read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Craevings Satisfied Kahapon ng umaga sinabihan ko si Hubby na ibili si baby ng diaper sa Supermarket afterwork niya. Nakailang bili na kase ako ng patingi-tingi sa tindahan lalo lang kami magagstusan. Dapat kase sa Sunday pa siya mag grocery kase may pasok pa sila ngayon dahil sa Monday election wala sila pasok. Buti na lang at umabot siya bukas pa sa All day Supermarket . Madalas kase 8pm nagsasara na sila kaya di na siya naabot. At as usual ang mga lalaki talagah pag pinabili mo kahit may listahan ka na ipinadala hindi padin nasusunod.Kung anu-anu na naman pinagbibili. Sabi ko diaper lang ayon bumili ng mga kutkutin,sabon pangpaligo at itong Argentina Giniling na gusto niya nung isang araw pa bumili siya ng 4 na piraso 48pesos ang isa. May ulam naman kami kagabi na manok kaya sabi ko baunin na lng niya ngayon pagpasok sa work ginisa ko lang at nilagyan ng sitaw para naman may gulay ang pagkain niya ( tamad kase kumain ng gulay to ) Masarap naman siya ..pero iba padn talagah un pork giniling na binibili sa palengke kesa nasa de lata : )

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.