"Ang lahat ay nagbabago ganun din ang puso"

18 53
Avatar for GarrethGrey07
2 years ago
Sponsors of GarrethGrey07
empty
empty
empty
Blog#172:06 March 06,2022

๐ŸŽถAlam kong huli na, pero di ko kayang bumitaw. Ika'y masasaktan dahil pangako ko'y walang iwanan, alam kong huli na. ๐ŸŽถ

๐ŸŽถIlang beses ding sinubokan, pinilit ang nararamdaman, pero kulang, may kulang. Natatakot na malaman, natatakot na yung husgahan, na hindi na nga, hindi na nga...Ang lahat ay nagbabago ganun din ang puso ko!๐ŸŽถ

__________________________________________

Naninikip na naman ang dibdib ko habang pinapakinggan ko ang kantang" Hindi Na nga" ng "This Band". Bigla kasing nagpatugtug ang driver ng jeep na aking sinasakyan, habang patungo ako sa aking trabaho. Sa kantang to biglang nag flashback, yung araw kung kelan sinabi nyang gusto nya ng makipaghiwalay dahil sa pagod na siya at gusto nya na munang hanapin ang sarili nya(sana lang ay nahanap na nya).

2 year's ago..

Madalas na kaming hindi nagkakasundo ng live-in partner ko noon. Kahit sa maliit na bagay pinag aawayan na namin. Pero minsan naman talaga ay mali nya, hindi nya lang ito maamin at madalas siya pa ang galit pag pinupuna ko siya. Minsan kasi pagkatapos ng trabaho nya ay uuwi nga siya sa bahay pero aalis din naman ng hindi nagpapaalam kung saan siya pupunta. One time mag aalas dyes na ng gabi nun, pero wala pa siya sa bahay kaya tinext ko na.

Me: babe asan ka?

Him: Andito sa kaibigan ko babe, pauwi na din ako, saglit lang to. May konting salo salo kasi dito.

Me: okay, pero sana sinabi mo manlang sakin kanina para alam ko kung asan ka, bigla ka nalang kasing umalis.

Him: sorry babe.

Akala ko hindi na nya uulitin yun, kasi nagsorry na siya, pero na ulit pa yun ng dalawang beses pa . Minsan nga mula sa trabaho nya uuwi na siyang lasing, hindi ko alam kung saan siya galing, dahil hindi naman nya sinasabi kaya hindi nalang din ako nagtatanong para hindi na kami mag away pa.

Source: Unsplash.com

Isang araw maaga siyang umuwi galing sa trabaho nya, tuwang tuwa naman ako dahil akala ko hindi na siya aalis pa. Pero makalipas ang isang oras ay biglang may tumawag sa messenger nya, hindi ko alam kung sino. Nakita kong tiningnan nya yung cellphone nya, pero hindi nya iyon sinagot, siguro kasi ayaw nyang marinig ko ang pag-uusapan nila kaya hinayaan nalang nya hanggang sa namatay nalang yung tawag. Ilang minuto pa ang lumipas, bigla siyang tumayo at nagbihis. Sabi nya pupunta lang daw siya ng palengke, at may kikitain lang siya saglit. Biniro pa nya akong wag akong magseselos, kasi babae kikitain nya, ngumiti lang ako, hindi na ako sumagot at umalis na nga siya.

Hindi siya nagmotor nun, sa isip ko nun malapit lang naman ang palengke kaya naglakad lang siya. Yung sabi nyang saglit lang ay inabot ng ilang oras. Mag aalas dyes na nun nung nagchat ako sa messenger nya. Nagtanong lang naman ako kung nasan na siya dahil alas dyes na at hindi pa din siya nakakauwi, nag aalala na ako. Lumipas ang isang oras, saka lang siya nag reply sa chat ko.

..Pauwi na ako!

Pagtingin ko sa orasan 11:05 p.m na. Hinantay ko siyang makauwi dahil hindi talaga ako makatulog hangga't wala pa siya. Lumipas ang isang oras at wala pa siya sa bahay, nag load na ako sa cellphone ko para tawagan siya, dahil alas dose na ay wala pa din siya. Nag aalala na ako ng sobra, baka kung napano na siya sa daan dahil gabing gabi na. Hindi ko alam kung asan siya, hindi ko alam kung sino mga kasama nya, dahil hindi naman niya sinabi sakin kung san ba talaga siya pupunta.

