read.cash Log in
@Emeline

@Emeline in June 2022

@Emeline

Adobong pusit Hali na kayo kain tayo. Adobo pusit ang ulam namin ngayon, binili ko yan kanina habang nagwalking exercise ako . nadaanan ko kanina sa daan may nalalako ng bangus at pusit pero yan ang nagustuhan ko sariwa pa siya sarap sana gawin kalamaris kaso wala akong harina kaya adobo nalang . Tirik ang araw ngayon ,maganda maglaba sa ganitong panahon kaso Hindi pa pwede marami pa akong tapusin na gawain bago pa maglaba. Kain muna tayo tara na ..

@Emeline

Softdrink at chackers Dito muna ako amin balkonahe mag muni muni. Habang nagkikinig ng music , kumain ng chackers at uminom ng softdrink. Balak ko na sana maglaba pagkatapos ko ng meryenda ,kaso umaambon na madilim na may araw naman hindi ko rin maintindahan ang panahon.mapadeliver nalang ako siguro ng tubig dahil paubos na ang stock ko.pati na isip ko magulo na rin kung ano dapat unahin. Mabuti siguro pagkatapos nito itulog ko muna para makapahinga ang katawan ko . Mamaya…

@Emeline

S T O R M M I First day of June, Meeting with Stormmi. Dalawang buwan na siya buntis ,Akala ko masilan siya sa tao sa unang pagtatagpo namin parang galit siya sa akin tahol ng tahol . Ng tinawag ko ang pangalan niya bigla siya tumayo sa harapan ko .sympre ako naman gusto ko siya binuhat ko naman agad . Mabait at malabing siya . Shih tzu dachshund mix na klaseng aso. She is a small dog with a big heart. Bakit nagkatagpo kami ni Stormmi?Gusto ng may ari tingnan ko ang alaga…

@Emeline

Exhale inhale Good morning noisemates!!!.. May kasama na ako magwalking exercise sa umaga. Dito kami ngayon sa tabing dagat para makapag exercise kami ,gusto niya rin makalanghap ng sariwang hangin.cge lang exhale inhale kalang diyan para lumakas ang puso mo.baka lalo mo pa ako mamahalin niyan🤣🤣😂 Nagkaroon na siya ng oras para mag exercise dahil marami gamot binigay si doctor noon isang araw kaya takot siya , hayaan tuwing umaga sasama na daw siya mag exercise. Umagang umaga…

@Emeline

Butchi Gumawa ang kaibigan ko nito para ibenta . Ito naging extra income niya mula pa maliit ang anak niya ..ito bigay lang niya lang to sa akin ...kung minsan nahiya ako lagi nalang libre ,naisip ko rin na kung ano sa akin bigyan ko narin siya.give and take lang para patas ang laro. Masarap ang pagkagawa niya nakarami ako ng kain lalo na mga bata.kung minsan binibili ko naman pero dami parin ang bigay niya.kakatapos ko lang magmeryenda ngayon kaya hindi na ako kakain ng…

@Emeline

Native letson manok Sarap naman ang ulam ni Nanay ..Ang alaga niyang manok napagtripan ng kapatid ko sa probensiya namin ngayon hapon.mag budle fight daw sila..ako naman malungkot dito sa amin dahil gusto ko rin kumain ng letson manok na sariling luto ng kapatid ko.pinapainggit nila ako para makaumuwi.sigurado masaya Sila kanilang hapunan dahil samasama sila doon. Iba talaga kung malayo ako sa kanila hanggang tawag at picture lang ang akin sa messenger ko. Gustuhin ko man…

@Emeline

Happy Friday Ang Friday ang pinakapaboritong araw ng linggo para sa sinumang empleyado,dahil ang biyernes ay isang palatandaan ng katapusan ng linggo at pamamahinga.ang tao ay Masaya sa pagbating maligayang biyernes. A sweet day with a sweet flower Ang ganda niya pati ang kulay nag iisa laman to sa bakuran ko.punong puno ng pagmamahal ang umaga ko kung ganito ang makikita ko tuwing umaga sa bakuran ko may pisitibong pananaw at kaligayan. Alis muna ako may importante lakad…

