FACE TO FACE MEETING
sa school
Kaninang umaga nagpunta ako sa school para umattend ng Meeting.
Talaga naman buzzer beater ang lola niyo kanina dahil wala akong kaalam alam na may meeting pala haha ..
Paano ba naman maaga ako natulog kagabe tapos natabunan na yun chat ng Teacher ng anak ko sa gc.Mabuti na lang kanina eh nag remind si Teacher kaya attend ko nagpahatid na lang ako sa asawa ko para mabilis.
Napagusapan sa meeting ang about sa Recognition day ng mga bata.Virtual lang daw at ipapalabas sa June 29 peeo iapparanas naman daw sa kanila umakyat sa stage kaso yun nga lang recorded at by batch dahil bawal mag exceed sa 25 per batch kaya hahatiin ang 3 sections sa 3 days at 2 sessions
Isa pa sa napagusapan ay ang culminating activities na gaganapin sa June 15 kung saan ang mga bata inaanyayahang sumali sa pagsayaw,pagkanta,pagguhit,tula at story telling kaso ayaw ng anak ko sumali mahiyain haha ..
Nextweek ay ang week8 at sa next friday na daw ang pasahan ng Modules and worksheets.
Medyo excited na din ako kahit virtual lang iba pa din yun feeling na finally mag Moving up na ang panganay kong anak.
Ito nga pala yun picture niya nun Monday 2nd time niya pumasok sa f2f class medyo may toyo ayaw pa picture kaya puro stolen shots lang ginawa ko haha..
Swollen eyebag
Kahapon hindi ako naging active dahil sa dami ng ginagawa ko mawawalan daw kase ng tubig kaya naman naglaba ako kahapon.
After ko maglaba talagang hindi ako mapakali gusto ko ng maligo dahil pawis na pawis na ako maalinsangan kase ang panahon sa umaga tapos bandang hapon bigla nman maguulan.
Kaya pinaalagaan ko muna si baby sa mama ko para makaligo ako saglit sakto umulan naisipan ko maligo saglit tagal ko na din hindi nararansan maligo sa ulit.
Saglit lang naman ako naligo sa ulan at nagbanlaw na ako.After ko makaligo naramdaman ko na sobrang kati ng mata ko kaya kinusot kusot ko.
Grabe talagah habang kinukusot ko ng kinukusot lalo lang siya kumakati.
Hanggang sa napansin ko na namaga na pala un ilalim ng mata ko para akong nasapak as in maga na maga talaga siya.
Kaya nag worried ako sabi ng kapatid ko baka daw may UTI ako or na-hi blood kase noon daw ganun siya kaya naisipan ko uminom ng pineapple juice.
Ngayon umaga hindi na siya gaano paga sana mawala na siya ang hirap ng may nararamdaman lalo na at sa mata ang apektado
Ginisang kalabasa at Talilong
Katatapos ko lang magluto ng dinner maaga dahil papasok si Hubby sa work mamaya hay mukhang babgsak na ang ulan panay ang kulig at kidlat.
Share ko sa inyo ulam namin ngayon
Magluluto ako ng ginisang kalabasa na may talilong.
Nung isang araw na nag grocery kami ni hubby bumili din ako ng gulay carrots,sayote at kalabasa mura lang bali 24pesos lang.
Naisip ko igisa na lang total may sardinas naman kami binili para tipid.
Ipinagprito kona lang si Hubby ng Tilapia para baon at ulam niya kase di nga to nakain ng gulay.
Samin ng anak ko tawilis na lang ulit na pinais haha : )
Pinais na Tawilis
Kahapon paguwi namin galing birthdayan nag chat sa akin si Tita ko ( kapatid ni mother ) na kunin daw ang padala ng Kakang Golu na pinais na Tawilis sa bahay ng isa ko pang tita .
Medyo looban na kase ang samin kaya pag may padala dun na lng namin kinukuha total malapit lang din nman.
Nagpunta pala kase si Tito sa Tanauan,Batangas kahapon para dalhin ang bayad sa napagbentahan nila dahil nagtinda sila kahapon ng tawilis dito sa amin baranggay.Kaya pinadala na din ang pinais na tawilis.
Mahilig talaga ang mga batangueño sa mga pinais oh sinaing na isda. Pag kase sinabing Pinais ibig sbihin sinaing sa dahon ng saging at pinalambot talaga kahit tinik sa sobrang lambot di mona mararamdaman haha : )
Napakagenerous ng mga kamaganak namin sa batangas lagi kami may rasyon ng tawilis na pinais at fresh tilapia tuwing may harvest sila sa kanilang palaisdaan.Kahit dito kami sa cavite nakatira talagang sinasadya pa nila kaming puntahan .
