Swollen eyebag Kahapon hindi ako naging active dahil sa dami ng ginagawa ko mawawalan daw kase ng tubig kaya naman naglaba ako kahapon. After ko maglaba talagang hindi ako mapakali gusto ko ng maligo dahil pawis na pawis na ako maalinsangan kase ang panahon sa umaga tapos bandang hapon bigla nman maguulan. Kaya pinaalagaan ko muna si baby sa mama ko para makaligo ako saglit sakto umulan naisipan ko maligo saglit tagal ko na din hindi nararansan maligo sa ulit. Saglit lang naman ako naligo sa ulan at nagbanlaw na ako.After ko makaligo naramdaman ko na sobrang kati ng mata ko kaya kinusot kusot ko. Grabe talagah habang kinukusot ko ng kinukusot lalo lang siya kumakati. Hanggang sa napansin ko na namaga na pala un ilalim ng mata ko para akong nasapak as in maga na maga talaga siya. Kaya nag worried ako sabi ng kapatid ko baka daw may UTI ako or na-hi blood kase noon daw ganun siya kaya naisipan ko uminom ng pineapple juice. Ngayon umaga hindi na siya gaano paga sana mawala na siya ang hirap ng may nararamdaman lalo na at sa mata ang apektado
2 comments
Baka nainspeksyon lang sis kasi kinusot kusot mo siya. Hope maging ok na mata mo sis mawala na ang maga. Stay healthy sis!
okay naba mata mo sis,? Sana naman ay okay na ang hirap naman kapag mata natin apektado baka nga nakagat yan nang insekto kaya ingat ka next time sis