@Emeline

Maagang lumabas sa opisina ang asawa,may lakad naman kaming importante . Nadaanan lang namin itong tulay at napansin ko maganda ang tubig ilalim ng tulay sarap lumangoy sa tinding init ng panahon.tirik parin ang araw dito. Ang pakay namin sa amin pinupuntahan maghanap ng materials para sa motor namin nasira.at humingi ng herbal plants sa kaibigan ng asawa ko . maraming nagsasabi sa kanya subukan niya rin umiinom ng herbal.kaya wala naman masama at kung ikakabuti niya rin…

@Emeline

Kahapon ng pumunta kami sa ng kaibigan ng asawa ko kumuha ng herbal plant ito agad napansin ko. Maraming bungga ang langka mula sa puno hanggang sa taas. Itong isa nasa puno na agaw tingin sa akin halos abot na sa lupa kung saan linagyan lang malaki bato para maalalayan sa sobrang bigat niya. Ngayon lang ako nakakita ng sobrang dami bungga tapos malalaki pa.bigyan sana kung mayroon hinog kaso lang alanganin pa. Pero nangako naman yon kaibigan ng asawa ko kung mayroon hinog…

@Emeline

Ginisang monggo at gulay Kain tayo ngayon palang ako kumain ng almusal bago umpisahan share ko muna. Ginisang monggo at gulay ,Tuyo lang sahog niya mahal ang kilo ng baboy. Tara kain tayo para may power ulit sa trabaho .. Pagkatapos nito plano ko umalis punta ako sa bayan para ipagbili ng gamot ang asawa ko. Hindi pwede walang gamot baka lumala ang sakit niya. Tapusin ko muna ang kain ko para makaalis na rin ako. #breakfast

@Emeline

Napadaan ako sa isang kalye para bumili ng gamot kanina ng asawa ko grabi Naman ulit ang init,tirik na naman ang araw. Masarap iligo ulit pinapawisan ako ng malagkit kahit nakaligo ako kanina bago umalis. Hindi pa ako kumain ng tanghalian dahil busog pa at late na kanina ang almusal ko . Crackers at tubig na malamig lang muna at kunting pahinga para maibsan ang init. Kakarating ko palang .. Meryenda tayo ...

@Emeline

Biglaan besita Dahil may besita ang anak ko ngayon nagluluto pa ako.kanina pa kami kumain ng hapunan 6:30pm dahil may gamot ang asawa ko need namin kumain ng maaga . Dumating ang besita ng anak ko classmate niya sa collage 7pm na,may mga kailangan kasi sila dapat ipasa sa school nila dahil finals na nila . Sa Antique pa isa galing at sa Ibajay ang isa medyo malayo din ang pinangalingan nila, kaya dito sila dumiretso bukas uuwi din sila. Buti kanina dumaan ako sa tindahan…

@Emeline

Hello noisemate !!!!! Isang tulog nalang lunes naman ulit. Ang bilis ng araw lumipas,kaya lubusin na ang araw niyo ngayon bukas balik trabaho na. Linggo maraming nagplano pumunta ng dagat pool o saan man pwede magkaroon ng outing ang pamilya . Kami sa bahay muna para bukas may lakas naman ulit sa paghataw ng trabaho. Ilang araw na rin busy ako , kaya babawi ako ngayon.plano ko mamayang hapon pagkatapos ng tanghalian matulog buong maghapon. Kulang tulog ko kagabi dahil may…

@Emeline

Steam squid Kakatapos lang ng tanhalian .ito ang ulam namin pusit na pinalamanan ko sa loob ng patatas , carrots,at kunting giniling na baboy.Tapos steam ko siya hanggang lumambot. Nagustuhan ko ang lasa niya Lalo na may kunting baboy ang sarap.napararami na naman ang kain ko lalo kompleto kami. Ginaya ko lang to sa kumari namin nagluto siya tapos binigyan kami nagustuhan ko ang lasa kaya sinubukan ko mag luto. May naglako kasi ng pusit sa amin kaya ang luto ni Kumari ang…

@Emeline

Masarap ang tulog ko ngayon hapon halos apat na oras..nakapahinga ako ng bongga bongga . Pero bukas balik naman sa trabaho maaga gumising at magluto para sa kanila. Dito ako ngayon sa likod ng bahay namin sa hardin ng kapitbahay namin tinawag niya Ako dahil may nilagang saging siya.taman tana naman kakagising ko kaya dito naman ang destinasyon ko habang nagkakape.Hindi ko alam kanina niya pa daw ako tinatanong kung gising na . Tama naman pagkagising ko handa narin ang…

