September 4, 2021. Saturday.
Magandang Araw po sa inyong lahat. Enjoy your weekend po.
Sisimulan ko po ito sa tanong na, Anong mas gusto mo?
Yung may something kayo pero walang label?
O
Yung may label kayo pero wala naman something?
Hahahha sorry na po sa tanong ko. May napanood lang kase ako na video sa facebook na tungkol dyan ang pinag uusapan. Medyo interesting ang topic na ito kaya naisipan ko na din gawan ng artikulo. Medyo iba po ang tema ng pag uusapan natin ngayon at hindi katulad ng mga nakaraan kong ginagawang artikulo. Ngayon po ay medyo malalim ang usapin na ito at tungkol sa Love. Hahahha. Opo tungkol sa pag-ibig hehehhe unang beses ko po susulat ng isang topic na tungkol sa love.
Naranasan nyo na po ba yan? Ang may something pero walang label o may label pero walang something. Naexperience nyo na po yan? O na-encounter nyo na?
Matagal na po ang pangyayaring ito bago pa magpandemic. Naalala ko lang dahil nga po sa napanood kong video kamakailan. Natanong ko na ito sa kapatid ko at ilan kong pinsan at ito po ang pangyayari.
Sinubukan ko pong itanong yan sa aking kapatid. Ang sagot nya po ay…
“Naku ayaw ko sa parehas yan. Parang ang hirap nyan kung saka-sakali, kase parang walang kasiguraduhan yung ganyan.”
Medyo alam ko na po na ganyan talaga ang isasagot nya dahil tuwing may mga itatanong sa kanya at papapiliin sya sa dalawa ang sagot nya ay laging “wala sa nabanggit” o “both” hehehhhe. Opo laging hindi yung sumasagot ng maayos kapag pinapapili sa dalawang tanong. Minsan pa nga ang isasagot nya yung malayo sa tanong hhahahha. Opo ganya talaga yung ate ko. Medyo palabiro kase.
Kaya naman ng hindi ako makakuha ng magandang sagot sa aking kapatid ay tinanong ko ang isa kong pinsan. Mas nakababatang pinsan.
Ako: May tanong ako sayo anong mas gusto mo, Yung may something pero walang label o Yung may label pero wala naman something?
Image source: Something
Pinsan kong babae: Mas okay na sa akin yung may something kahit walang label.
Opo mas bata sya sa akin pero mas may alam na sya tungkol sa mga ganyan.
Ako: Bakit naman iyan ang napili mo?
Pinsan kong babae: Kase malay mo pag tagal yung something nyo ay malagyan na din ng label. Hindi na puro something na lang. Pwede naman kasing mag intay eh wag basta basta nagmamadali. “Everything takes time”
Inner me: Wow grabe hahahhah ang lalim ng hugot nito ah.
Bigla na lang dumating yung isa ko pang pinsan na lalaki. Mas nakababata din sya sa akin.
Pinsan kong lalaki: Anong pinag uusapan nyo?
Pinsan kong babae: Ikaw kung papapiliin ka anong mas gusto mo, Yung may something pero walang label o Yung may label pero walang something?
Inner me: Hala sya. Sya na talaga ang nagtanong. Dapat ako yun eh hahahha.
Image source: No Label
Pinsan kong lalaki: Mas gusto ko yung may label kahit walang something.
Ako at ang pinsan kong babae: Luh?
Pinsan kong babae: Totoo ba? Ang pangit kaya nun. Yung may relationship kayo pero wala naman feelings. Parang ganun kaya ibig sabihin nun.
Pinsan kong lalaki: Oo bakit? Iyun yung gusto ko eh. Kesa naman sa may something pero walang label. Kase alam mo kung bakit? Baka kase ikaw lang yung nakakafeel ng something tapos sya hindi naman, wala naman pala sa kanya yun kaya hindi kayo nagkakalabel, umaasa ka lang pala.
Inner me: Grabe talaga tong mga kabataan ngayon! Mas marami pang alam sa mga nakakatanda sa kanila. Hahhaha.
Actually humaba at lumalim pa po ang usapan naming tatlo tungkol dyan kaso sobrang haba na kapag kinuwento ko at baka mamanhid na po ang kamay ko kakatype. Hehehhe.
Naiintindihan ko yung mga dahilan nila sa mga sinagot nila sa tanong kaya lang hindi pa rin talaga malinaw sakin kung bakit may mga ganyan na pangyayari. I mean po hindi ba pwedeng may something kayo tapos may label na din kayo? Hahahha.
Authors Note:
Hindi ko pa po kase iyan naeexperience. Yan dalawang yan. Kaya po tinanong ko sa mga pinsan ko yan. Wala pa po talaga akong karanasan sa pag ibig eh. Hahahaha.
Kayo po ba nangyari na sa inyo yan? Share nyo naman po hehehhe kung gusto nyo lang naman po. Tsaka kayo kung papapiliin po kayo. Anong pong pipiliin nyo?
Sya, sige na po dito ko na tatapusin ang artikulo na ito. Sana po ay nasiyahan kayo sa pagbabasa nito kahit papaano. At maraming salamat po sa paglaan ng oras sa pagbabasa. Hanggang sa muli po.
Lead image source: Status
This are my amazing and wonderful sponsors I'm encouraging you to read their precious articles too. I'm very thankful to my sponsors for the love and undying support that they give to me. Love you all po.
I also want to thank those people who always read, comment and upvote my articles. Thank you so much and I really appreciate it. Love you guys too.
Feel free to read my previous Tagalog articles too if you have free time:
Thanks for reading this.
God Bless and Keep Safe Everyone.
Don't forget to Be Good and Be Nice as always.
Bye.
...and you will also help the author collect more tips.
Naranasan ko yung walang label pero may something. Magulo at nakakatakot! Hahaha. Ayaw ko pa man din yung wala akong assurance sa tao.