read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Buhay Nanay KAhapon masyado akong busy kaya di ako nakapagpost dito pasilip -silip lang sa dami ng gawain. Ang hirap talagah pag sayo lahat ng gawain sa bahay tapos may alaga ka pang bata na maligalig : ) Yun anak ko talagah mas lalong naging habol sa akin habang lumalaki ayaw paalaga sa iba. Kaya naman kahit saan man ako pumunta kasama ko siya.Habang naghuhugas ako ng pinggan nakakapit siya sa short ko yun tipong mahuhubaran na ako kakahigit niya. Habang nagluluto ako buhat ko siya kase gusto niya makikitikim siya sa niluluto ko. Minsan naisip ko mas mabuti pa may trabaho na lng ako para pag uwi ko magpapahinga na lng ako katulad ng asawa ko. di ko maiwasan mainis kase parang ako lang lahat ang gumagawa ako lang nahihirapan ko solo ko lahat. Mahirap na masaya ang pagiging nanay.Hindi naman sa nagrereklamo kami sa responsibilidad namin. Pero sana sa mga tatay diyan matuto kayong makiramdam kung nahihirapan ang asawa niyo. Hindi porket nagttrabaho kayo eh hindi niyo na tutulungan ang asawa niyo sa bahay. Ang magasawa dapat magkatuwang sa lahat ng bagay. Okay lang mag online games pero sana Family first .

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.