Minatamis na Langka So ito na yun langka na na harvest nila papa nung isang araw bali naka 3 bunga kami ng na harvest at pangalawa na itong ini-slice kanina. Sobrang tamis niya kahit yun banakal (laman na nakabalot sa lamukot) kaya para di masayang kinaen ko na lng haha Yun laman kase ay mamatamisin ko pansahog sa Ice candy. Pwede na nga rin hindi matamisin pero mas okay kung mamatimisin na para lumabas talagahang flavor niya sa Ice candy. Sana mabenta parin kahit naguulan na . Kahapon ko kase after ko magpost na super hot Saturday bigla umulan ng malakas haha .. Kaya ayun nabasa kami ni Hubby . Nagpunta kase kami ng Putingkahoy ( lugar dito sa Silang Cavite ) para mag pa inject ng depo provera sa Midwife na naka assign dito sa center namin dati - Birth control method nga pala ito na effective hanggang 3mos. Dito kase ako hiyang kaya hindi na ako nagtry ng iba.Dahil first time ko ulit mag padepo ayun masakit ang braso ko at panay tulog lang ako.Kaya pasilip-silip lang ako dito. So ayan diyan na muna kayo at mag mamatamis muna ako ng langka bagi matulog.May pasok na si Hubby bukas kaya kailangan maaga gumising.
3 comments
hanggang tingin nalang talaga ako sissy you know na haha hayss kailan ko kaya ulit yan makakain..buti sis hiyang ka sa depo sa amin ying sis ko nagpa depo peru nong natigilan na nagpills muna siya hayon nabuntis 4 mos. na siyang preggy ngayon
Isa sa fave ko talaga itong langka dati may langka kami sa probinsya nung kabataan pa pag uwi galing nakahanda na ang langka na kakainin namin buong pamilya sama-samang kumain ang saya Lang. Maganda talaga may tanim magsawa Ka kakain :)
Yammy and delicious jackfruit... Jackfruit is looking so juicy.. i prefer jackfruit..