read.cash Log in
@Kyshin more from that month

BIGLAAN LAKAD Kahapon nagchat na ang Teacher niya anak ko na ipapalista ang mga batang naka enroll fronm online class na mag sit in sa face to face class atleast once a week para naman daw maka experience ang mga bata . Hindi ko naman inexpect na buaks na agad ini-schedule ng Teacher ang anak ko kase siya ang pinakahuli sa listahan. Haha so medyo na alarma ang lola niyo kaya naman napabili ako ng uniform kanina para naman all new lahat ng gagamitin niya. Gusto ko kase maalala niya kung gaano kasaya pumasok sa eskwelahan sa unang pagkakataon.Diba ganun tayo tuwing first day of school?. Medyo nahirapan kami maghanap kanina wala kami mabilihan ng school uniform sa 3 lugar pinuntahan namin . Kaya napaderecho kami sa Cabuyao sabi kase ng asawa ko sigurado meron daw dun. Taga dun kase sila kaya alam niya ang mga pamilihan at ayun ang dali nga namin nakahanap. Sa sobrang init kanina kaya nahilo ako akala ko nga ay mag cocollapse ako pero nilakasan ko lang ang loob ko para makauwi kami . Paguwi ko ng bahay lupaypay ako kaya tumapat ako harap ng electric para maibsan ang hilo ko. Mahilohin kase akong tao kaya konting byahe lang talagang masama ang pakiramdam ko. Iyan nga pala ang binili ko sa anak ko na bag kanina sa Shopwise. Mura lang siya 139 pesos pero cute naman. Hehe Hindi kona napicturan yun uniform di pa kase plantsado bukas na lang : ) Mukhang di na naman ako magkanda ugaga nito bukas sa dami ng gawain hays Kailangan ko ng extra energy may pasok din kase si Hubby bukas.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.