Paborito ko talagah to lalo pag ang pinang asim ay kalamias na tuyo ang sarap talagah.Kagabe ito ulam ko pati kaninang umaga and for sure mamayang gabi haha .. tipid na sa ulam magpipisa na lang ng kamatis.
--
Naki birthday ang bata
Kanina umalis kaming mag anak bandang 1pm dahil 2nd birthday ng anak ng pinsan ko .
Pagdating kase sa pinsan ko na ito di ko talagah yun matanggihan bawat pahanda niya.Kasabay namin ang kapatid niya na kinuwento ko dati na finally after 12years ay nagkaanak na din sila.
at ngayon 2 months na ang baby niya na napakataba.
Sobrang busog na busog kami kanina sa handaan talagang lafang kaya naman nakalimutan kona picturan yun handa haha ..
Ang saya namin kanina kase noon lang ulit kami nakapag bonding
Daan lang sa Kamay
kaninang umaga maaga kaming umalis ni Hubby para mag withdraw ng sahid niya.Dapat talagah kahapon pa kaso hindi niya naman alam na may sahod na kahapon ng umaga dahil June 3 palang naman.
Kaya naman inagahan na lang namin kase wala ng Diaper si baby.Sinabi ko kay hubby na sasam na ako sa kaniya sa pag grocery dahil kung anu-anu naman bibilhin niyan na wala sa listahan.
Mabuti ngayon nakakaalis na ako kahit papaano kase nagpapaalaga na si baby sa mama ko dati kase talagang di maiiwan at mauutas na sa pagiyak.
Namili lang kami ng ilang de lata Kape,noodles mga condiments at mga pang hygiene grabeh akalain mo yun naka 1200 na agad bilis ng pera.Yun 4k ko kanina pagkatapos ko mabili lahat ng kailangan sa bahay 1k na lng.
Mukhang kakapusin na naman atah kami ngayon laki na din kase ng kaltas niya every sahod almost 3k dahil sa loan.
Hirap talagah ng buhay ngayon kahit anung gawin mong diskarte sa pag titipid minsan hindi parin talagah nagkakasya.
Kangkong ( Water Spinach )
Kaninang umaga naglako ng gulay ang suki namin pag talagah Kangkong sa kaniya ako bumibili kase alam kong malinis dahil sa Ilog may taniman sila.
Unlike sa binibili sa bayan .. Minsan kase hindi mo alam san galing kung san tumubo haha : )
Taghirap ang lola niyo ngayon medyo na short ako sa pera dahil almost 1K binili ko ng gamit ng anak kong panganay dahil papasok siya sa school for face to face.
Grabe feel ko lang talagah pag sahod namin 5Th of the month parang sobrang bagal ng araw or sadyang inaantay ko lang kaya parang ang tagal?Paubos na pati bigas namin sa isang sako ayan na lng natira huhu.
So balik tayo sa kangkong .. Mahal na din nito ngayon 10pesos na isang tali dati 5pesos lang lahat talagah nagmahal na kahit ang talbos ng kamote ganun na din ang presyo.
Balak ko na lng i-adobo to mamaya para ulam namin magina ..tapos bilhan ko
PAREKOY and his pets
Share ko lang sa inyo guys ang mga cute na ibon na ito.Actually alaga itong kumpare ko bali ngayon dun siya nakatira sa bahay nila mama ko kase tropa niya un kapatid kong lalake.
American mixed lovebirds daw ang tawag dito gustong gusto ko yun color ng ibon na mixed blue and white ..
Sabi ng kumpare ko may family problem kase sila naglayas sa kanila ..
21 years palang siya kaya medyo immature padin magisip kaya kahit anung paliwanag namin ayaw talaga niya umuwi pero bastah labas na lang kami dun sa problem nila ang tanging mai-offer na lang namin sa kaniya ay ang kupkupin siya.
Maarunong naman makisama at Masipag naman magtrabaho at madiskarte sa buhay palibhasa anak ng mga taong negosyante.
Mahilig nga pala siya magalaga ng mga birds bini-breed niya at binebenta kagabe nila kinuha yun mga ibon.Nagpaalam siya sa papa ko na kung pwede daw niya alagaan dito samin ang mga ibon niya kakaawa kase at baka mamatay lang dun sa kanila dahil wala naman mag aalaga.
Nakakatuwa ang cute ng mga ibon parang gusto ko hingiin un isang pair charr : )
Nagre-range daw ng 1k pataas ang price ng mga ibon nito by pair.
