Pinais na Tawilis Kahapon paguwi namin galing birthdayan nag chat sa akin si Tita ko ( kapatid ni mother ) na kunin daw ang padala ng Kakang Golu na pinais na Tawilis sa bahay ng isa ko pang tita . Medyo looban na kase ang samin kaya pag may padala dun na lng namin kinukuha total malapit lang din nman. Nagpunta pala kase si Tito sa Tanauan,Batangas kahapon para dalhin ang bayad sa napagbentahan nila dahil nagtinda sila kahapon ng tawilis dito sa amin baranggay.Kaya pinadala na din ang pinais na tawilis. Mahilig talaga ang mga batangueño sa mga pinais oh sinaing na isda. Pag kase sinabing Pinais ibig sbihin sinaing sa dahon ng saging at pinalambot talaga kahit tinik sa sobrang lambot di mona mararamdaman haha : ) Napakagenerous ng mga kamaganak namin sa batangas lagi kami may rasyon ng tawilis na pinais at fresh tilapia tuwing may harvest sila sa kanilang palaisdaan.Kahit dito kami sa cavite nakatira talagang sinasadya pa nila kaming puntahan . Paborito ko talagah to lalo pag ang pinang asim ay kalamias na tuyo ang sarap talagah.Kagabe ito ulam ko pati kaninang umaga and for sure mamayang gabi haha .. tipid na sa ulam magpipisa na lang ng kamatis. --
2 comments
mukhang masarap yan sis hindi ba yan tuyo ngayon ko lang nadinig yan yong pais samin yong binalot sa dahon peeru mga herbal yun hehe paano ba yan gawin sis
Ang sarap nga naman nito sis mapapadami Ka talaga Ng kanin nito :) ang sarap sa pakiramdam may generous na kamag-anak sila pa pupunta diyan para maghatid Ng blessings.