Paano Ako Nakakuha ng Libreng Swab Test sa Metro Manila Sabay Gala na Rin

38 117
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Naku malapit na naman ang ECQ, pero kung kailangan nyo makalibre ng swab test for travel and/or work eto po ang ginawa ko nung April 2021. Bale dalawa lang talaga yung mairerekomenda ko kung di kayo makakakuha sa barangay, atbp.

Kung pwede lang lumayas sa Metro Manila (NCR) bago mag-lockdown na naman eh ginawa ko na kaso ipon muna ng pera. Tsaka walang magbabantay dito sa bahay ngayon kung iwanan ko kasi kakaalis lang ng kapatid ko... Awwww. Pero bahala na, inform ko na lang muna kayo nito.

(Tip for international readers: To translate this article, manually copy paste entire article to the translator because Google Translate can't translate when using the website link.)

  Libreng Swab Test (RT-PCR) ba sa NCR 'Kamo?

Eto pong mga sasabihin ko ay para sa mga bibiyahe for work or pasyal lang tsaka mga di naman masyadong seryosong dahilan. Nung Abril kasi kinailangan ko magpa-swab test para sa biyahe ko nung Mayo e kaso sa mga may symptoms lang pala ang libre. 😅 O kaya yung may kalapit na positive sa COVID-19, buntis at manganganak or mga kailangan magpa-opera, atbp. Nakaka-sad nga nung nalaman ko di pala libre if gagala ka lang or kahit for work. Awww.

Ayun, dahil kailangan ng swab test result before makabiyahe e naghanap ako ng libre. Grabe ang hassle talaga ng new normal, pahirap pa. Pero siyempre kailangan pagtiyagaan kasi mahirap na baka mahawa or makahawa ng Corona Virus di ba?

Paano ko nalaman itong mga ito? May nagbigay kasi sa akin ng link sa Facebook kung saang grupo pwede makabasa ng about sa swab test. Balak ko kasi sumali noon sa freediving sa Batangas kaso waley. Di ako natuloy hahaha.

Image via Pixabay

 Narito po ang mga lugar kung saan pwede kayo makakuha ng libreng swab test for Travel purposes:

PAALALA: Bago po ninyo puntahan, I-VERIFY muna sa mga Facebook pages mismo o kaya sa mga websites para updated ang mga detalye. May mga bagong updates kasi minsan kaya dapat i-check nyo rin muna sa official sites/pages o sa mga news articles.

Sa totoo lang medyo marami 'to dati kaso ngayon puro di na pwede for travel purposes yung iba kaya dalawa na lang natira.

1. City of Manila: Drive-thru

  • Saan: Pumunta sa Quirino Grandstand

  • Kailan: Lunes - Biyernes (8 am-12 nn)

  • Dalhin ang mga sumusunod:
    o PhilHealth ID, 1 photocopy
    o valid ID, 1 photocopy

  • Para ma-schedule tumawag muna sa numero ng Emergency Operation Center ng Maynila at least 2 to 3 weeks before:
    o 0905-2423327, 0998-3226367, 0963-6023177, 0955-5875981

2. Pateros: TESDA

  • Saan: 33 M. Lozada St., Santo Rosario-Silangan, Pateros

  • Tumatanggap ng Walk-in mula 8:30 am to 11:30 am.

  • Libre para sa mga taga-Pateros at nagtatrabaho doon

(Dati libre) Quezon City: East Avenue Medical Center (EAMC)

  • Lunes - Biyernes (8 am - 12 nn)

  • Dalhin ang mga sumusunod:
    o PhilHealth ID, 1 photocopy
    o valid ID, 1 photocopy
    o ballpen

  • Libre basta may PhilHealth and if Locally Stranded Individual, P900 pag walang PhilHealth and as of June 2021, also if for travel purposes.

Screencap of Picktime website for Antipolo schedule.

