Tambay mode Pagkaalis ng asawa ko dito na naman kami sa bakuran namin dahil nagyaya na si baby lumbas dito kase siya naglalakad at naglalaro dahil malawak ang space. Gumawa din pala si papa ng lamesa kaya mas masarap ang kapehan at kainan sa ilalim ng mga puno ng mangga at langka. Medyo mabanas nga lang ang panahon ngayon kaya pinagpapawisan si baby ko kahit maaga pa kc walang hangin masyado pero masikat naman ang araw di naman siguro uulan. Mamaya pala dito kami magtatanghalian ng pamilya magluluto ako ng ginataan na tilapia naglako si Manong na suki namin kaya foodtrip na naman kami.hehe Habang tumatanda ako maraming bagay ang naiisop ko kase nun inaamin ko immatureKahit minsan sa isang pamilya di maiwasan ang di pag kakaunawaan pero mas masarap padin may Pamilya kang masasandalan sa bawat oras kahit kapos man sa pinansyal na pangangailangan. Na realize kong mas maswerte padin ako sa iba na may magulang ako na nasa tabi ko hanggang ngayon.
3 comments
Tama sis. Swerte pa din tayo kase kasama natin magulang natin sa bahay. Kahit papaano may kasama tayo mag aalaga sa mga anak natin. Ang presko naman po dian sa lugar nyo
gusto ko din na ganyang tambayan sissy, anyway tama sis mas masaya pa din pag anjan yong pamilya,hindi naman talaga perfect ang relationship ang daming negative sides peru mas dapat piliin pa din natin yong positibong pananaw natin sa buhay kahit papano my magulang tayong nasasandalan sa panahong downmoments natin..
Mabuti sis kasama mo pamilya diyan may malalapitan masusumbungan :) ako malayo sa aking pamilya. Ang saya kasi kapag kasama ang pamilya lalo na ganyan salo-salo sa kainan :)