@Emeline

Maligayang umaga 😊😊 Naglalakad habang bumili ng pandesal sa kabilang kanto. Maganda ang panahon palabas na si haring araw ,pero medyo makulimlim pa .malamig lamig ang umaga ngayon maganda walking exercise. Salamat sa panginoon nakabawi ako ng tulog at sapat na pahinga. Gumising ako ng maaga ,para makapag lakad lakad sandali para makaluto na din ng almusal. Lunes ngayon halos busy na naman ,araw ng pasok at trabaho. Patuloy ko muna to paglalakad ko malapit na ang bakery para…

@Emeline

Insaktong 10am na hindi ko alam almusal ba to o meryenda na. Kanina nagpandesal at kape ako. Ngayon pansit at kape parin.dalawang beses na ako uminom ng kape pero hindi puno ang tasa ko kalahati lang.sa totoo lang hindi ako masyado sa kape pero Iwan ko ngayon sunod sunod na pàg inom ko ng kape . Kanina pa tong almusal ang pansit niluto kaso hindi ako kumain nagpandesal at kape lang. Kakauwi ko lang galing sa school ng mga bata kaya ginutom kumain ako. Doon sa school tumawag…

@Emeline

Maliwalas ang panahon tamang tama sa lakad namin.pag uwi namin tama narin hindi na mainit. Nagmessage ang anak ko kung saan na kami kasi makulimlim na sa amin lugar at parang uulan.pero dito sa amin dinadaanan maliwalas pa. Plano sana namin dumaan sa isang resort pero hindi na payag ang asawa baka daw maabutan kami ng ulan dahil sa bayan namin makulimlim at may kulog na.panay chat ang anak kung saan na kami.Nagmamadali na rin ang asawa ko bumalik para makapahinga dahil bukas…

@Emeline

Kanina napadaan kami sa harap ng palengke sa kabilang bayan para mameryenda dahil alanganin na sa oras at medyo nagutom na rin. Habang naghihintay ako ng order kong shawarma at halohalo ,nag hanap ako ng nilangang mani paborito kasi ng bunso at ito ang lagi ang belin niyang pasalubong . Pagkatapos namin kumain ito ang ginagawang libangan habang nagkwentuhan kami ng asawa ko mga bata pumasok na sa kanilang kwrto at kami nalang sa sala Alam niyo ang amin pinag usapan yon…

@Emeline

Daily routine Maligayang araw .. Araw naman ng martes .. Nakahanda na ang lutuin ko sa almusal namin. Bago umpisahan hindi pwede hindi ko kayo sisilipin dito. Gulay at sinain na isda ang lulutuin ko. Ang papaya ko medyo luto na pero ok lang wala na kasi ako pagkuhanan, importante may sabaw ang mga bata mamaya. Maging positibo lang tayo ngayon umaga at maging masaya .magpasalamat sa panginoon kung ano mayroon tayo . Luto muna ako balikan ko kayo mamaya.. #lutong Bahay #lutong…

@Emeline

Saging bagong harvest Salamat sa panginoon na binigyan niya kami ng mabait na kapitbahay at mapagbigay.ito ang pinakamahalaga sa lahat na may kapitbahay na lagi kayo magkasundo at anong oras pwede mo rin tawagin kung ano man emergency mangyayari sa buhay natin. Tulad nito may bagong harvest na naman ang kapitbahay namin na saging ,kaya ito nakatikim din ako ng blessing galing sa kanila.May tanim sila sa kabilang barangay ng mga prutas isa na diyan ang saging.hilaw pa ito…

@Emeline

Malapit na 4pm na , malingsangan ang panahon para uulan na hindi naman.tulad kahapon makulimlim ,may dalang kudlat at kulig pero hindi naman natuloy ang ulan. Dahil mainit ang panahon at pinawisan ako uminom naman ako ulit ng softdrink . Purya mamaya baka tumaas naman ang uric acid ko... Meryenda tayo softdrink at tinapay binili ko kanina pagpunta ko ng tindahan.. Ang asawa ko kape parin kahit mainit ang panahon.pero ang mga bata milo na nilagyan nila ng ice kanyang kanya…

