Baha lang yan, Pinoy tayo!

August 1, 2021

 

Good day to all of you. Magandang Araw sa inyong lahat in tagalog. August na isang buwan na lang “Ber Months” na naman. Pero grabe ang inabot ng pamilya ko bago matapos ang buwan ng July. Dahil binagyo at binaha kami.

 

Antagal na ng huli akong makapag publish ng article dito ah. Ang dahilan kase ay lumubog ang bahay namin dahil sa baha. Hindi namin ito inaasahan dahil hindi naman ito nangyayari noon sa amin. Kaya kataka taka na napakataas ng tubig dito sa lugar namin. Handa naman kami sa mga ganitong pangyayari ngunit nagulat talaga kami na ganto ang aabutin namin. Dati ay bumabaha na rin naman dito sa lugar namin pero hindi sya katulad ng baha ngayon na halos lumubog ang mga kabahayan. Napakabilis din ng pagtaas ng tubig biruin mo halos wala pang isang oras ay ga-bewang na agad sya, hindi ba't nakakapagtaka at nakakagulat. Saan kaya galing ang tubig na rumaragasa at napakabilis nakapag palubog ng mga kabahayan dito sa aming lugar.

 

Source: Unsplash

Nangyari ito noong nakaraang araw. Napakaaga at natutulog pa ang mga tao. Ginising at sinalubong kami ng tubig, umaakyat na ito sa aming bahay. Dali-dali kaming naghanda ng mga gamit at inakyat sa matataas na lugar at binalot ang mga gamit para hindi mabasa. Ngunit ginagawa pa lang namin ang pagliligpit at pag-aayos ng gamit ay umabot na agad sa tuhod ang tubig na pumasok sa loob ng aming bahay. At ilang minuto lang ang lumipas ay lumagpas na ito sa tuhod at malapit na agad sa bewang. Ng mapansin namin na napakabilis talaga ng pagtaas ng tubig ay napagdesisyunan na namin umalis ng bahay at pumunta sa lugar kung saan ligtas at mataas na hindi aabutin ng tubig baha. Sa school na malapit sa amin kami dinala at doon muna pinag-stay ngunit lumipas ang ilang oras ay pinasok na din ito ng tubig. Pero hindi katulad ng sa bahay namin, hindi tumaas ng ganun kataas ang tubig sa school pero ang problema ay hindi pa rin pwede tulugan. Kaya naman umalis din kami dito dahil pagkatapos humupa ng baha ay puro putik ang naiwan.

 

Source: Unsplash

Pumunta kami sa aming kamag-anak dahil sila ay nakatira sa mataas na lugar, ito ay parteng bundok na at hindi talaga binabaha. Sa kanila kami nagpalipas ng ilang araw dahil hindi din naman matutulugan ang school (evacuation area) dahil pinasok din ito ng tubig. Pero sa school na iniwan ang mga gamit naming naisalba at pinayagan naman kami at pinasara na lamang ang classroom na inukupa namin, para hindi mawala ang gamit namin. Pagkalipas ng ilang araw na pamamalagi namin sa bahay ng aming kamag-anak ay napagpasyahan na namin umuwi sa aming bahay para malinis na namin ito.

 

Pagkauwi nga namin sa aming bahay ay bumungad samin ang napakaraming banlik o putik kung tawagin. Nagtulong tulong kaming alisin ito at ayusin ang ibang parte ng bahay na nasira. Ang ibang gamit namin ay tinangay na pala ng baha kahit na naitaas pa namin ito. Inabot kami ng halos dalawang araw sa pag aayos at paglilinis ng aming bahay kaya ilang araw din akong hindi napagsulat ng article dito.

 

Ngunit kahit na amunang pagsubok ang ibigay sa atin ay kakayanin natin. Dahil "Pinoy tayo" at pagsubok lang yan, lahat yan ay malalagpasan din natin. Basta't magtutulong tulong tayo ay makakaya natin ang lahat ng sakuna, problema at pagsubok. Babangon tayo dahil Pinoy tayo.

 

Maraming Salamat sa pagbabasa nito at maraming salamat sa oras na ginugol nyo para mabasa ito. Salamat po.

 

Authors Note:

I could no longer take pictures during the flood because we would also be in a hurry to tuck, fix and lift things. I also planned to take a photo to post and send to our relatives but since we were in a hurry and the floodwaters may wet the cellphone, I didn't dare to take another photo. And I couldn't even picture what was damaged by the flood in our house because we fixed it and did it right away so that we could have a place to stay.

Lead image source: Unsplash

Thank you to my wonderful and amazing sponsors. Thank you so much for the unending love and support. Love yah.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

 

Feel free to read my previous articles:

·       https://read.cash/@Expelliarmus30/yesterday-date-61fa22d5

·       https://read.cash/@Expelliarmus30/thought-provoking-questions-cfcd6541

·       https://read.cash/@Expelliarmus30/how-much-i-love-sewing-a4303bc0

Thanks for reading this. Enjoy your day.

Godbless and Stay safe everyone.

Don't forget to Be Nice abd Be Good as always.

Bye.