BONUS: Malapit sa NCR

Antipolo, Province of Rizal: Mega Swab Testing Facility

  • Dapat may Online Reservation (for kahit anong dahilan) para makakuha ng RT-PCR Swab Test

  • Para sa karagdagang impormasyon, i-check nyo po ang Online Booking ng COVID-19 Test Centers sa:
    RIZAL
    ANTIPOLO

  • Saan: Pumunta sa Multipurpose Building o Ynares Event Center sa mismong Rizal Provincial Capitol sa may likod ng Ynares Center Complex

  • Kailan: Lunes, Miyerkules at Biyernes kada linggo (pwera holidays) mula 8:00 am hanggang 4:00 pm

  • Pwede walk-in pero depende kung magkaroon ng available slots.

 Paano ako nakakuha ng Libreng Swab Test?

Yan ang magandang tanong. Siyempre kung willing ka naman maghintay at pumila para makalibre e why not di ba? Dahil taga-Quezon City ako, pinili ko yung nasa East Ave., tapos naisip ko subukan ko rin sa Antipolo/Rizal.

Ano ang Ginawa Ko Para Makakuha ng Free Swab test sa EAMC?

Yung una kong inalam e yung sa Maynila, kaso ang pinakamaagang sked na nun e May 17. Naku 'di na pwede nun kasi alis ko 1st week of May. Tsaka malayo kaya di na lang ako tumuloy din.

Nagtingin din ako nung sa Antipolo. Nasa bandang baba naman nito ang kwento ko sa pagpunta doon. Eto muna sa EAMC kasi mas malapit sa akin 'to eh. Hehe.

Siyempre pagkatapos ko i-check yung info about EAMC e napagpasyahan kong dun na nga lang ako pupunta. Yun nga lang sabi dapat maaga ka pumunta, tipong alas-5 pa lang ng umaga. 😁 (Actually naging 4 am na nga sa iba, jusko sobrang aga na nun.)

E medyo malapit lang naman ako, mga 3 kms away lang naman mula sa amin kaya ayun. Buti na lang may bisikleta ako kaya ginamit ko yun papunta dun.

Mga 5:15 na ata ako nakarating sa ospital. Hulaan nyo pang-ilan ako sa pila? 😆 May pila na kaagad akalain mo yun.

Nagtanong ako sa guard kung saan ba yung pa-swab test. Tinuro ako sa may Out-Patient Department (OPD). Ayun pala kaya may mga nakapila na. 😄 Buti na lang nag-agahan ako bago pumunta doon. Wala nga lang akong baong pagkain pero okay lang. May baon naman akong tubig.

Para di mainip wag kalimutan magdala ng gagawin. Ang malas ko nun nagtanggal ako ng games sa phone ko kaya nganga ako sa paghihintay. 😅 Puro FB lang ako tsaka tingin tingin sa paligid. 😆 Di ko matiyaga basahin yung ebook sa phone ko kaya wala naghintay lang talaga ako.

Photo by Art x Stephanie Rue / Artgirl

Mga 6:18 medyo may araw na pero madilim pa rin. Since wala ako magawa e di nag-picture na lang ako ng puno na may bulaklak. Haha. Kaso dahil medyo madilim pa ayan sa taas itsura.

Mga alas-siyete o 7:30 am saka nagbukas yung Malasakit center. Dapat puntahan din 'yan para makakuha ng PhilHealth document. Kailangan yun kasi ipapasa kasama ng photocopy ng ID para makapa-schedule ng libreng swab test

Maski hindi madalas ang hulog nyo sa PhilHealth ok lang, pwede pa rin kayo makalibre basta meron kayong PhilHealth. Dapat makakuha na kayo niyan bago magbigayan ng numero para sa pagpapa-schedule pa lang ng swab test.

Mga 8 ng umaga saka sila namigay ng mga numero. Tandaan po, para sa APPOINTMENT ng swab test or SCHEDULE pa lang po ito. Ibang araw ang pag-swab.