@Emeline

Mga bandang 6:30pm kanina galing kami ng terminal Ceres para kumuha ng pinadalang gamit ng pinsan ko para sa sasakyan namin. Habang papunta palang kami napatingin ako sa langit kung uulan ba o hindi kanina pa kasi makulimlim pero hanggang ngayon walang ulan nangyayari.ang ulap maitim pero may portion din maliwanag . kakarating palang namin kaya pahinga ako sandali tapos kakain na kami ng hapunan.pritong isda ang niluto ng anak ko siya ngayon tagaluto ng ulam basta prito at…

@Emeline

Nagdudulot ba ng swerte ang money plant? Lahat tayo pamilyar sa halaman na ito. Ito ay paniniwalaang ng mga tao nagdudulot ng swerte at umaakit ng kayamanan. Ito kaya tanim ko na money plant sa gitna ng mesa ko lagi sa harap ng balkonahe namin makapagbigay kaya to ng swerte sa akin? Tingnan niyo halos mamatay na siya lahat ng dahon niya wala ng buhay. Muntik ko lang kanina itapon sabi ko wala na ito . Dahil naalala ko ang sabi ng kaibigan ko nagbigay nito nagbigay daw to ng…

@Emeline

Good afternoon naka meryenda naba ang lahat?:: Ako titimpla palang ng kape kakagising ko lang . Nakatulog ako napagod ako kanina sa labahan ko. Ito pagkagising ko naabutan ko si mister nag aayos ng sasakyan niya at nalagyag niya rin ng bagong battery dahil matagal na ito nagluluko.. Try niya e charge pero ok pa naman pero kahapon ayaw niya na talaga ..hirap naman kung may travel kung hindi niya ayusin. Hayan may bagong battery na siya kahit saan kana pupunta hindi kana…

@Emeline

Pizza Nagising ako pagdating ng asawa ko galing sa opisina nila.nakatulog ako halos 3hrs.nagbigla ako dahil may tumunog ang cellphone ko ng tingnan ko naka video call siya dahil nasa labas pala siya ng gate. Bago ako kanina matulog sinugurado ko nakalock na ang gate.kaya hayan hindi nakapasok agad siya sa loob .Wala kasi siya susi nadala. Tama naman may pasalubong siya pizza sa amin,pero hindi ko na ginising ang mga bata . Natuwa naman ako , may midnight snack ako. Hindi na…

@Emeline

Vegetable salad .. Kakatapos lang namin kumain inubaran manok ang ulam namin ,yan ang tawag dito sa pero may gata ng niyog. Dito lang ako nakatikim ng inubaran na manok na may gata .doon sa amin probensiya pàg sinabi na inubaran manok walang gata .ubad ng saging at manok lang. Pero alam niyo ang sarap ng lasa sa una parang hindi ako kakain pero sabi ng asawa ko tikman ko lang muna sigurado magustuhan ko.at tama naman siya ang sarap. Mahilig kasi ang asawa kumain ng ulam…

@Emeline

May bilbilhin lang ako sa bayan kaya napadaan lang ako dito dahil tumawag ang asawa ko nasaan na ako. Kaya dito muna ako sa isang botika nakatambay . Habang nag hihintay sa kanya ang sikat ng araw dito sa akin tumatama.kaya hayan nakunan ko . Hindi maganda pagkakuha ko dahil masakit sa mata ko ang tama niya. Ang tanim nilang halaman napansin ko rin kahit medyo maliit ang space ng harap nila pero may mga halaman kahit papaano malamig parin sa mata at proteksiyon din sa init.…

@Emeline

Left over Magandang umaga ... biyernes na ngayon maraming natutuwa dahil buas magkapahinga na rin ang may mga trabaho . Kagabi ano oras ako nakauwi mga 9pm na siguro pagkatapos namin magbonding ng dalawa kong kaibigan.pagdating ko maraming pagkain sa taas ng misa namin binigay ng kapitbahay namin dahil mayroon birthday sa kanila. Hindi na sila nagyaya sa amin kasi pampamilya lang ,binigyan lang nila kami. Hindi ko na kinain kagabi dahil pagod ako uminom nalang ako ng mainit…

@Emeline

Paalis na sana ako ng bahay para pumunta sa school ng bunso ko kanina. Nanglumingon ako nakita ko may bitbit siyang karton sa likod ng bahay namin nasa kusina banda.akala ko tinatapon niya, ng tanongin ko ano ang ginagawa niya sa karton?Hindi nakasagit kundi humarap lang at ngitian niya lang ako.mga ganyang ngeti nagdududa ako sa kanya at tingnan ko karton may laman pusa. Nagulat siya pàg tingin ko sa karton akala niya pagalitan ko.nakita ko may gatas sa bowl ang pusa…

