12DWH: Hawak-kamay

71 139
Avatar for Jane
Written by
3 years ago

July 7, 2021

12 Days With Him: Bella

12 Days With Him: Aksidente

(ENGLISH)

Napuno ng liwanag ang paligid at nakakabinging busina ng sasakyan ang bumasag sa aking mga pandinig. Akala ko'y katapusan ko na, pero may biglang humablot sabay yakap sa akin sa likuran kaya hindi ako nasagasaan. Sa lakas ng tibok ng aking puso, hindi ko na halos maisip ang mga pangyayari.

Naramdaman ko na lamang si John na mahigpit ang yakap sa akin at umiiyak.

"Oy, bakit ka umiiyak? Tigil na, buhay pa ako."

"Akala ko mawawala ka ulit sa akin Bella."

"Ulit? Nawala na ba ako dati?"

Huminto siya sa pag-iyak at bumitaw sa pagkakayakap. Tiningnan ako sa aking mga mata, at hinimas ng kanyang kamay ang kanang bahagi ng aking mukha,

"Gabi na, iuuwi na kita."

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at naglakad. Habang hinahatid niya ako sa aming bahay, isang malaking puzzle ang naiwan sa daan. "Ano ibig niya sabihin kanina sa mawawala ulit?" Tanong ng aking isipan. Kita ko parin ang lungkot sa kanyang mga mata, kaya hindi ko na siya tinanong pa hanggang sa makarating sa labas ng aming pintuan.

"Goodnight Bella."

"Goodnight. Thanks for saving me."

Hanggang sa pagtulog ko, hindi na siya nawala sa aking isipan.


Pang Anim na Araw

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng balkunahi para silipin kong nasa rooftop siya, pero hardinero lang nila ang aking nakita.

"Kumusta na kaya iyon. Ako yung muntikan mamatay, pero siya yung parang namatayan."

Pagkatapus kong mag unat ay pumunta na ako sa kubeta para maligo. Saktong pagkalabas ko sa kubeta ay may nagdoorbell sa labas. Nakatapis lang ako ng tuwalya at nainis ako sa kung sino man nasa labas. Minsan naman sa ganong oras ay si lady guard ang nagdodoorbell kaya bikusan ko ang pinto.

"Why cheche?" Agad-agad kong tanong.

"Cheche who?"

Laking gulat ko ng boses ni John ang narinig ko.

"Ano ginagawa mo dito." Naiinis kong tanong.

Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako ng kanyang mga mata pababa. At naisip kong nakatuwalya lang pala ako. Sa hiya ko ay naisara ko ng malakas ang pinto.

"Ganyan ka ba tumanggap ng bisita, naka tuwalya?" Sambit niya sa labas.

"Hindi! Lumayas ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang harsh mo pa. Tara gala tayo."

"Ayoko."

"Punta ako Cheung Chau to watch bun festival."

Cheung Chau island ang isa sa mga paborito kong lugar puntahan. Kaya naexcite ako ng marining iyon dahil hindi ko pa nasaksihan ang kanilang Bun Festival.

"Wait. Bihis lang ako." Sigaw ko sa kanya.

Umalis kami agad pagkatapus ko magbihis. Sa pier na lang din kami kumain ng umagahan. At saka sumakay sa ferry papuntang isla. Pagkarating sa stasyon ng Cheung Chau ay sinabihan ko siyang piktyuran ako. Binigay ko selpon ko para iyon ang gamitin sa pagkuha.

"Oy ba't ang tagal mo, and init, at nangangawit na ako kakasmile dito." Reklamo ko sa kanya dahil sa sobrang tagal nito kumuha ng litrato.

"Ayan tapus na." Sabi niya.

"Patingin. Ba't ang tagal mo, isang litrato lang naman to."

"Sorry, may basag na selpon mo." Rason niya. Siya naman dahilan ba't nabasag LCD ng selpon ko nung una naming tagpo.

"Okay lang yun." Sabi ko sa kanya.

Sa apat na beses ko nagpunta sa isla, isang bagay ang hindi ko pa nagawa. At iyon ang gusto kong sulitin.

"Oy tara bike tayo. Hindi ko pa nagawa yun dito."

"Wait. Parang ikaw ang excited ngayon ah. Kanina ayaw mo gumawala." Pagbibiro niya.

"Kanina iyon. Tara na." At hinila ko siya.