5
$ 4.45
$ 3.74 from @TheRandomRewarder
$ 0.50 from @ARTicLEE
$ 0.05 from @jasglaybam
+ 4
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Kaya nga maraming nagsasabi na bakit daw dito sa pilipinas kahit naghihirap na nakangiti parin, tatak na ata talaga natin ito eh, may mga swimming pa nga kapag baha, ibang klase talaga mga pinoy haha.

Btw, sobrang hirap ang bahain, katulad sa province sa lola ko, binaha sila don halos walang natirang damit na tuyo, nakakaawa, buti hindi pa namin naranasan dito sa lugar namin yan dahil mataas ang lugar dito. Keep safe po.

$ 0.02
3 years ago

Opo ang hirap talaga bahain yung tipong ready ka naman at naitaas naman namin mga gamit namin pero ganun pa din nabasa pa rin at inabot ng baha. Ganun po talaga ang mga Pinoy hindi pinoproblema ang problema hahahhaha.

$ 0.00
3 years ago

Hindi talaga natin malalaman kung kailan darating ang sakuna pero at the end of the day, ang mga pinoy ay hindi nagpapatalo sa kahit anong problema ngitian lang yan eh okay na ulit gaya ng sabi mo po dahil pinoy tayo eh. ☝️

$ 0.00
3 years ago

Awwww, katakot tlga pag mataas yung baha. Saan kayo located ba? Near the beach or saang area? Kaya ina-advocate ko yung pag-preserve and conserve ng mangroves dahil sa mga ganyang pangyayari. Lahat ng tao makikinabang pag hindi pinuputol mga puno atbpng halaman sa tabing dagat.

$ 0.02
3 years ago

Tabing ilog po kami eh, pero dati di naman po kami binabaha ng ganun kataas. Kaya nga po nagputol po kasi ng mga puno yung opisyal dito samin andami po nilang pinutol yan tuloy binaha kami ng sobra.

$ 0.00
3 years ago

Ayan na nga, naku need po ipa-realize sa kanila yung epekto ng ginawa nila. Pwedeng-pwede sila sisihin. Hehehe. Common sense na dapat yan pero mga matatanda kasi lumang pag-iisip pa takbo ng utak. Di na pwede ngayon ang pagwawalang-bahala sa mga puno at kalikasan kasi ang epekto palala na ng palala.

I hope di na maulit yan sa inyo. Need nyo na mag-replant doon kung saan nagputol ng mga puno para di na ulit bumaha ng ganyan kalala. Saan banda ba yan para baka pwede natin pagtulungan i-msg sa social media pages ng local government. :)

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po eh narealize naman na din po nila ang ginawa nila. May project na nga po sila ngayon na nagtatanim ng mga puno at naglilinis ng mga karagatan tinatanggal po nila ang mga basura. Bumabawi na po sila ngayon.

$ 0.01
3 years ago

Wow good news. Buti na lang... Haaaay. Nasa huli tlga ang pagsisi.

$ 0.00
3 years ago

Nakakaheartbreaking huhu. Ok lang po kayo, sure? Sending prayers po sa inyong lahat jan.

$ 0.02
3 years ago

Opo okay naman po kami. Maraming salamat po. May mga damit at gamit lang po na natangay ng baha pero ang mahalaga po safe naman po kami.

$ 0.00
3 years ago

Grabe buti na lang safe kayo. Ingat pa rin jan lagi. Iba na talaga ang panahon ngayon. Nakikita at nararanasan na natin ang mas malalaking epekto.

$ 0.02
3 years ago

Opo thabk you po, mas inuna po talaga namin isafety ang mga sarili namin. Kaya nga po palala na ng palala ang mga dinadanas natin.

$ 0.01
3 years ago

Kaya nga e. Kahit san may mararanasan pa rin na sakuna.

$ 0.00
3 years ago

Ingat po kayo!

$ 0.02
3 years ago

Opo, maraming salamat po sa inyo. Ingat din po kayo palagi ang Godbless po.

$ 0.00
3 years ago

God bless din po!

$ 0.00
3 years ago

Yan mahirap pagtuloy tuloy ang ulan.. Hope your all okay..

$ 0.02
3 years ago

Opo bumabaha talaga pag walang hinto ang ulan. Sana nga po tumigil na sya at umaraw na ulit. And thank you po okay naman po kami.

$ 0.00
3 years ago

Halla, sad naman. Pero good to know na nakabalik kayo sa bahay nyo. And true, iba ang panahon ngayon, meron din lugar na d naman binabaha noon pero ngayon binaha din tulad sa bahay nyo. Keep safe pa rin kasi maulan pa.

$ 0.02
3 years ago

Opo iba na nga po talaga ngayon nakakagulat na mga pangyayari. And yes po maulan pa nga rin po, sana tumigil na nga po ang ulan eh para di na ulit bumaha.

$ 0.00
3 years ago

Keep safe na lang, maulan pa daw until Aug 6 or 7. Sana lng tumila na ulan...

$ 0.00
3 years ago

Ay ganun po, hindi na po kase ako nakakanood ng balita. Thanks po sa information.

$ 0.00
3 years ago

Na-send sa akin yung screenshot ng pag-asa forecast sa FB. You're welcome :)

$ 0.00
3 years ago

Ah sige po thank you po ulit.

$ 0.00
3 years ago