May mga itlog pa din na pinalilinliman at malapit na din mapisa : )

Efficasent oil
Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon mas mabuti pala bioflu agad ang ininom ko mabilis ang recovery ko.
One time kase nakainom ako iba un effect niya sa akin kaya nadala ako uminom .
Pero Kagabe kase parang walang pagbabago sa pakiramdam ko sa pag inom ko ng Neozep kaya naisip ko na palitan ng bioflu baka sakali may ipagbabago yun lang din kase ang available pag sa mga sari-store.
Madami din akong nabasa sa mga comment ng ating mga noisemates na try ko mag pa massage baka daw may kasama ng lamig.
Kaya naman naisipan kong magpahilot sa kapatid ko gamit ang efficasent oil ( tama ba spell ko ? Haha
at ayun ang sarap ng pakiramdam ko humahagod talagah ang init sa katawan na nakakaginhawa.
Ramdam na ramdam ko ang lamig yun matitigas na part ng muscle na parang nagba-bounce pag pinipisil yun tipo na masakit pero maalwan sa pakiramdam.
Mamaya magpapahilot ako ulit sa kapatid ko ang laki ng inalwan ng pakiramdam ko.Ang sarap maghilot nitong kapatid kong babae magaan ang kamay.Siguro siya ang nakamana sa lolo namin.
Sweet & Sour tofu and Hotdog
3days masama padin pakiramdam ko medyo naginhawa lang pag nakakainom akong gamot.Sinunod ko ang advice ng mga noisemates natin na drink more water.
I admit naman di talagah ako palainom ng tubig pero ngayon na feel ko na mas maginhawa ang pakiramdam ko everytime na iinom ako ng tubig.
Dahil may pasok si Hubby nightshift na siya this month of june kaya maaga ako magluluto ng dinner para kasama na sa baon niya pagpasok sa trabaho.
Hindi ako makalabas ng bahay kaya kung anu lang laman ng ref yun lang niluto ko
May natirang tokwa at Hotdog naisipan ko i-sweet and sour na lang para may twist hindi na lng palage prito.
Ini-slice ko ng maninipis ang tokwa bago pinrito ng crispy,pinirito ko din un hotdog at patatas nung luto na nagisa ako ng Sibuyas at bawang binantuan ko ng konting tubig at tinimplahan nilagyan ko ng ketchup at konting asukal.
Masarap siya un iba nilalagyan ng siling panigang para medyo maanghang pero un sa akin hindi kona nilagyan dahil di makakaen yun anak ko .
Sana maigi na pakiramdam ko bukas ang hirap ng may sakit lalot walang ibang aashaan ang pamilya mo.
Not feeling well again
Ito naman tinamaan na naman ako ng trangkaso.Halos 2 days na din masama ang pakiramdam ko nagsimula lang sa sipon at sakit ng ulo bahing ako ng bahing na masakit sa ulo tapos yun sipon na parang tubig nakakaluha talagah grabeh.
Hindi naman ako naambunan sa labas Nagising na lang ako kahapon na ganito ang pakiramdam ko..
Siguro dala na din ng paiba-ibang panahon kase iinit sabay biglang uulan kaya naninibago ang katawan .
Halos mga tao dito may mga sipon na din .. flu season na naman atah ito haist ..Inom muna ako ng NEOZEP medyo nakakaantok tong gamot nato pero natigil naman ang pagtulo ng sipon ko
tiis na lang.
Sana lang gumaling na agad ako mahirap kase magkasakit pag nanay ka walang aasahan iba ang pamilya.
Despedida
Kahapon lastday na pala ni Sir Kunikata sa work dito sa Pilipinas.
Mabe- base na kase siya sa Main branch sa Japan at bibisita na lang dito sa Pilipinas once a month.
Siya nga pala ang vice president ng company na pinagtatrabuhan ng asawa ko dito sa Laguna Technopark.
So dahil aalis na nga siya one week may pa surprise si Sir sa kanila ..
Nag barbeque party, nag pa rice curry at namigay ng mga condiments from japan.
Kahapon sa last day niya may pa treat daw sa SM si Sir kuni sabi ng asawa ko kaso di na siya sumama.Medyo nagloloko kase ang motor niya baka daw tumirik pa siya mahirap na at umuulan.
May inuwi naman siya na Gift galing sa matanda isang original na payong inorder pa daw to from japan!