@Emeline

Black coffee This afternoon I had coffee with my friends in their house, binigyan niya ako pero hindi nilagyan ng coffeemate dahil alam niya hindi kami umiinom ng kape na may coffee mate .pero hindi niya alam ang asawa ko lang ang gusto ng black coffee. Napakabango at gusto ko rin ang lasa at sugar nalang dinagdag namin kunti sa akin kahit ano klase ok lang. Hindi ko naman pwede ayawan ito dahil masaya siya nag offer ng kape sa amin kaya sige nalang. Kahit hapon uminom…

@Emeline

Good morning!!! Goodnight sa kabilang mundo!! Maulan na umaga ngayon sa amin,at brown out dito.Nagising dahil nakaramdam ng sakit at kati ng lalamunan ko .parang ginigising niya ako talaga sa kati ,bahin ng bahin ako at feeling ko nag uumpisa na ang sipon ko. Baka trangkaso na ito pati ang balikat ko nangangalay na.wala naman ako ubo at lagnat ,masama lang pakiramdam ko. Bumangon ako at uminom ng mainit na tubig at bumalik agad sa higaan ko.pero hindi na ako nakatulog,Buti…

@Emeline

Egg with tomato Araw ng sabado , Araw ng labahin Araw ng pahinga Araw ng pamasyal . Ano man klaseng ginagawa natin ngayon importante maligayang araw. Para makainom ng gamot maaga parin ako nagising .nilagang itlog at hiniwang kamatis ang ulam ko panmadalian luto lang.masama ang pakiramdam ko kaya tinatamad ko gumalaw. Pagkatapos ko kumain maglalakad ako sa labas para mapawisan kahit makulimlim ang panahon. Mas magaan ang pakiramdam ko kung pinapawisan.medyo ok na ang kati ng…

@Emeline

Tanhalian na naman!! Sigurado ang iba tapos na kumain .. Ako nagluluto palang ,Ang bilis ng oras hindi ko namalayan pasado 12pm na .Buti nalang kumain ako ng biscuit kanina kaya tuloy tuloy ang general cleaning namin . Grabi ang anay o termite sa amin bahay ubos lahat ang takip ng apararador sa kusina namin kaya lahat inayos at nilinis namin. Kaya ngayon palang ako nakaluto ,Buti nalang lahat kumilos para mapadali ang trabaho. Para maging masaya rin ang tanhalian namin…

@Emeline

Back to zero.. Pagkatapos namin kanina maglinis ng bahay Kumain kami nagpahinga at nagtulog. Sa kalagitnaan ng tulog namin kanina mga bandang 3:30pm may tumawag sa asawa ko kung may alam na kung ano ang balita . Dahil hindi alam ng asawa ko kaya wala siyang isasagot.akala nila malapit ang asawa ko sa boss alam niya . Laking gulat ng asawa ko namatay pala yon asawa ng boss nila dahil kahapon tumawag pa yan sa mga kasama nila malakas pa mag halakhak . Cardiac arrest ang…

@Emeline

Throwback muna tayo... Nasa higaan kami biglang nagtanong ang bunso namin.Mama saan tayo sa birthday ko?Ako naman nabigla at sabay tanong !bakit birthday mo ba? Bunso:Hindi mo naalala 14days nalang.. Mama:Ganon ba?bakit anong gusto mo? Bunso:doon tayo sa Sea Garden tulad ni Toto Mie Hala may paganon pa siya....naniningil na siya.. Kaya todo paliwanag naman ako na hindi pwede sa ngayon dahil ang mahal ng Gasolina at malayo pa.isa pa hindi naman si mama ang gumasto noon si…

@Emeline

Tara mapainit init tayo ng tiyan natin. Milo at tinapay muna tayo mamaya nalang ako mag luto.habang umiinom ng mainit na milo dito muna ako sa balkonahe sabay painit din ky haring araw. Btw,naglagay ako na racumin na lason para sa dagat ka gabi bago magtulog,marami kasi daga sa amin sa ilalim na lababo..kung gabi akala mo may taong nagtrabaho sa loob ng bahay mainggay sila. Kahapon paglinis namin maraming basura ,paano nakapunta sabi ko sirado naman.maraming basura naimbak…

