Ginisang kalabasa at Talilong Katatapos ko lang magluto ng dinner maaga dahil papasok si Hubby sa work mamaya hay mukhang babgsak na ang ulan panay ang kulig at kidlat. Share ko sa inyo ulam namin ngayon Magluluto ako ng ginisang kalabasa na may talilong. Nung isang araw na nag grocery kami ni hubby bumili din ako ng gulay carrots,sayote at kalabasa mura lang bali 24pesos lang. Naisip ko igisa na lang total may sardinas naman kami binili para tipid. Ipinagprito kona lang si Hubby ng Tilapia para baon at ulam niya kase di nga to nakain ng gulay. Samin ng anak ko tawilis na lang ulit na pinais haha : )
2 comments
ano yang talilong sissy haha now ko lang kasi nadinig yan anyway solve na ako basta gulay sis diko ipagpapalit yan haha
Parang ngayon ko lang narinig sis itong talilong hehe parehas Pala Tayo Ng asawa sis hindi nahilig sa gulay nakalakihan kasi karne palagi :) ang mura Ng gulay nabili nyo sis.