Tuwang tuwa naman ako dahil tagulam ngayon sakto hindi na ako bibili ng payong : )
Spring Onions
Dahil madami ako stock na sibuyas sa kusina naisipan ko itanim yun ibang masyadong maliliit.
3 beses na kase naglalako yun suki namin sa sibuyas ng bagsak presyo nung nakaraan 2 times ako nakabili 50pesos per kilo lang kaya naman talagang dinamihan kona dahil gamit na gamit talagah to sa kusina.
Tamad kase ako lumabas ng bahay kaya mahilig ako mag stock ng mga pagkain.
Tska mas nakaka save kase pag bibili ka ng madami kesa paisa-isa sa tindahan.
Kanina lang lumabas ako para magkape sa aming tambayan at para icheck na din yun mga tinanim ko .
Abah! may dahon na yun sibuyas na tinanim ko : )
Kaya naman pinicturan ko .. masarap kase ang dahon ng sibuyas sa lugaw at pares dito sa amin napakadalang magkaroon sa palengke nito.Kaya mas maganda magtanim kana lang pwede nman siya kahit sa mga plastic bottle
lang : )
Nakakatuwa talagah magtanim lalot nakikita mo yun paglaki nila sarap sa pakiramdam .. sana lumago pa at sumibol na din yun dahon ng iba at sasampolan ko sa sila sa nilugaw : )
Chopsuey
Share ko nga pala sa inyo yun niluto kahapon for dinner.Nakabili kase ako sa Talipapa nung isang araw ng chopsuey na kumpleto na 25pesos ang isa.Bumili ako ng 2 balot balak ko sana na isahog to sa pancit minsan kase nagluluto ako kahit walang okasyon bastah trip ko lang : )
Eh kaso hindi ako nakabili ng ulam kahapon umulan na kase bandang Hapon kaya kung anu na lang lamanng ref iyon ang lulutuin.
Buti may natira pang manok na 2 hiwa galing dun sa FRIED CHICKEN ko nung isang araw tapos un evaporated milk ko na stock para sa Ice candy .
Haha kaso hindi ko alam bakit ganun ang Nangyare sa chopsuey ko na niluto mas lasang sopas : )
Kaya ang sabi ng asawa ko .. Bakit ganun parang mas lasang sopas to natawa na lang ako kase kahit ako hindi ko alam bakit ganun ang kinalabasan ng pagluluto ko.
Di bale nextime tanungin kona lang byenan ko kung anu tamang pagluto nito para di epic fail yun luto ko.
Pagdating kase sa kusina siya ang expert eh : )
FIRST DAY OF SCHOOL
Maaga akong nagising kaninang umaga dahil dalawa ang papasok yun isa sa trabaho ang Mister ko at yung isa naman ay ang anak ko sa school for the first time.
Honestly di talagah ako nakatulog ng maayos kagabi .. excited ba? haha oo totoo inaamin ko mas excited pa ako sa anak ko.
Magkahalo kase ang nararamdaman ko excitement at kaba sa pagtuntong niya sa eskwelahan.
Kaya kanina ako ang naghatid sa kaniya sa school habang naglalakad kami kinakausap ko siya sa mga do's and dont's sa school para aware na siya.
Nagstart ang klase nila ng 8am at 10:30am matatapos.Nakalingon siya sa may pinto ng room habang nakatingin sa akin .. sabi ko wag ka iiyak ha?
..wag mo ako hahanapin andito lang ako sa labas hihintayin kita : ) pero charr lang yun kase umuwi talagah ako dahil iniwan ko lang saglit si baby sa mama ko di pwede iwan ng matagal dahil magiiyak.
Habang nasa bahay nagaalala ako baka kase umiyak siya sa school ganun kase karaniwan sa mga bata sa unang pasok sa skwelahan.
Mabuti nalang at hindi nangyare dahil enjoy na enjoy siya sa pagaaral.
Ang sarap sa pakiramdam .. Ganito pala ang saya ng isang magulang na nagpapaaral ng anak sa unang pagkakataon .
Proud ako kay Kyrie naka 3 stars at 1 excellent sticker siya. Hindi kona napicturan dahil nabura na hehe di bali next time na lang i-share ko sa inyo ang stars at sticker niya.

BIGLAAN LAKAD
Kahapon nagchat na ang Teacher niya anak ko na ipapalista ang mga batang naka enroll fronm online class na mag sit in sa face to face class atleast once a week para naman daw maka experience ang mga bata .
Hindi ko naman inexpect na buaks na agad ini-schedule ng Teacher ang anak ko kase siya ang pinakahuli sa listahan.