@Emeline

Sabi ng asawa ko punta kami ng palengke para magbili ng ulam namin.itlog kanina ang ulam nila sa almusal. Insaktong 10am kami umalis sa bahay haggang ngayon hindi pa kami umuwi. Naka trickle kami mag asawa dahil nga tirik ang init .pagdating sa tindahan may pumara agad arkila daw papunta sa kabilang bayan. Madaanan pa namin yon tulay na yon .. Dahil sayang naman ang 100 peso hinatid namin ang mag Ina..natuwa kami dalawa ibes na bumili ng ulan namasada nalang kami 😂😂😂😂 Sayang…

@Emeline

This sandals got my daughter feeling expensive.. Nangpunta kami kanina sa simbahan napadaan kami sa isang ukay ukay na shoes at sandals. Napahinto kami ,dahil maaga pa naman pumasok kami doon. Sa sandal agad ang puntariya ng anak kong babae Bigla siya tumawa ng malakas at sumigaw na Mama "I GOT IT". grabi ang saya niya... Yon pala may nakita siya na picture sa Instagram na kaparehong kapareho ng sandal na hinahangaan niyang Korean actress. First picture:paa ng anak ko kung…

@Emeline

Good morning Monday.. Kape tayo habang nagluluto ng almusal. Nakahanda na ang itlog.prito nalang ang kulang. Dahil maraming kanin natira kagabi isangag ko nalang at pritong itlog solve na almusal namin. Hinihintay ko nalang sila magising para tamang tama pagising nila tapos na ako at kakain na kami. Lunes na naman sigurado ang iba kanina pa umalis para makarating ng maaga sa trabaho nila. Halos lahat busy naman ulit. Pati ang kusina busy din , kailangan makakain bago…

@Emeline

Maliwalas ang panahon ... Maaga natapos ang trabaho kaya may panahon pa mag walking exercise. Kahit hapon na pero maganda parin ang kalangitan ang ulap ay puting puti. Mga lugar kung saan dinadaanan ko maglalakad papuntang airport. Hindi na masyadong mainit dahil marami pa naman punong kahoy sa tabi ng daan. Niyaya kami pumunta sa bahay ng officemate niya doon mag dinner dahil pista sa lugar nila. Pero ayaw ng asawa ko dahil daw baka mapasubo naman siya doon kung may inuman.…

@Emeline

Hello!!! Good morning 🌻🌻🌻 Kakagising palang dito agad kay #noisecash ang tambahayan ko ,habang umiinom ng mainit na tubig.huwag din natin kalimutan magpasalamat sa panginoon kung ano mayroon tayo ngayon. Plano ko pagkatapos umiinom ng mainit na tubig punta muna ako sa kabilang kanto para bumili ng ulam namin para sa almusal . Gusto ko mag luto ng gulay ngayon kung mayroon na tinda doon. Kuha ko pala itong bulaklak kahapon habang nag walking exercise ako.napaganda ng bulaklak…

@Emeline

Galing kami ng asawa ko sa isang grocery namili ng pangangailangan sa kusina alam niyo na yon kung ano ang mga sangkap pagdating diyan?huwag ko na isa isahin pa. Gusto ko uminom ng malamig na tubig dahil sa sobrang init.pero iba ang sinasabi ng utak ko . Batsoy ang gusto ko yon kainin..kaya pagdating sa loob batsoy agad ang order ko. Hahaha natawa ako kahit sobrang init ito parin ang gusto ko....Iwan ko ba kahit pinagtawanan ako ng asawa ko bakit daw ang tindi ng init batsoy…

@Emeline

Hello!!!good morning 🌄🌄🌄 Kamusta na kayo??? Ako duty ko na sa kusina nakahanda na kung ano ang lulutuin ko ngayon . Ginisang ampalaya na may itlog at iprito ko nalang ang isda.ito ang menu ko para sa amin almusal.bago ko umpisahan flex ko muna para diretso na ang trabaho ko.mahirap mag budget araw araw dahil kahit itlog nagmahal na din. Buti nalang may kapitbahay kami may alagaan itik o pato nangingitlog binibinta niya sa akin kaya nakamura ako. Pero ang gulay at isda ko…