Sobrang dami ng tao dahil sa espesyal na selebrasyon. Siya nagbayad ng renta at sobrang saya ko dahil ilang taon na rin ako hindi sumakay sa bisiklita. Halos nalibot na namin buong isla at nagpahinga lang para mananghalian. Nung hapon na, inaya ko si John pumunta sa likod ng isla na hindi ko pa napuntahan. Walang masyadong tao kaya mas maganda magbisiklita doon. Sa wakas ay nakita ko na ang tinatagong ganda ng isla.

"Bakit ba ang bagal mo?" Reklamo ko kay John.

"Grabe ka. Hindi ka pa ba napapagod?" Reklamo nito.

"Bawas-bawasan mo kasi fats mo." Pagbibiro ko sa kanya.

"It's muscles Bella." Sambit nito.

"Muscles mo mukha mo. Dali na. Baka maiwanan tayo ng ferry." Inabot ko kamay ko sa kanya at magkahawak kaming nagbisiklita pabalik sa pyer.

Lampas alas sais na ng narating namin ang pyer at isang masamang balita ang nasagap namin. Nakaalis na ang alas 6:30 na biyahe at ang susunod dapat na alas syete at otso na biyahe ay mga punuan na. Ibig sabihin...

"We are stuck here for a night." Pahiwatig ni John.

"(Facepalm) What now?" Tanong ko.

"Natry mo na mag overnight sa isla?"

"Hindi pa." Sagot ko.

"So why not enjoy this night? Balita ko, madami silang palabas ngayong gabi."

"Unfortunately, baka punuan na mga hotel sa dami ng tao."

"Mukha nga, let's see kung saan tayo pupulutin mamaya."

May disco sa isang sulok habang may kumakanta na lokal na banda sa isang resort. Kahit gabi na ay madami parin tao sa isla, mga turista, local na residente, kantahan dito, inuman doon, sayawan, at kung ano-ano pa. At kami ay parang mga ligaw na sisiw na hindi alam kung saan pupunta, palipat-lipat mula sa isang palabas, papunta sa kabila. Hanggang mag ala-una na ng umaga ng napag-isipan naming maghanap ng mapapagpapahingaan dahil pagod na rin kami sa kakalakad.

At dahil sa punuan na mga hotel, napagpasyahan naming magrenta ng tent at matulog sa tabing dagat.

Makalipas ang ilang, minuto pareho kaming nakatayo sa labas ng tent at nakatingin sa ginawang tent.

"Sa tingin mo kasya tayo jan? Ang laki mo kaya." Reklamo ko.

"Sorry, isa na lang yan. Gusto mo matulog sa labas?"

"Wow, ang gentleman mo."

Ilang araw pa lang kami magkakilala pero kung magbangayan ay parang ilang taon na magkaibigan. "Magkaibigan?" Siguro, ganun stado namin. Iwan.

Sa loob ng tent...

"Goodnight." Sambit ko sa kanya.

At dahil sa haba ng paa niya ay nakabaluktot siyang nakahiga at ako namay sinisiksik ang sarili sa sulok. Hindi pa naman ako makatulog ng maayos kapag hindi komportable ang higaan. At sa tuwing nagdidikit ang aming mga braso ay parang may kuryenting dumadaloy saking katawan.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman." Pagsisinungaling ko.

Magkatalikuran kaming nakahiga na parang sardinas sa loob ng tent. Hanggang sa may naramdaman akong gumagapang sa aking braso at nanlaki mga mata at nanindig mga balahibo ng makita ko ang gumagapang sa braso ko.

Sabay hiyaw ng malakas na gumambala sa mga natutulog na kaluluwa.

"Aaahhhh!!!"

Ipagpapatuloy..

Boring talaga ng istoryang to 🀣

Ano sa tingin niyo yung gumapang? 🀣

Sa uulutin. Salamat sa oras.

29
$ 13.74
$ 12.39 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.10 from @Ruffa
+ 20
Sponsors of Jane
empty
empty
empty
Avatar for Jane
Written by
3 years ago

Comments

Hala! ANo yun? HEHEH. Nabitin ako buti na lang isang basahan lang gagawin ko. :)

$ 0.00
3 years ago

Uy hala may gumagapang na! πŸ˜…πŸ€£πŸ€£πŸ€£

$ 0.00
3 years ago

Naku Kung si John Naman kasama ko oks lng magapanggan Ng Kung Ano 🀣🀣🀣🀣

$ 0.00
3 years ago

Hahahah true to life na to eh ate Bella!!!πŸ˜‚ este ate jane hahahha awit di ko pa nababasa ang mga nauna hahaha✌

$ 0.00
3 years ago

Saviouuuurr!!! Sana all. Haha. Ang saya ng pamamasyal nila. Enjoy ka Bella? Haha. Halaaaa sinooo ay ano yung gumapaaang??? πŸ˜†

$ 0.03
3 years ago

Si john 🀣

$ 0.00
3 years ago

Waeeeee, may paggapang ng kamay na nagaganap, ahahaha. Baka naman bulate lang? Aluhipan? Wahahahaha. Ang cute, bitin na naman kami madams 🀧

$ 0.03
3 years ago

Ang ang aluhipan madam? Sentipid ba yun?

