Hindi Maikukubli

4 42
Avatar for McJulez
3 years ago
Topics: Kahirapan

Sa lipunang ating ginagalawan, kaliwa’t kanan ang mga isyung hindi malaman laman kung hanggang kailan magdudulot ng problema sa mga mamamayan. Nariyan  ang problema sa kahirapan. Ilang dekada na nga ba ang nagdaan? Bakit tila hanggang  ngayon, nananatili pa ring numero unong problema ang kahirapan? Lagamak pa rin ito  at sa likod pa nito’y sandumakmak na korapsyon, krimen, diskriminasyon, at marami pang  iba. 

Hindi maikukubli na minu-minuto o hindi kaya’y oras-oras ay nadadagdagan ang  bilang ng mga taong nalulubog sa utang dahil sa kahirapan. Ginagawang salbabida ang  pangungutang upang makaahon at makakain man lang, pero sa halip na makaahon ay  mas lalo lang lumulubog. Nagsasanhi lamang ng panibagong problema. Ang utang ng  sinuman ay hindi malulutas sa pamamagitan ng pangungutang ulit sa iba upang  mabayaran ang naunang utang. Magdadala lamang ito ng higit na timbang na pwedeng  maging dahilan upang ang salbabida’y hindi ka na kayang palutangin pa na kalauna’y  magsasanhi ng pagkalunod mula sa malalim na dagat ng kahirapan. 

Marami pa rin ang nananatiling nakakapit sa laylayan ng lipunan. Hindi makaahon ahon dahil maraming sakim sa kapangyarihan. Maraming tao ang gagawin ang lahat  makita lang ang iba na lumagapak sa lupa. Pagtatawanan at pag-uusapan at saka  gagawa ng istoryang hindi mo malaman kung ano at saan ang pinaggalingan. 

Mayroon ding mga tao na hindi makunte-kunteto sa buhay. Kailangan pa talaga  nilang gumawa ng paraan para pahirapan ang mga taong naghihirap na nga. Tila ba  nasisiyahan pa sila kapag nasasaksihan na unti-unting nawawalan ng pag-asa ang mga  taong nais nilang hilain pababa. Dulot man nito’y kasiyahan sa kanilang puso,  kabaliktaran naman sa mga taong mas lalo nilang pinapahirapan.

Oo nga’t nasa tao mismo nakasalalay ang kanilang kinabukasan pero kahit anong  gawin ng isang mamamayan, mahihirapan siyang maka-ahon kung maraming  nakahadlang kagaya na lamang ng mga nabanggiit mula sa huling talata. Maraming tao  ang natututong magbanat ng buto kahit sa murang edad pa lamang. Kumakayod na para  may makain at upang mabuhay. Madami ng responsibilidad ang nakapatong sa kanilang  balikat. Hindi makakapag-aral kung hindi kakayod. Ang iba’y nasa kalye. Kung hindi  dumidiskarte, nanlilimos o di kaya’y nagbebenta ng mga kakanin para mabuhay, baka  sumisinghot na ng rugby mula sa kung saan. Ang mas masakit pa ay may mga taong  sinubukang takasan ang realidad at tinuluyang wakasan ang paghhirap na nararanasan. 

Maswerte ang mga taong nakakakain ng tatlong beses isang araw. Minsan nga’y  sinasayang lang ang kanilang pagkain. Kapag hindi naubos, pinapakain sa mga alaga o  di kaya’y diretso sa basurahan. Ang iba nga’y hindi na alam kung kailan sila huling  nakakain ng sapat at talagang matatawag na pagkain. Ang mga basura nga rin ng ilan  ay tinuturing na kayamanan ng iba. Maswerte na kapag may makalakal na tirang pagkain  sa basurahan. Inuuwi at niluluto ulit saka kakainin at ito’y tinatawag na pagpag. 

Ang solusyong aking maibibigay ay kooperasyon at suporta mula sa bawat isa.  Magtulungan sa halip na magsadlakan sa lupa. Huwag mong sisisihin ang iyong sarili  kung bakit ka ipinanganak na mahirap. Magsumikap at pagtagumpayan lahat ng  pagsubok sa buhay mging ang mga hadlang dahil hindi tayo ilalagay ng Diyos sa  sitwasyong hindi natin malalampasan. Lahat ng problema ay mapagtatagumpayan kahit  gaano pa man kabigat. Manalig lang at gawin kung ang ang makakabuti. Gamiting tulay ang mga programa ng gobyerno upang makatawid mula sa kahirapan patungo sa  masaganang kinabukasan. Hindi isang daan upang ibulusok pababa ang ibang kapwa. 

That is all for today, guys. I hope you have learned something today from this article I have published. May God bless us all. Mabuhay!

1 - Digital Wellbeing: Fine-tune your Tech Habits/ 2 - Promote Better Growth/ 3- Those were the days, my friends/ 4- New Experiences Come and Go/ 5 - Admit or Lie: Choosing Between Options/ 6 - Dreams: One Word, Countless Reasons/ 7 - Kyoto: City of Past, Present and Future/ 8 - Depresyon sa mga Kabataan: Mga Dahilan at Kung ano ang Makatutulong/ 9 - Limang Letra, Isang Salita/ 10 - Make it Righteous

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Special Notes:

All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.

This is original content.

7
$ 4.79
$ 4.61 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Bloghound
+ 3
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty
Avatar for McJulez
3 years ago
Topics: Kahirapan

Comments

Kailan kaya tayo magkakaroon ng kapayapaan yung tipong wala ng problemang kinakaharap sa lipunan. Yung wala ng mga sakim sa kapangyarihan o yaman ng bansa. sarap sa pakiramdam nun. Hehe 🥺❤️

$ 0.00
3 years ago

Ang masasabi ko, grabe ang greed ng tao, lalo na yung mga nasa pwesto. Hindi ko nga lubos maisip kung pano nila masikmura ang magnakaw. Kung hindi pa sumasakit ang tyan nila kasi galing sa nakaw ang pinangkakain nila. Or kung kailan sila makakarma.

$ 0.00
3 years ago

Talamak na talaga ang korupsyon at kasakiman sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ito'y maayos pa ba. Nakakalungkot isipin na maraming kabataan ngayon ang hindi ma enjoy ang kanilang pagiging bata dahil kinakailngan nilang mag banat ng buto para sila ay mabuhay.

$ 0.00
3 years ago

Alam mo iling ako NG iling habang binabaso ko Tong mga problema NG bansa. Kailan kaya tayo makaka wala sa ganito?

$ 0.05
3 years ago