Photo by Art x Stephanie Rue / Artgirl

Eto ang numerong nakuha ko. Mga 70 na tao lang ang binibigyan ng numero kada araw at ako ay pang-27! Hehe. Pagkatapos ng bigayan ayun pila ulit kami para maghintay na makakuha ng schedule.

OPD waiting area. Photo by Art x Stephanie Rue / Artgirl
OPD waiting area. Photo by Art x Stephanie Rue / Artgirl

Per batch ang punta dun sa pagkukunan ng schedule para may social distancing. Pasado 10 a.m. kami na yung sumunod na bibigyan ng sked sa wakas. Kaso mo, may form pa pala na dapat ma-fill up di nila binigay agad kaya pagdating sa scheduling area dun pa lang namin na-fill up. Ay naku sayang oras sa pila, kung nabigay agad nung naghihintay kami e mas okay sana.

Ganito po itsura ng form na sasagutan.

Photo by Art x Stephanie Rue / Artgirl

So pumunta ako doon April 23, tapos ang pinakamaagang sked na meron was April 29 na. Nanghinayang pa ako di ako pumunta ng mas maaga pero ayos lang basta meron.

Pag kukuha kayo siguraduhin nyo na yung araw ng dating nyo sa pupuntahang lugar ay pasok sa 72 oras mula nung pa-swab test nyo. Ang 72 oras kasi ay magsisimula mula sa oras na na-swab kayo. Siguraduhing makukuha nyo ang resulta bago ang lipad or departure flight nyo.

E May 1 yung lipad ko nun, kaya kaya naman daw mahabol. Nakuha ko yung resulta kinabukasan (April 30) kahit na ang sabi ay 2 o 3 araw pa bago makuha. Paano ko nalaman? Tinanong ko yung nagbibigay ng schedule. Sabi itanong ko dun sa main building ng EAMC kung kelan makukuha yung resulta. At yun nga ang sabi pwede ko naman makuha kinabukasan.

Natakpan yung Center. Haha. Photo by Art x Stephanie Rue / Artgirl

Kamusta naman EAMC! Nun pa lang yung unang beses na nakapasok ako diyan. Madalas ko lang madaanan noon 'yan 'pag nakasakay ng jeep. Hehe.

Inside EAMC main bldg. Sorry blurred pala. Photo by Art x Stephanie Rue / Artgirl

Nasa 2nd floor yung kuhaan ng resulta kaya dun ako pumunta. Sabi pwede naman daw i-email sa akin pero mas maganda tawag daw muna para masiguradong meron na.

Nakuha ko naman kinabukasan yung resulta. Ang kaso wala palang QR code ang makukuhang papel doon. Kung sakaling kailanganin nyo ng may QR code e mas maganda pumunta kayo sa mas nauna kong pinuntahan. Hehe.

(DISCLAIMER: Ulitin ko lang po, di na daw po libre for travel purposes since June 2021. P901 na ang bayad.)

Ano ang Ginawa ko Para Makakuha ng Libreng Swab Test sa Antipolo?

Sabi ko nga, nauna kong ginawa ito kesa dun sa EAMC. May nagbukas na slots sa pagkuha ng schedule online kaya ayun nakaparehistro ako. Pinili ko yung April 28 na sked dahil Miyerkules yun. Ayoko ng Biyernes masyado na gahol sa oras nun. Pasok pa rin naman sa 72 hrs kaya ok lang.

Ang kaso dahil malayo, mga 18 kms mula sa bahay, di na ako nag-bike uy! Grabe naman sa layo kung iba-bike ko yun. Di ko pa kaya ganun kalayo tapos balikan. Awwww. Kaya ang ginawa ko nag-jeep ako pa-Antipolo.

Jose Rizal Monument, Kaytikling Junction, Ortigas Avenue Extension. Photo by Art x Stephanie Rue

Ang kaso mali ata nasakyan ko kaya dalawang sakay ako papuntang Rizal Provincial Capitol. Aysus ginoo, hirap talaga ng nagtitipid. Hahaha. Kaya ayan may nakita pa akong monumento ni Rizal sa gitna ng kalsada.