$ 0.00
3 years ago

Yesuu madam yan na nga

$ 0.00
3 years ago

Ay salamat 🀣

$ 0.00
3 years ago

Aggghhhhh.. tents really are not that comfortable, as in NO WAAY. lol Anyhow, I guess it's some kind of earth creepers like a roach or something. Or maybe, just like in Armageddon, it's an animal cracker crawling on the skin,,, and then it goes up... and then down.. until someone bites from it. :D

$ 0.03
3 years ago

🀣🀣 masakit ba yun? 🀣

$ 0.00
3 years ago

haha ang alin? ung gumagapang or ung makagat? haha

$ 0.00
3 years ago

Both 🀣

$ 0.00
3 years ago

hahah sa una lang.. pag nagtagal... kakamut kamutin mo na lang. Hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Bakit kumakati ba? 🀣🀣

$ 0.00
3 years ago

ay subraaa... ahha

$ 0.00
3 years ago

Gusto ko sana maging green pero wag na lang haha! Pero pwede ring green na uod ang gumagapang? :D :D

$ 0.02
3 years ago

🀣🀣 green tlga 🀣

$ 0.00
3 years ago

Ay bitin! Ginapang pa naman na😜

$ 0.02
3 years ago

At bet mo ang scene na yan.. gapangan 🀣

$ 0.00
3 years ago

Oo :D wag lng daga, ipis or ahas ang gagapang :D

$ 0.00
3 years ago

Gradually Bella is falling for him. I love this😍. Hope nothing happened in the tent🀭

$ 0.03
3 years ago

What if there is? 🀣

$ 0.00
3 years ago

I'm looking forward to the next Episode thenπŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

grabe nasulat mo to sa phone mo? amaze balls

$ 0.02
3 years ago

Bkt? Mahirap b? πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Nahihirapan ako magtype sa.phone eh hehe

$ 0.00
3 years ago

Nakakakilig si John nung mababangga si bella sa Kotse πŸ₯° haha nafefeel ko sarap sa HEART. Pagkatapos Niyaya pa Gumala ni john si bella sa cheung chau ayiieee Nag date ang dalawa haha .. Tapos magkatabi pa matulog sa tent πŸ˜… kaso biglang may gumapang . Sana wag ahas okay na yung Ipis wag lang ahas baka matuklaw.

Excited ako sa mangyayari sa next Chapter😊 sana hindi masampal si john sa mukha dahil sa pagkagulat .

I Like Love Story talaga . Sana walang iyakan sa Ending Happy lang

$ 0.05
3 years ago

Pwede ring tadyakan 🀣🀣 salamat sa pagbasa 😊

$ 0.00
3 years ago

Pero mas the best yung mapapayakap siya kay John πŸ₯° ayiieee haha tapos si john naman kilig na kilig.

$ 0.00
3 years ago

Haha.. hanggang storya nlng tyo nito 🀣

$ 0.00
3 years ago

Hehehe. I think the love is getting closer and closer. Hhahaha πŸ˜‚

But wait is this a true life story??? 🀭🀭😦😦😦

$ 0.03
3 years ago

What do you think? πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Sincerely I am seeing it as a true life story.

Maybe yours🀭🀭🀭

But what I am not sure of is, what would be the end to the new friendship that just began. πŸ˜†

$ 0.00
3 years ago

Let's see 😊

$ 0.00
3 years ago

Okaay. I would wait at a corner πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„

$ 0.00
3 years ago

Wow. Buti nakaya niyong matulog sa loob ng tent na kayong dalawa kahit pang-6 days niyo palang magkakilala. Hahahaha Baka gagamba ung gumapang. 🀣🀣

$ 0.03
3 years ago

Ang bilis ng nga pangyayari.. close agad 🀣🀣

$ 0.00
3 years ago

Si John yung gumapang. haha. charot feeling ko malaking gagamba or ipis kaya? haha. kakakabitin tong part na to. hehe

$ 0.03
3 years ago

Baka nga si john 🀣

$ 0.00
3 years ago

I guess I have missed quite a lot because I am trying to understand this part. But I realized this isn't the beginning of the whole thing. Why was Bella being so rude in a playful way with Him lol? Every time reminding him of the size of his body.