Source: Unsplash.com

Nang tinawagan ko number niya ay out of coverage ang cellphone nya, dalawang number nya out of coverage. Sobrang nag aalala na ako pero wala akong magawa kundi ang maghintay na umuwi siya, nanalangin akong makauwi siya ng maayos. Alas dose na wala pa siya, kahit pagod at inaantok na ako, hindi talaga ako makatulog. Makalipas ang ilang minuto ay narinig kong may nagbukas ng gate namin , at alam kong siya na iyon. Para akong nabunutan ng tinik, dahil sa wakas nakauwi na siya ng maayos, pero lasing. Wala akong imik, hinayaan ko siyang makatulog at makapagpahinga ng gabing yun.

Galit ako sa totoo lang, pero minabuti kong manahimik nalang, dahil ayoko ng away. Kinabukasan ay gusto nyang timplahan ko siya ng kape dahil masakit daw ang ulo nya. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko siya pinansin, dahil gusto ko malaman nyang galit na ako. Pero ang masaklap mas galit pa siya sakin. Padabog pa niyang isinara ang pinto ng kwarto namin, dahil galit din siya sa pananahimik ko.

Ilang araw ang lumipas, hindi talaga namin napag uusapan ang ginawa nya, hindi kami nag iimikan hanggang sa nauwi na naman kami sa away.

Source: Unsplash.com

Ako: Ano bang problema mo? Bakit parang hindi mo na ako nirerespeto? Magkasama tayo sa iisang bahay pero hindi mo manlang kayang magsabi sakin ng totoo.

Siya: Bakit ano ba problema mo dun? Kung pagod ka na sa ugali ko, eh di iwan mo ko, umuwi kana sa inyo.

Ako: Ang akin lang naman pag usapan natin kung ano ang problema.

Siya: Gusto mong pag usapan ang problema, eh di sige! Ikaw ang problema ko, alam mo ba yun? Ayoko na, pagod na pagod na ako, gusto kong maghiwalay na muna tayo.

Nagulat ako sa sinabi nya, hindi ako sumagot, pinakinggan ko lang siya. Gusto kong marinig ang lahat ng saloobin nya kaya hinayaan ko siyang magsalita.

Siya: Parang hindi na kasi ako masaya sa relasyon natin eh, lagi nalang tayong nag aaway, lagi mo nalang pinapakialaman mga ginagawa ko. Lahat, gusto mo ipagpaalam ko sayo. Nasasakal na ako, alam mo pinipilit ko namang intindihin ka eh. Kaso hindi ko talaga maintindihan, pinilit kong hanapin ang dating tayo pero hindi ko na talaga mahanap eh. Masyado ka ng maarte at pabebe, makikipag-inuman lang ako sa mga kaibigan ko galit ka na, hindi mo na ako kakausapin. Alam mo hindi lang sayo umiikot mundo ko eh, kaya ayoko na talaga, gusto ko na munang maging malaya. Para din naman sa atin to, kaya maghiwalay na tayo.

Hindi ako makaimik sa mga narinig ko, hindi ko na din namalayan na nakapag empake na pala siya at tuloyan na nga nya akong iniwan. Parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko, pati luha ko natuyo na din yata dahil hindi ko magawang lumuha sa mga oras na yun.

Sobrang sakit sa totoo lang, dahil hindi ko manlang nagawang ayosin yung mga bagay na ayaw nya. Kung sana sinabi nya, kung sana pinag usapan namin habang maaga pa, hindi siguro kami mauuwi sa hiwalayan. Kung naging tapat lang sana siya, papayagan ko naman siya, dahil alam ko naman karapatan din naman nyang magsaya. Kung sana iniisip nya din nararamdaman ko, sana masaya pa kami ngayon. Kaso hanggang sana nalang ako, dahil isa na lang siyang ala-ala.

"Wala nga talagang permanente dito sa mundo, dahil ang lahat ay nagbabago ganun din ang puso."