Haha so medyo na alarma ang lola niyo kaya naman napabili ako ng uniform kanina para naman all new lahat ng gagamitin niya.
Gusto ko kase maalala niya kung gaano kasaya pumasok sa eskwelahan sa unang pagkakataon.Diba ganun tayo tuwing first day of school?.
Medyo nahirapan kami maghanap kanina wala kami mabilihan ng school uniform sa 3 lugar pinuntahan namin .
Kaya napaderecho kami sa Cabuyao sabi kase ng asawa ko sigurado meron daw dun.
Taga dun kase sila kaya alam niya ang mga pamilihan at ayun ang dali nga namin nakahanap.
Sa sobrang init kanina kaya nahilo ako akala ko nga ay mag cocollapse ako pero nilakasan ko lang ang loob ko para makauwi kami .
Paguwi ko ng bahay lupaypay ako kaya tumapat ako harap ng electric para maibsan ang hilo ko.
Mahilohin kase akong tao kaya konting byahe lang talagang masama ang pakiramdam ko.
Iyan nga pala ang binili ko sa anak ko na bag kanina sa Shopwise. Mura lang siya 139 pesos pero cute naman. Hehe Hindi kona napicturan yun uniform di pa kase plantsado bukas na lang : )
Mukhang di na naman ako magkanda ugaga nito bukas sa dami ng gawain hays Kailangan ko ng extra energy may pasok din kase si Hubby bukas.
PAYDAY ULAM
Maulang Saturday na naman ito mga beshy, talagang rainy season na sa Pilipinas kaya struggle na naman sa pagpapatuyo ng mga damit ang mga tulad kong Momshy na walang dryer sa bahay : )
Pero okay lang tiyaga -tiyaga lang din makakapag pundar din tayo someday.
Kwento ko nga pala ulam namin Kaninang umaga FRIED CHICKEN at Fried talong tapos bagoong galing kay Mother.
Payday kahapon kaya sabi ko magluluto ako ng masarap.Dapat talagah magluluto ako ng menudo kase nitong mga nakakaraang araw ilang beses ako nakapanuod ng mga food vlog kaya crave na crave ako so bumili ako ng 1/2 kilo manok grabe presyo ng manok 200 na pala ang kilo ang mahal na din.
Actually nakabili na ako ng pansahog kaso pagdating ko sa bahay sabi ni Hubby gusto daw niya ng Fried chicken kaya naman napa-prito tuloy ng wala sa oras .
Bumili lang ako ng Crispy fry para ready na at madami ako labahin nakasalang para mabilis lang ang pagluluto .So ayan na nga kinalabasan medyo sunog pa haha ..
Pacenxia na kayo hindi nakakatakam ang picture ko pero masarap naman yan Hehe ..
BACK TO ONLINE CLASS
So back to reality na ulit kami supposedly 2 times dapat ang online class ng anak ko every week pero nagbago ang schedule dahil may mga studyante na kase sila nag limited face to face.
Sabi ng Teacher nila kanina na almost for weeks na lang daw ang classngmga bata kaya pwede na daw sila ipa-sit in for f2f class atleast once a week.Para naman daw makaranas ang mga bata makipag socialize .
Kaya magsesend daw si Teacher ng listfor first batch napapasok next week.
Super excited na ang anak ko pumunta sa school.Natutuwa ako na naawa kase sabik na sabik siya dahil nga sa Pandemic hindi sila nakapag aral ng normal na studyante kagaya dati.
Pero kahit ganunpaman thankful ako sa kabila ng sitwasyon natuto padin siya magbasa at magsulat ng di ako nahihirapan magturo dahil nahilig siya magaral.
Sana hindi siya magbago at hanggang sa paglaki niya eh masipag siya mag aral.
Fishballs
Kanina talagah wala maisipan kainin
Nagke-crave talagah ako sa mga pagkain pag ganitong malapit na nag sahod kung kelan namanrunning outna ang budget haha : )
Tagal kona din hindi nakakain nito Paano ba naman walang gusto mag tinda dito sa amin kundi yun nakabike na nadayo pa galing sa ibang lugar.
Sabi ng kapatid ko hindi daw nagtitinda si Kuya Bert un nakabike na nag fishballs umuwi daw kase sa Bicol kaya namiss na din nila kumain.
Dun kase sila natambay ng tropa niya sa may kanto kung saan napwesto si kuya Bert.
Kaya dahil nag ke-crave din ang kapatid ko napabili tuloy sa Talipapa ng 1 kilong fishballs at ipinaluto sakin.
Gumawa na lang ako ng sauce marunong naman ako dahil nagtitinda si mama dati ng ihaw-ihaw noon bata pa kami.
