.
Tumigil ang ulan at lumabas sina Keon at Nerea para umuwi ngunit paglabas nila ay may humampas nang malakas sa ulo ni Keon at nawalan ito ng malay. Pagkatapos ay dinukot si Nerea at naiwan si Keon. Nagising si Nerea at siya ay nakatali malapit sa isang kahoy na nakatayo sa isang bangin at sa ibaba ng bangin ay ang karagatan. Pagmulat ng mata niya ay si Enceladus ang una niyang nakita. “Ibabalik ko na sa iyo ang iyong anak, Neptune. Kapalit sana nito ay bigyan mo ako ng kapangyarihang makuha ang trono,” sigaw niya sa karagatan.
Ipagpapatuloy...
Part 2:
Nagulumihanan
Special Notes:
All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.
This is original content.
hala ka...am bad ...sori now ko lang nabasa ..punta nako sa next chapter mwehehehe