Ganyan ganyan na lang ang pag-travel ngayon mga bes. Di na nalalayo sa NCR. 😁

So pagsakay ko ng isa pang jeep, ayun nakarating din ako sa pupuntahan sa wakas. 1st time ko makapunta doon actually. Ang saya-saya. 😆

Photo by Art x Stephanie Rue

Siyempre nagtanong ako sa guard saan ba yung pa-swab. Tinuro naman ako pero dun daw sa may likod ng Ynares Center na building. Ayyy. Akala ko diyan mismo. Hindi pala. 😅 Nilakad ko hanggang dun sa likod banda na building. Bawal magpicture doon lalo na sa loob. Ay naku sasabihan ka talaga.

Sikretong malupet ng Antipolo, Rizal. Charrr.

Bale medyo maaga ako nakapunta sa kinuha kong online schedule. Okay naman mabait naman silang lahat. Sinabihan ako wait na lang ako kasi yung flight ko ng hapon mga 3 pm pa dapat kaya para di ma-expire hintay daw ako ng lampas 3 pm. So ayun nag-wait ako sa waiting area. Maaliwalas naman dun at maluwang tsaka mapuno.

May baon akong sandwich so yun muna kinain ko habang naghihintay. Tapos nung oras ko na bumalik ayun nagpa-swab na ako. Mabilis lang din naman at naka-PPE sila lahat.

Bago ako umalis siyempre kinunan ko muna ng picture yung provincial capitol building uy! Ganda rin ng itsura eh.

Photo by Art x Stephanie Rue

Di nga lang ako pumasok. Sapat na ang kumuha ng litrato. Hahaha. Ang kaso wala palang masasakyan na jeep palabas mula diyan! Jusmio, nagbayad pa ako ng mahal sa tricycle pabalik sa may monumento ni Rizal kasi mag-isa lang akong pasahero.

Anyway, 2 araw bago ko nakuha yung resulta ng swab test via email. Pero at least meron nga nung QR code tsaka nakalagay galing mismo ng Philippine Red Cross kaya napaka-official ng document. Hehe. Solb na solb.

Bakit Dun Ako sa Libreng Swab at Di Na Lang Ako Nagbayad?

Simple, bakit ako magbabayad kung may libre naman? Tsaka mahal kasi pag hindi libre, di ko maatim bayaran kasi di pa naman tayo mayaman... Pinakamura ata na nakita ko nasa P2,000? Naku namamahalan pa rin ako niyan. Saka na lang ako magbabayad pag yumaman na ako. Hahaha.

Kaso dahil nagbago na ang EAMC mapapabayad na ako ng P901 pag kukuha ako ng swab test bandang katapusan. Hay naku passport appointment.

Kayo ba nasubukan nyo na yung libreng swab test? Ayos ba? Saan naman kayo napadpad para lang magpa-swab test? 😁 If may alam pa kayong libre for travel purposes feel free to share. Hehe.

XOXO,

@LucyStephanie

P. S. This is an updated and better version of a previous blog I wrote thus the use of some of the same images.

* * *

(Lead/header image from Pixabay)

Previous articles:

Not a member of read.cash yet? Come join us!

14
$ 7.25
$ 6.99 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @mommykim
+ 5
Sponsors of LucyStephanie
empty
empty
empty
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Comments

Never pa ako naka pa swab test and I dunoo if may pa free swab testing din dito sa amin.

$ 0.00
3 years ago

Ako nakailang beses na since April. haha. Pangatlo na ata nung may pumunta dito sa amin kasi may nag-positive sa mas mataas n floor. Pero buti na lang wala nang ibang positive.

$ 0.00
3 years ago

Mag ingat ka lage jan, sis. 💗

$ 0.00
3 years ago

Salamat. Kayo rin. :)

$ 0.00
3 years ago

Dito samin wala ako nababalitaan na may free swab test 🥲

$ 0.00
3 years ago

Ayun lang... Sa ibang lugar wala tlga eh.