So ayan lang napicturan ko sabi ko i-plating ko pa para mashare ko dito kaso ayun naalala ko na nman kung kelan ubos na Haha sorry : )
ASO'T PUSA
Sabi nila hindi daw magkasundo ang aso't pusa pero look oh! Ang alaga kong si Dothy at Miles super close sa isat-isa : )Katunayan nga laging silang dalawa ang magkaharutan.
Kahit sa pagkain magkasalo sila pati sa pagtulog magkatabi din.
Habit ng dalawang to ang tumambay sa harap ng electric fan .. mga sosyalin din ang peg Haha
Nung una dumating dito si Dothy talagang ayaw sa kaniya ni Miles.
alam niyo un itsura nang pusang galit na tindig lahat ang balahibo haha ganun itsura ni Miles : )
Tapos ito namang si Dothy friendly feeling close siya sa mga alaga namin sina Kambie , Barnie at Eno mabuti na lang hindi siya inaaway.
Nakakatuwang makita na magkasundo silang dalawa lalo na sa katulad kong petlovers binansagan magkaaway pero nagmamahalan silang tunay : )
Minatamis na Langka
So ito na yun langka na na harvest nila papa nung isang araw bali naka 3 bunga kami ng na harvest at pangalawa na itong ini-slice kanina.
Sobrang tamis niya kahit yun banakal (laman na nakabalot sa lamukot) kaya para di masayang kinaen ko na lng haha
Yun laman kase ay mamatamisin ko pansahog sa Ice candy.
Pwede na nga rin hindi matamisin pero mas okay kung mamatimisin na para lumabas talagahang flavor niya sa Ice candy.
Sana mabenta parin kahit naguulan na .
Kahapon ko kase after ko magpost na super hot Saturday bigla umulan ng malakas haha ..
Kaya ayun nabasa kami ni Hubby .
Nagpunta kase kami ng Putingkahoy ( lugar dito sa Silang Cavite ) para mag pa inject ng depo provera sa Midwife na naka assign dito sa center namin dati - Birth control method nga pala ito na effective hanggang 3mos.
Dito kase ako hiyang kaya hindi na ako nagtry ng iba.Dahil first time ko ulit mag padepo ayun masakit ang braso ko at panay tulog lang ako.Kaya pasilip-silip lang ako dito.
So ayan diyan na muna kayo at mag mamatamis muna ako ng langka bagi matulog.May pasok na si Hubby bukas kaya kailangan maaga gumising.
Super Hot Saturday
Grabe napakainit talagah ngayon sa Pilipinas yun tipong ang init na ng hangin na ibinubuga ng electric fan kaya di mapakali ang batang maligalig.
Dati ganitong Buwan madalas na ang paguulan pero epekto ng climate change mas mainit pa sa March at April ang buwan ng May.
Kaya andito na naman kami sa bakuran kahit gusto ko sana matulog ngayon dahil walang pasok si Hubby kaso ayaw naman ng batang to tumigil sa loob ng bahay Kailangan kong bantayan dahil lakad ng lakad baka madapa.
Isa pa tong aso kong si Dothy na pasaway hinaharangan niya un dinadaanan ni baby paglalaro kaya foble bantay at baka biglang makagat mahirap na .Mahilig na din kase siya playbite at favorite niya pagtripan si Miles un pusa ko lagi sila nagbubugbugan Haha.
Namulaklak na nga pala yun pink gumamela ni papa kaya happy na naman siya : )hehe
GoodHarvest again : )
Grabe talaga ang tuwa ko ngayon paglabas ko sa aming bakuran umidlip kase ako saglit dahil puyat ako kagabe pagagawa ng Ice candy actually kakagising ko lang tapos nagulat ako
may langka sa ibabaw ng mesa.
Haha not just one but two Hinog sa puno talaga yun isa pa nga na nasa picture nabitak na sa hinog kitang kita ang lalaki ng lamukot : )
May panghimagas na naman kami at syempre pang sahog sa Ice candy.
Yun buto naman ilalaga pagkatapos ganun kase sa probinsiya nila papa inilalaga ang buto para i-meryenda
masarap din siya parang katulad ng ibang buto.
Paulit-ulit ko ng sinasabi iba talaga pag may sarili kang tanim haha .. gasfas na gasgas na atah ang linyang to sakin pero proud lang talagah ako sa papa ko na napakasipag magtanim dahil sa kaniya nakakaen kami ng mga prutas at gulay na kung mahal kung bibilihin pa namin sa palengke
Money Problems?
