Mama Ayaw ko na...

23 74
Avatar for ExpertWritter
2 years ago

Isa sa pinaka masakit para sa anak ay ang mag panggap. Magpanggap sa totoong nararamdaman. Mula noong elementarya ako, nasanay na akong hinfi sabihin sa aking mga magulang ang totoong nangyayari sa paligid ko. Nakakaranas ako ng pang bubully mula sa mga iba't-ibang tao ngunit mas pinili kong maging matatag dahil ayaw kong madamay ang aking mga magulang. Ginagawa ko na iyon hanggang sa aking pagtanda. Ayaw ko na silang magkaroon ng problema, Lalong lalo na sa aking ina. Dahil wala siya sa tabi ko.

Mula noong ako'y bata pa, nakaranas din ako ng pambubully sa aming pamilya. Marahil nakwento ko na ang tungkol dito noon pa na hindi kami tanggap ng aming mga kapamilya o kasama sa bahay. Madami akong narinig na mga masasakit na salita sa kanila, madami kaming napag daanan ng aking kapatid pero hindi alam iyon alam ng aking ina. Ang tingin ng aking ina ay nasa mabuti kaming kalagayan at nasa tamang kamay kami pero hindi niya alam na mas lalo kaming nasasaktan.

O ako lang? Simula noong nagka isip kami ng aking kapatid o naging bukas ang kaisipan ay mas lalo naming naiintindihan ang paligid namin. Ang aking kapatid ay minahal na ng aming mga Lolo at lola at pamilya dahil siya ay nakakatanda at maaasahan sa lahat ng bagay pero ako'y hindi ko padin binubuksan ang puwang sa kanilang lahat sapagka't ang trauma'y andito padin sa aking isipan. Ayaw ko magpaalila ulit sakanila, ayaw ko na ulit makisalmuha, ayaw ko na ulit makisama sa mga tao na minsan nang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Sa ilang taon akong naririto, pinipilit ko ang aking sarili na makisalamuha sa mga tao. Pinipilit ko naman pero bakit ganun? Paulit-ulit parin akong nakakarinig ng mga ganito at ganyan mula sa kanila? Binibigay ko yung best ko bilang isang apo, anak, pinsan, kapatid, at kamag-anak pero hindi padin ako naging sapat sakanilang paningin.

Sponsors of ExpertWritter
empty
empty
empty

Ilang taon na din akong nagtyatyaga, ilang taon na din akong nababaliw, ilang taon na din akong nahihirapan. Malapit lapit na din akong bumitaw dahil sa pagod at hirap na aking nararamdaman ngayon.

Na halos hindi ko ding inaasahan na masasabi ko ang isang salitang ayaw kong sabihin sa aking ina. Na Minsan ko lang namang sabihin ang katagang ito sakanya.

"Mama, Di ko na kaya."

Madami akong gustong sabihin sakanya. Gusto kong sabihin lahat ng aking pinagdadaanan at problema. Gustong-gusto kong umiyak nalamang at yakapin siya. Minsan, gustong-gusto kong magsabi ng aking nararamdaman. Gusto kong bawiin ang mga salitang sinabi ko sakanya noong ako'y bata pa na gusto ko kaagad tumanda dahil habang patanda ako ng patanda, pahirap din ng pahirap ang aking sitwasyon. Gusto ko nalamang na nasa tabi niya't hinehele ako habang natutulog sa hapon.

Ayaw ko na, Ayaw ko na talaga. Gusto ko na magpahinga. Dahil nakakapagod na. Ang sakit-sakit sabihin sakanya ang mga salitang iyan na dahilan para mapaluha ako't mapayuko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kahit ayaw ko man sabihin, nguni't gusto ko lang sanang mabawasan ang aking nararamdaman.

Sa huli, Hindi ko din nasabi sakanya ang mga hinanakit ng puso ko at kung anong pinagdaraanan ko ngayon.

