Finished Product Masyadong busy at pagod ang araw ko simula kahapon at ngayon araw kaya hindi ako masyado makapgingay dito. Kagabi mga 9pm sinimulan ko magawa ng Ice candy.20pcs. na lng kase natirang Buko Pandan flavor sa refrigerator na gawa ko nung isang araw kaya kailangan gumawa na ako ng panibago. HInintay ko muna makatulog si baby kase panigurado bibitin na nman siya sa akin at magiiyak.Bawal pa naman iwanan kapag niluluto ito dahil masusunog at didikit dahil sa cornstarch. Para sa mga gusto gumawa or magtinda ng Ice candy ito talagah ang sikreto para maging pino ang mixture ng Ice candy ang Cornstarch or cassava starch kaya parang Ice cream ang texture ng mixture niya. Isa pang sikreto wag masyado malakas ang thermostat ng refrigerator niyo. Dahil kahit may cornstarch pa yan pag sobra ang lakas ng pagyeyelo talagang magiging Icy arin ang result niya. Dahil marami kaming mangga nagharvest kase si papa dahil nalalaglag na mga hinog na kase sayang naman nababasag at nalalamog lang eh di pakinabangan na diba? Mango flavor muna ang ginawa ko kagabe naka 60pcs. ako benta ko ng 5pesos isang piraso . Mga 12am na din ako natapos sa pagrepack kaya talagang pagod at puyat ako.Hanggang ngayon antok pa din ako hehe. Kayo kamusta linggo niyo?
3 comments
Wow okay din yan sis.. source of income na din yan.. gumagawa din ako nyan dati before peru wala na ako ref ngayon
mas masarap pa yan sissy pag haluan mo nang graham naku talagang babalik balikan nila yan,mabuti naman sis nakalibre ka nang mangga matamis ba yan sis may mangga kasi na kapag laglag di na matamis peru sure ako yang sayo masarap kita naman sa itsura..
Fav ko sa ice candy. Halo halo at mango float . Perfrct yang negosyo mo ngayon sa panahong napka init