Naguguluhan talagah ako di ako makapagdecide sa totoo lang.
Ilang araw kona din tong pinagiisipan.
Ang hirap talagah pag nasa sa sitwasyon ka na naninimbang ka between your family at husband.
Magcompany-loan kase si Hubby ngayon at nakapagpasa na siyang Application release na lang ang kailangan.So napagusapan kase namin na 20k ipupuhunan sa cash in-cash out business ko sa Gcash.
10k pangpaayos ng bahay yun lang naman ang hinihiling ko sa kaniya.
Wala naman kase akong problema pagdating sa financial responsable naman siya talagang di lang maasahan sa mga gawaing bahay .Ang problema ko kase nahirit siya na mag grocery store buainess din ako.
Kaso ayoko kase dahil utangin kase yun mga ganun tapos ako naman nahihiya maningil ganun kase ugali ko kaya ako na lng naiwas.
Tska isa pa ayoko din pagmulan ng gulo di kase okay si papa sa mga kapitbahay namin pag nakarinig ng kung anu sa kapitbahay affected siya agad.
Baka mamaya mapaaway pa dahil sakin diba?.
Hindi ko naman pwede ikatwiran yun sa asawa ko diba?Sasabihin niya sakin bakit
Ang hirap eh may pera at wala may problema pa din haha
--
advice nanan kayo mga noisemates anu ba maganda business sa bahay bukod sa grocery stores?
Election 2022
Sa tinagal tagal din ng pila finally nakaboto din.Grabe dahil pandemic ngayon mas lalo talagang matagal ang pagboto dahil sa limited lang ang pede pumasok sa bawat precinto.
Kaya simula ng naging botante ako nakaugalian kona after Lunch ako boboto dahil walang pila sa ganun oras dahil nakasanayan na kase ng mga tao na maaga bumoto.
Pero mukhang nagkamali atah ako ngayon dahil pagdating namin sa precinto jusme napakadaming tao sa precinto kung saan ako boboto.
Sa ibang precinto naman walang pila haha .
anu ba yan? sabi nga ng mga nagaassist sa pila blockbuster daw ang precinto namin sa dami parang hindi aabot ang mga botante hanggang 7pm .
Sabi nga ng nag a-assist kung pede lang daw ilipat kami ililipat na para mkaboto lahat haha ..
Halos 4hrs. din ako bago nakaboto grabe ganun kahaba ang pila .
Kahit na may upuan nangawit padin ako sakit sa paa.
Pero siyempre tiyaga lang kaya finally nalaboto na rin sa wakas.
#votewisely
#halalan2022
#Dapattama
Finished Product
Masyadong busy at pagod ang araw ko simula kahapon at ngayon araw kaya hindi ako masyado makapgingay dito.
Kagabi mga 9pm sinimulan ko magawa ng Ice candy.20pcs. na lng kase natirang Buko Pandan flavor sa refrigerator na gawa ko nung isang araw kaya kailangan gumawa na ako ng panibago.
HInintay ko muna makatulog si baby kase panigurado bibitin na nman siya sa akin at magiiyak.Bawal pa naman iwanan kapag niluluto ito dahil masusunog at didikit dahil sa cornstarch.
Para sa mga gusto gumawa or magtinda ng Ice candy ito talagah ang sikreto para maging pino ang mixture ng Ice candy ang Cornstarch or cassava starch kaya parang Ice cream ang texture ng mixture niya.
Isa pang sikreto wag masyado malakas ang thermostat ng refrigerator niyo.
Dahil kahit may cornstarch pa yan pag sobra ang lakas ng pagyeyelo talagang magiging Icy arin ang result niya.
Dahil marami kaming mangga nagharvest kase si papa dahil nalalaglag na mga hinog na kase sayang naman nababasag at nalalamog lang eh di pakinabangan na diba?
Mango flavor muna ang ginawa ko kagabe naka 60pcs. ako benta ko ng 5pesos isang piraso .
Mga 12am na din ako natapos sa pagrepack kaya talagang pagod at puyat ako.Hanggang ngayon antok pa din ako hehe.
Kayo kamusta linggo niyo?

Craevings Satisfied
Kahapon ng umaga sinabihan ko si Hubby na ibili si baby ng diaper sa Supermarket afterwork niya.
Nakailang bili na kase ako ng patingi-tingi sa tindahan lalo lang kami magagstusan.
Dapat kase sa Sunday pa siya mag grocery kase may pasok pa sila ngayon dahil sa Monday election wala sila pasok.