Sinabi ko nalamang sakanyang hindi ko na kaya maging mataba at wala ng kakasya sakin na damit pa. Gusto ko lamang isipin niyang, Okay lang ako. Gusto ko lang iliko ang nasimulan ko't maging masaya. Napag isip isipan ko din kasi na, ayaw ko siyang may iisipin pa. Ayaw ko siyang maging malungkot at masaktan dahil ako'y nahihirapan buti nalamang at pinigilan ko ang aking nararamdaman dahil napagkaalam-alaman kong, araw niya daw pala para magpahinga (day-off) at nag eenjoy siyamg nanunuod ng K-drama.

Pagtatapos na Salaysay...

Minsan sa buhay kailangan nating pigilan at magsinungaling sa ating nararamdaman. Hindi dahil gusto natin pero dahil ayaw nating mahirapan pa ang nakapaligid satin. Mas pipiliin nalang nating magsarili dahil minsan may mga tao din namang embes na damayan ka ay mas lalo kapa pala nilang sasaktan.

Naranasan ko na din kasing magsabi sa ibang tao pero ang isinukli lang sakin ay tingin nila'y nagdradrama ako.

May mga Tao padin namang nagbibigay ng pake sa tuwing ako'y nalulungkot at laging nandyan sa tabi ko pero mas pinipili ko lang talagang mapag-isa dahil ayaw ko na silang madamay pa.

Sa ngayon, pinipilit ko pading maging matatag. Hangga't maaari, ayaw ko matuluyan dahil meron pa akong pangarap at gustong gawin para sa Mama ko. Pinipilit kong maging matatag. Pinipilit kong lumaban sa depresyon hanggang ngayon.

Pasensya na, kung ito man para sayo ay kadramahan. Gusto ko lang namang ipahiwatig ang aking nararamdaman. Salamat sa pagbabasa.


My Previous Articles:

If I will become a SK chairman of our Town

I'm a problematic girl for today's blog

Let's make ourselves still beautiful and handsome despite of the bloody market

Is Mandatory Military Service in the Philippines is the answer to prevent Teenage Pregnancy?

Wow! My Parcels are already here!

11
$ 6.43
$ 6.24 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @Ruffa
$ 0.05 from @mommykim
+ 4
Sponsors of ExpertWritter
empty
empty
empty
Avatar for ExpertWritter
2 years ago

Comments

San Reo a hug from me πŸ€—πŸ€—. Tama din naman yang ginawa mo. Baka mag overthink din mama mo if maglabas ka ng tunay na nararamdaman mo. I know mabigat na, pero kaya mo yan. Nakaya mo noon, kakayanin mo ulit ngayon. We're just here for you. Pero, kapag sa tingit mo di na talaga kaya at alam mo yon, yong sobra sobra na, as in mas sobra pa sa sobra - tell her. For your peace of mind. Fighting πŸ€—πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

$ 0.02
2 years ago

Thank you always ate ropa... 😭 Sa mga advices mo at sa presence mo sa tuwing nasasaktan at nahihirapan na ako. Kahit malayo ka pinaparamdam mo saking Ate talaga kita. Huhu Opo, gagawin ko yan kapag sobra sobra na talaga at diko na kinakaya. Sa ngayon, ayaw ko muna sabihin talaga nararamdaman ko.

$ 0.00
2 years ago

Anytime San Reo. Just be stronf for your Mom. πŸ₯°

$ 0.00
2 years ago

Ang bait mo naman friend talagang ayaw mo mdamay ang mgulang pagdating ng problm ng anak

$ 0.02
2 years ago

Mahal na mahal ko kasi Mama ko. Syempre! Hihi ayaw ko siya mahirapan pa lalo since matanda naman an ako.