Mensahe:

Sa isang relasyon, kailangan talaga ang sapat na komunikasyon. Ang hindi pagkakaintindihan minsa ay normal at talagang bahagi ito sa inyong relasyon, pero ito ay dapat na pinag uusapan. Kung may misunderstanding man kayo, ay huwag ninyo itong tulogan at ipagsawalang bahala, dahil diyan nagsisimula ang mas malaki pang hindi pagkakaunawaan. Isipin ninyo ang isa't isa, ang nararamdaman at mararamdaman ng isa't isa. Wag mong solohin at kimkimin ang problema na dapat ay dalawa kayong nagreresulba. Kung may ayaw ka man sa ginagawa ng isa, sabihin mo, ipaunawa mo. Kung may mali man, o may hindi kana gusto sa ugali nya, ipaalam mo sa kanya wag ka nang gumawa pa ng bagay na pag aawayan nyo pa.

Pero minsan ang isang relasyon ay hindi talaga laging happy ending.

So ayun na nga, ang kwentong ito ay isa lamang itong kathang isip , medyo na inspired lang ako sa kantang "Hindi na nga" ng "This band"parang ang sakit kasi ng kantang yun, charot lang๐Ÿ˜‚. Salamat sa pagbabasa!

__________________________________________

Attention to my non-Filipino reader's;

Today I was really busy, and I think you already knew the reason why, so i wouldn't say anything about it as I don't want to bore you. Since I had no more extra time to look for an interesting topic, I decided to publish a Tagalog article again. This article isn't actually written today, as I have this article in my draft for a month. I just decided to publish it today so I can still have time to read your articles before I go to sleep. I'm not sure for tomorrow, as I am still busy arranging our things in our new house. Anyway I hope you had a great weekend.

Lead image source edited using Canva app

14
$ 2.30
$ 1.90 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.05 from @Ellen-he
+ 12
Avatar for GarrethGrey07
2 years ago

Comments

Experience gives us wisdom. That scenario though fiction is common to real life. It also gives me flashback with my ex .

$ 0.00
2 years ago

Akala ko din totoo. Pero di nga? hehe. Kelangan talaga sa isang relasyon ang pag-uusap. Nadadaan naman lahat sa usapan e.

$ 0.00
2 years ago

Whahaha, walang hiya, Akala ko totoo ehh, marami talagang namamatay sah Maling Akala,

$ 0.00
2 years ago

And I thought it really happened to you sis.haha Buti na lang binasa ko lahat. Medyo relate din ako konti sa story sis.haha charoot

$ 0.00
2 years ago

Pain is real, ba't parang flashback ko yan ramdam na ramdam eh ehhheh

$ 0.00
2 years ago

Hahaha seryusong seryuso ako magbabasa sissy at tagos sa puso ko, naprank ako ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜ habang binabasa ko to ngfaflashback sakin paano ngyari un at 2yrs pa lang ang nakakaraan hahahaha

$ 0.01
2 years ago

Hahahahaha imaginary lang eh

$ 0.00
2 years ago

Alam ko ang kanta na to sis, hihi ayan nakagawa na din ng story, parang pinagtagpo pero hindi itinadhana mabuti na din yun lasenggo rin naman yun.

$ 0.01
2 years ago

Hahahahahha truth sis.

$ 0.00
2 years ago

Well even though I don't understand what you are really talking about because I don't understand your language but is till cool because I will translate when am free but congratulations to you once again

$ 0.01
2 years ago

It's okay, I just don't have much time to translate it so I just published it on Tagalog ๐Ÿ˜… thanks anyway

$ 0.00
2 years ago

Gosh, akala ko sis totoo..nagulat ako kasi kahapon lang ata yung nabasa ko na lilipat kayo ng house..hahahaha..buti nalang at kwrnto lang pala to..

$ 0.01
2 years ago

๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ oo sis, matagal na ngang nasa drafts ko to eh ๐Ÿคฃ

$ 0.00
2 years ago

Ahahahha...kalerkey ka sis

$ 0.00
2 years ago

Dear Garreth, Congratulations on your stay at your own home. Rest well my friend, you must be very tired...

$ 0.01
2 years ago

Thank you my friend.

$ 0.00
2 years ago

Kinanta ko legit hahaa dinama ko yung song sis grabe lang ansaket haha pati story mo ansaket jusko eto yung mas masakit yung dahil sa hindi pagkakaintindihan at sa kakulangan sa komunikasyon ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawang nag iibigan, pero tama yan hindi lahat ng relasyon happy ending haha also I don't believe on happy ending either haha

$ 0.01
2 years ago

๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ tsaaarrr wala talagang forever ๐Ÿคฃ

$ 0.00
2 years ago