FIRST DAY OF SCHOOL Maaga akong nagising kaninang umaga dahil dalawa ang papasok yun isa sa trabaho ang Mister ko at yung isa naman ay ang anak ko sa school for the first time. Honestly di talagah ako nakatulog ng maayos kagabi .. excited ba? haha oo totoo inaamin ko mas excited pa ako sa anak ko. Magkahalo kase ang nararamdaman ko excitement at kaba sa pagtuntong niya sa eskwelahan. Kaya kanina ako ang naghatid sa kaniya sa school habang naglalakad kami kinakausap ko siya sa mga do's and dont's sa school para aware na siya. Nagstart ang klase nila ng 8am at 10:30am matatapos.Nakalingon siya sa may pinto ng room habang nakatingin sa akin .. sabi ko wag ka iiyak ha? ..wag mo ako hahanapin andito lang ako sa labas hihintayin kita : ) pero charr lang yun kase umuwi talagah ako dahil iniwan ko lang saglit si baby sa mama ko di pwede iwan ng matagal dahil magiiyak. Habang nasa bahay nagaalala ako baka kase umiyak siya sa school ganun kase karaniwan sa mga bata sa unang pasok sa skwelahan. Mabuti nalang at hindi nangyare dahil enjoy na enjoy siya sa pagaaral. Ang sarap sa pakiramdam .. Ganito pala ang saya ng isang magulang na nagpapaaral ng anak sa unang pagkakataon . Proud ako kay Kyrie naka 3 stars at 1 excellent sticker siya. Hindi kona napicturan dahil nabura na hehe di bali next time na lang i-share ko sa inyo ang stars at sticker niya.
2 comments
nanay feels talaga :) excited, kabado, masaya .. :)
Nag enjoy talaga baby mo sis Kaya hindi Ka hinanap nakakatuwa naman:) Relate na relate ako sayo sis ganyan din ako noon sa panganay ko Kasi umiiyak talaga kapag iniwan ko sa school Kaya binobola ko palagi sa labas lang ako magwait hindi ako uuwi pero joke Lang Yun syempre wala akong magagawa kapag nasa school lang naghihintay hehe tapos iniwan ko lang saglit si bunso :) mabuti si bunso ko kgaya sa ate niya:)