$ 0.00
2 years ago

Korek friend

$ 0.00
2 years ago

Kung tipong gustong-gusto na natin na umayaw dahil sa dinadala natin na hindi nila alam. Laban lang mare kaya yan😊

$ 0.02
2 years ago

Kaya ko pa naman mareeee! Kayo talaga nagbibigay lakas saken e. Laban lang sa life! Alam ko lilipas din to. Hihi

$ 0.00
2 years ago

Sorry to hear that sis, I'm not a perfect daughter but just like you I'm trying to be. But you know what I realized? We don't actually need to.

I hope you will gonna be okay.

$ 0.02
2 years ago

I like your advices. Hihi Thanks for the words. We don't actually need to be a perfect daughter makes me feel better.

$ 0.00
2 years ago

bakit?????parang ang walang kwentang kaibigan ko dahil dito? aigoooo dami nating pinagdadaanan sa buhay pero laban lang tayo baby gerl.

wala nakong masabe ugh

$ 0.02
2 years ago

Salamat nung gabi na to noona. Ano kaba, Okay lang yan! πŸ₯° alam mo namang kasalanan ko kung bakit wala kang knows about dito kasi di nsman talaga ako nagsasabi lagi hihi alam mo na yun napagusapan na natin to. Thank you always noona! Labyu

$ 0.00
2 years ago

nalungkot ako bigla.. kasi mahilig din akong magsinungaling sa sarili ko.. nong dalaga pa ako,madami din akong na experience na ganyan, yung gusto ko ng sabihin lahat ng mabigat sa dibdib ko but at the end of the day, tinatawanan ko lang yung sasabihin ko dapat.. ang hirap nito..

$ 0.02
2 years ago

Kaya nga eh. Tawanan nalang natin ang problema. Minsan thankful din ako sa socmed kasi may libangan sa tuwing nalulungkot

$ 0.00
2 years ago

Oo nga .. keep fighting lang tayo..

$ 0.00
2 years ago

Na kakakrelate ako, kasi ako rin ay madaming bagay na sinasarilinko na lang para wala ng gulo at mawala na ang mga agam agam sa buhay.

$ 0.02
2 years ago

Ganyan talaga ang buhay... di maiiwasang magsarili talaga pagdating sa mga problema. 🀧

$ 0.00
2 years ago

Mabigat sa pakiramdam na sa tingin at nararamdaman mo na wala ka ng puwang sa loob ng pamilya dahil sa kung ano-ano ang mga nakikita at naririnig mo. Pero sa bandang huli, alam ko na kung ano man ang maging pagsubok mo ay pag subok din nila. At, kahit baligtarin ang mundo, sila pa rin ang pamilya. Kaya mo yan ate. Pakatatag ka po!

$ 0.02
2 years ago

Hayyy tama ka jan bata. Sa huli talaga, mananatili padin yung word na, Pamilya. Wala eh, kahit ano man mangyari kahit nasasaktan ako sakanila. Iintindihin ko nalang kasi pamilya e. Thank you bata! Kakayanin!

$ 0.00
2 years ago

Sana gumaan pakiramdam mo after mo isulat to

$ 0.02
User's avatar Yen
2 years ago

Gumaan naman ate Yen hanggang kelan kaya etong depression ko 🀧 nakaya ko naman ng ilang years bat unti unti na akong humihina. Hays

$ 0.00
2 years ago

Ganyan talaga my friend may mga bagay na dapat nalang talaga isarili natin, kasi mas lalaki at maapektuhan din sila pag ginawa natin. Maybe all we need to do sa sitwasyun nayan ay maging matatag nalang talaga at tulongan ang sarili para maiwasan yan. Depression is not a joke, seek a friend muna jan na makakausap mo.

$ 0.02
2 years ago

Kaya nga e. Pero minsan nahihiya is me mag sabi sa kanila. Pero di nila ako pinapabayaan, Andyan at andyan sila ate @Ruffa , noona @Mommykim , at mareng @Zhyne nahihirapan talaga kasi ako. Sobrang lungkot ng buhay ko jusko

$ 0.00
2 years ago