$ 0.00
3 years ago

Sinabi mo na lang sana buntis ka hehe. May nakwento sa akin, nagsabi na lang daw ng kung anong symptoms. Ayun nalibre ang loko haha! Ano ung puno na may bulaklak? Narra? Sarap magtravel no? At least may napuntahan ka pa rin for the first time :D

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, masyado akong law abiding citizen kaya ayan. Hahaha.

Di ko rin alam anong puno.... :( Nakakagala lang ako pag need for work or training. Sana palagi makagala. Sana rin palaging may pera hahaha.

$ 0.01
3 years ago

Haha! Ang bait naman na citizen :D

Lahat ng training puntahan mo hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, online naman yung iba. XD

$ 0.00
3 years ago

Aguy ang dami namang process nyan, parang nakakatamad 😵. Buti nalang hindj ako palabyahe kays diko need nyan.

$ 0.00
3 years ago

Well... Actually naha-hassle din ako mag-isip nung di ko pa need bumiyahe. Pero pag kailangan mo na bumiyahe magagawa mo na lang yan kasi kelangan tlga. hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Di ko pa naranasan magpa-swab test. Madalang naman kasi lumabas. Pag namamalengke lang. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Ah puro work from home kayo lahat? Hehe, ayos.

$ 0.00
3 years ago

Wala ako nababalitaan na free dito sa province. At totoo, ang mahal pa rin ng 2k ha. It's a no no for me too. At may free naman nga ao bakit ka pupunta sa may bayad haha.

$ 0.00
3 years ago

Awwww sana magkaroon din diyan. Di ba, kakaloka mga presyo ng iba nasa P4,900 pa! Juskolord. Haha.

$ 0.00
3 years ago

Sana ngaaaa. Jusme ang mahal! Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Magaling magaling magaling. Marami palang pwede pag kuha an NG libreng swab.

$ 0.00
3 years ago

Hehe tama at least meron. :)

$ 0.00
3 years ago

Buti pa sa Maynila maraming free swab testing, dito sa Prañaque parang wala yata.

$ 0.00
3 years ago

Hi sis try mo check sa OSPAR.. pero ewan ko pano eh... parang nabasa ko lang dati...

$ 0.00
3 years ago

Di ko pa nmn kailangan ngayon. Di bale na, Salamat 😁

$ 0.00
3 years ago

Onga parang wala. Sa MOA kaso di na pwede for travel eh. Sad life. Dadayo pa ng malayo para makalibre swab.

$ 0.00
3 years ago

Oo sana lagyan din kami ni Olivares sa Parañaque

$ 0.00
3 years ago

Onga sana all tlga.

$ 0.00
3 years ago

Never pa ko nka pag p swab teat gagi...kahit sa company di ako naka pa swab

$ 0.00
3 years ago

Ayyy virgin pa ang ilong m gagi. Hahahaha.

$ 0.00
3 years ago

hahahaha sobra pa sa virgin gagi hahaha

$ 0.00
3 years ago

Walang butas ba? hahahaha.

$ 0.00
3 years ago

as in di ko pa talaga na try yan gagi...hihih

$ 0.00
3 years ago

O alam m n now saan may libre pag napadpad ka dito gagi. :D

$ 0.00
3 years ago

anlayo sa cebu niyan gagi

$ 0.00
3 years ago

I know right? Hahaha. At least nga alam m n san ka pupunta if nadayo ka dito gagi.

$ 0.00
3 years ago

ahhhh heheh okiiii

$ 0.00
3 years ago

Ingat kayu palagi dyan ,lalo na ngayon may bagong variant ang virus ,nakakatakot .😥.stay safe and godbless

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga eh. Haaay. Salamat. Kayo rin diyan ingat. :)

$ 0.00
3 years ago

Thanks for sharing, marami din nangangailangan mg libreng swab test lalo na at ang mahal nyan

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga grabe tlga sa mahal. Whew. Sana more pa ang libre kung pwede lang 'no?

$ 0.00
3 years ago