Halimaw

4 52

A new day has come again. The moment you have been waiting for is here. Are you ready for its exciting events? The finale of Ang Tagapagligtas is now here. So, enjoy reading the rest of it.



Habang siya ay nasa tore ay naalala niya ang kaibigang si Keon. Dapat ay doon na lamang siya nagtungo. Pumatak ang kaniyang luha. Nang ipikit niya ang kaniyang mata ay lumindol nang bahagya. Lumindol na uli ngunit mas malakas na. Napatayo siya at tumingin sa dungawan ng tore. Tama nga si Nepune. May darating na halimaw. Sa harap ng kaharian ay may malaking halimaw na may siyam na ulong nagbubuga ng apoy.

Nagbuga ng apoy ang lahat ng ulo at sa isang iglap ay nawala ang halos kalahati ng kaharian. Napaupo siya sa nakita. Parang may kung anong tumakbo sa isip niya at tumalon siya mula sa tore. Ang nasa isip na lamang niya noon ay iligtas ang kahariang mahal niya. Nang tumalon siya ay hindi siya bumagsak sa lupa ngunit sa isang batis sa ibaba ng tore. Ginamit niya ang tubig upang makalipad at mabilis na pumunta sa halimaw.

Kumuha siya ng isang sandata mula sa isang sundalong nakikipaglaban sa halimaw. Nabalot niya ito ng tubig at kahit sarili niya ay nababalot ng tubig. Ibinato niya ang sandata nang malakas papunta sa puso ng halimaw. At sa isang iglap, bumagsak ito. Pagkabagsak ng halimaw ay nanghina si Nerea.

Bumaba siya at tumingin sa kaharian. Nakita niya ang mga taong may takot pa ring ekspresyon sa mga mukha nila. Bakit? Patay na ang halimaw. May isang sumigaw at sabing halimaw siya at pinagtututuro. Natatakot ang mga tao sa kaniya dahil sa ginawa niya. Ang kahariang minahal at ipinagtanggol niya ang mismong nagtatakwil sa kaniya. Nagpunta si Nerea sa bahay ni Keon. Sana ay hindi niya rin ito itinakwil. At tama siya, tinanggap pa rin niya ito nang buong-buo. Yinaya niya itong umalis na lamang nang kaharian dahil hindi na siya tinatanggap ng mga tao roon.

“Gusto mong mamuhay sa malayong lugar kasama ako? Kung ganoon, magpakasal na tayo. Matagal na kitang gusto Nerea. Matagal na. Mahal kita. Magpaksal na tayo,” sabi ni Keon. Nagulat si Nerea at napayakap na lamang siya kay Keon at sinambit ang mga salitang “Mahal din kita”. Namuhay sila nang mapayapa sa kabundukan. Naging masaya sila kahit hindi marangya ang buhay nila.

Isang araw, may sugatang lalaki ang nagpunta sa bahay niya. Ginamot muna nila ito. Nalaman nilang mula pala ito sa kanilang kaharian. May halimaw muling dumating at sumisira sa kaharian. Dahil sa pag-aalala ay kinuha niya ang sandata ng lalaki at tutungo sa kaharian. Pinigilan siya ni Keon subalit nagtuloy pa rin siya.

Pagdating niya sa kaharian, halos masira na lahat. Nakaramdam siya ng galit. Kahit pa pinagtabuyan siya ng kahariang ito, dito p rin siya lumaki. Sinugod niya agad ang halimaw. Sa isang malakas na paghampas ng tubig sa halimaw ay natanggal ang ulo nito. Inihampas muli ni Nerea ang tubig at nahati ang katawan ng halimaw. Nanghina siya ta mautumba na ngunit sinalo siya ni Keon na sumunod pala sa kaniya. Nagbunyi ang mga taong naroon. Humingi sila ng tawad kay Nerea dahil sa pagtrato nila noon sa kaniya. Dumating ang hari at reyna. Humingi rin sila ng tawad at inalok na siya ay bumalik na.

“Pinatatawad ko na kayo. Hindi ko kayang magtanim ng galit sa kahariang minahal ako. Babalik ako ngunit hindi na sa palasyo. Mamumuhay ako sa tabi ng dagat kasama ng minamahal kong si Keon,” simpleng sagot niya sa alok.

At ganoon ang nangyari. Namuhay siya nang payapa at kontento sa tabi ng dagat kasama nang kaniyang iniibig. Kung may dumarating mang panganib sa kaharian ay hinaharap niya ito. Mula sa isang prinsesa ay naging isa na siyang tagapagligtas at bayani at mas gusto niya ito.

Ang pagtatapos...

Part 1: Ang Tagapagligtas
Part 2: Nagulumihanan

1 - Digital Wellbeing: Fine-tune your Tech Habits/ 2 - Between Never or Ever / 3- Those were the days, my friends/ 4- New Experiences Come and Go/ 5 - Admit or Lie: Choosing Between Options/ 6 - Dreams: One Word, Countless Reasons/ 7 - Kyoto: City of Past, Present and Future/ 8 - Depresyon sa mga Kabataan: Mga Dahilan at Kung ano ang Makatutulong/ 9 - Burdensome Truth/ 10 - Make it Righteous

Photo via Pixabay

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Special Notes:

All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.

This is original content.

3
$ 2.33
$ 2.17 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @snapping.turtle
+ 3
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Comments

Oh nice! Ang galing ng pagkalahad. If would be Nerea, I'd do the same too. Live a simple life with my loved one.

$ 0.01
3 years ago

Thank you po. Stay tuned po lagi :)

$ 0.00
3 years ago

Sa huli ay nanaig pa rin ang kabutihan sa puso ni Nerea at kahit tinuring siyang halima nang kanyang kaharian ay tinulungan pa rin niya ang mga ito laban sa halimaw,,,

$ 0.01
3 years ago

Opo. Ang kabutihan sa puso ang siyang magbibigay sa atin ng mas magandang outcome. :)

$ 0.00
3 years ago