$ 0.03
3 years ago

Haha. You remember the park insident.. 🀣

$ 0.00
3 years ago

Oh oh!πŸ€” Sorry I think I miss that tooπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ€”πŸ€” or did I? I am sure I did. I don't usually have such memory lossπŸ˜‚πŸ€­

$ 0.00
3 years ago

Ano po yung gumapang?waiting for continuation 😁

$ 0.03
3 years ago

Crawl πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Hehehe waiting for the next update :)

$ 0.03
3 years ago

Crablets? Yun lang naisip ko kasi nsa isla kayo πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ang sweet in fair pero baket nga ba sinabi no john na ayaw ka na nya ulit mawala? πŸ€”πŸ€”

$ 0.03
3 years ago

Aabangan 🀣 baka naamnesya si Bella 🀣

$ 0.00
3 years ago

Ahahahah feeling ko nga 🀭 karugtong ba to ng mga amnesia series mo hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hayy.. napabuntung hininga aq dun, akala q maaaksidente na si bella... ipis siguro un gumagapang

$ 0.03
3 years ago

Haha. May ipis b sa dagat sis? πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Aba malay πŸ˜‚πŸ€£,, pro ano nga b tlga un?

$ 0.00
3 years ago

Mamaya nlng 🀣

$ 0.00
3 years ago

🎢 Hawak kamay di kita iiwan sa paglakbay, dito sa mundong walang katiyakan🎢 nasa tabing dagat kayo so maybe,crab??_πŸ€”πŸ€”πŸ€” glad na save ka ni John kundi wala na nag na narrate ngayon..chozzzz lang✌✌✌

$ 0.03
3 years ago

Haha...hala kumakagat pa naman ang crab

$ 0.00
3 years ago

πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Baka gagamba or ahas? Hahaha! Naku paktay tayo pag gagamba yan. 😱 Basahin ko po muna mga naunang bahagi para di ako napag iiwanan hehehe.

$ 0.03
3 years ago

Haha..advance mag isip.. Okay lng gagamba, wag lng ahas 🀣

$ 0.00
3 years ago

Kung makasigaw kasi si ateng eh! πŸ˜‚ Parang tutuklawin! πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

So sorry to ask this Jane. Is it just me or did you publish this in another language? I can't seem to understand anything. And if yes, is there a way to translate it to English here on read.cash and read?

$ 0.03
3 years ago

Haha... sorry it's Filipino.. i edited it already.. but expect that the translation is not accurate.. so read at your own risk 🀣🀣

$ 0.00
3 years ago

Click the globe sign near the EXC badge

$ 0.00
3 years ago

Ok thanks Eybyoung

$ 0.00
3 years ago

Is there a continuation? I am asking because I was wondering what John meant when he said he didn't want to lose Bella again

It's great that although Bella didn't want to go out, she ended loving the trip

How could they have lost track of time to have missed the ferry? 🀦

What I'm I even saying... Lol. Once, someone is having the time of their lives, time always seem to go fast

What was that thing that crawl on her πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Great story.... Thanks for sharing with us, ma'am

$ 0.05
3 years ago

Btw, are you a Filipino ? πŸ˜… or you translated the story to english?

$ 0.01
3 years ago

Hahahah

No ma'am, I copied and pasted on google translate, and read the juicy story πŸ™ˆπŸ™ˆ

I just read through other comments, and discovered I could have done it here on read.cash instead

Next time, I wouldn't need to copy paste anymore

You see your action(writing in your language) made me learn something new about the read.cash interface today... Thank you

$ 0.00
3 years ago

Daming ganap ni John at ni Bella ngayon ah. Yan tuloy di na nakauwi haha! Parang nasa movie ang mga eksena po, nakakakilig at heto na naman ang mga pabitin sa panghuli. 😁 May aabangan na naman ako bukas.

$ 0.03
3 years ago

Haha.. hanggang story nlng tyo , hirap kpg single lol 🀣

$ 0.00
3 years ago

Hahaha! Bsta talaga single napakaromantic. Bakit kaya? 😁 May pinaghuhugutan po ba kayo?

$ 0.00
3 years ago

Kunti 🀣

$ 0.00
3 years ago