Buti na lang at umabot siya bukas pa sa All day Supermarket . Madalas kase 8pm nagsasara na sila kaya di na siya naabot.
At as usual ang mga lalaki talagah pag pinabili mo kahit may listahan ka na ipinadala hindi padin nasusunod.Kung anu-anu na naman pinagbibili.
Sabi ko diaper lang ayon bumili ng mga kutkutin,sabon pangpaligo at itong Argentina Giniling na gusto niya nung isang araw pa bumili siya ng 4 na piraso 48pesos ang isa.
May ulam naman kami kagabi na manok kaya sabi ko baunin na lng niya ngayon pagpasok sa work ginisa ko lang at nilagyan ng sitaw para naman may gulay ang pagkain niya ( tamad kase kumain ng gulay to )
Masarap naman siya ..pero iba padn talagah un pork giniling na binibili sa palengke kesa nasa de lata : )

Tambay mode
Pagkaalis ng asawa ko dito na naman kami sa bakuran namin dahil nagyaya na si baby lumbas dito kase siya naglalakad at naglalaro dahil malawak ang space.
Gumawa din pala si papa ng lamesa kaya mas masarap ang kapehan at kainan sa ilalim ng mga puno ng mangga at langka.
Medyo mabanas nga lang ang panahon ngayon kaya pinagpapawisan si baby ko kahit maaga pa kc walang hangin masyado pero masikat naman ang araw di naman siguro uulan.
Mamaya pala dito kami magtatanghalian ng pamilya magluluto ako ng ginataan na tilapia naglako si Manong na suki namin kaya foodtrip na naman kami.hehe
Habang tumatanda ako maraming bagay ang naiisop ko kase nun inaamin ko immatureKahit minsan sa isang pamilya di maiwasan ang di pag kakaunawaan pero mas masarap padin may Pamilya kang masasandalan sa bawat oras kahit kapos man sa pinansyal na pangangailangan.
Na realize kong mas maswerte padin ako sa iba na may magulang ako na nasa tabi ko hanggang ngayon.
Dothy
Meet our new pet super happy ako kase may furbaby na naman kami dito sa bahay halos 7 months na din ang lumipas ng mamatay si black at bachuchu November last year.
Hanggang ngayon talagang painful padin sakin ang nangyare dahil itinuring kona silang para kong mga anak.
Kaya sobrang saya ko paguwi ni mama nung Monday na may dalang tuta.
Galing sa Pinsan ko anak daw ni Wisdom ipinamigay na daw kaya kinuha ni mama ang isa.
Pinangalanan ko siyang Dothie ( short for dorothy) nakuha ko dun sa pala pinapanuod ko na K-drama na oh! my baby ehehe Korean Inspired din pati mga alaga ko.
2mos.palang daw to pero ang laki niya at ang taba.Sobrang nakakaaliw siya napaka bibo at ang lambing.
Matalino din marunong na siya makapag shake hands hehe..
Kaya nakakatuwa siyang turuan naalala ko sa kaniya si black madami din silang pagkakatulad ng ugali ..
Medyo shy pa siya diyan sa picture siguro naninibago pa kaya medyo patago-tago sa mga ilalim hehe
Buhay Nanay
KAhapon masyado akong busy kaya di ako nakapagpost dito pasilip -silip lang sa dami ng gawain.
Ang hirap talagah pag sayo lahat ng gawain sa bahay tapos may alaga ka pang bata na maligalig : ) Yun anak ko talagah mas lalong naging habol sa akin habang lumalaki ayaw paalaga sa iba.
Kaya naman kahit saan man ako pumunta kasama ko siya.Habang naghuhugas ako ng pinggan nakakapit siya sa short ko yun tipong mahuhubaran na ako kakahigit niya.
Habang nagluluto ako buhat ko siya kase gusto niya makikitikim siya sa niluluto ko.
Minsan naisip ko mas mabuti pa may trabaho na lng ako para pag uwi ko magpapahinga na lng ako katulad ng asawa ko.
di ko maiwasan mainis kase parang ako lang lahat ang gumagawa ako lang nahihirapan ko solo ko lahat.
Mahirap na masaya ang pagiging nanay.Hindi naman sa nagrereklamo kami sa responsibilidad namin.
Pero sana sa mga tatay diyan matuto kayong makiramdam kung nahihirapan ang asawa niyo.
Hindi porket nagttrabaho kayo eh hindi niyo na tutulungan ang asawa niyo sa bahay.
Ang magasawa dapat magkatuwang sa lahat ng bagay.
Okay lang mag online games pero sana Family first .