@Emeline

Hello !!! Meryenda na po tayo .. Dito ako sa balkonahe namin habang tumatawag ky Nanay sa amin probensiya... Pinasahan niya ako ng picture ng palayan niya halos daw matataba sila dahil may sapat na tubig ulan.malapit na magkaroon ng bungga . Hindi niya napansin sa dulo ng palayan niya halos magkayakap na ang mga magagandang ulap na parang mga cotton candy sa palayan niya. Ang ganda ng panahon at maliwalas . Natutuwa naman ako sa balita niya maganda ang resulta ng palay niya…

@Emeline

Bonsai.. Ito ay ginawa ng isang anak ko na panganay noon bago siya lumipad papuntang manila para doon mag hanap ng trabaho.ngayon malaki at maganda na siya tingnan. Dahil espisyal siya sa akin dito ko lagi nilagay sa loob ng bahay ko. Pinapanatiling ko nalang ito sa pamamagitan ng paghuhugis at pàg gupit ng mga ugat. Mga ganitong tanim hindi likas na maliit na halamang bonsai.Ito ay maari mamuhay ng malaki o mamatay . Nangangailanga ang bonsai na sapat na panahon at alaga…

@Emeline

Hola!!!! Heavy feet after all those chores. lol. Kaya oras niya rin mapahinga 3pm na pero tirik parin ang araw.kaya dito muna ako sa malamig ko higaan na "BANIG"ito ang madalas namin ginagamit sa oras ng pahinga sa hapon. Mula maliit pa kami ito ginagamit namin hindi mainit kaya hanggang ngayon mayroon parin ako ng ganitong klaseng higaan. Masarap din sa pakiramdam pagkatapos ng lahat ..nakapahinga na at nakalapag ang likod ko sa higaan nakakarelax . Mamaya na ako…

@Emeline

Almusal.. Ito yon kanina niluto ko para sa almusal sinangag . Ginisa ko muna ang pusit , hotdog at iba pa mga sangkap niya..naging colorful siya.Ito kasi ang gusto ng mga bata maraming sahog lalo na kung maraming carrots at itlog. Tapos piniritong tuyo at may mainit na kape solve na ang almusal namin.may lakas na para umpisahan ang trabaho. Maganda ang sikat ng araw ngayon pero kaninang madaling araw umulan. Bumawi ang si haring araw.. Kaya maglaba ako ngayon, baka bukas o…

@Emeline

Sa balkonahe naman ang tambahayan ko ngayon medyo masarap ang simoy ng hangin dito sa harap namin dahil makulimlim ang panahon. Masarap din ang usapan namin habang kumakain ng nilagang mani,kakatapos na rin namin kumain. Kaya dito muna kami magpalipas ng oras. Gusto sana ng asawa ko mag one bottle ng redrose habang nag kwentuhan siya sa akin, kaso hindi pwede dahil sa mga gamot niyang iniinom. Imbes na red horse nag tea nalang muna siya pati na rin ako.Habang tumatanda…

@Emeline

Full bloom Good morning 🌄🌄 Sana ang umaga natin puno ng pagpapala ngayon..tulad ng isang bulaklak na namukadkad. Pinasa lang to ng kaibigan ko na alam niya may plano ako umuwi sa probensiya. Gusto niya dumaan kami sa bagong bahay niya binili ... ,niyaya niya kami doon matulog parang excited siya ipakita sa akin at marami na siya bulaklak doon at bibigyan niya daw ako. Natutuwa at excited na rin ako makita ang bagong bahay niya na malapit lang city. Insaktong 6am brown out na…

@Emeline

Fried squid Nakahanda na tanhalian namin pero hindi parin nakarating ang ama na namin ..pero tamang tama maluto na to lahat bago dumating siya . Tumawag naman siya sa akin kung nakakain na kami? kung hindi pa hihintayin daw namin siya para sabay sabay nalang kami kumain. Hindi naman kami nagmamadali kumain dahil nakameryenda naman ang mga bata kanina at malapit naman siya paparating na. Bago ko iprito itong pusit nilaga ko muna siya, nilagyan ko ng p giniling na baboy at…

@Emeline

Kakatapos ko lang ng pagdisinfect ng helmet. Matagal na hindi ko na nalinis ang mga ito. iba na ang amoy niya,buti nalang nakita ko tong disinfecting foam sa aparador namin kaya naalala ko linisin ang helmet. Mabango na sila ,ready na ulit gamitin to bukas ..fresh na fresh. Meryenda na tayo malamig na tubig at tinapay lang ayos na.malapit na mag alas singko magkaroon na kami ng power ng kuryente . Pa low battery na rin ako pero kaya pa naman hanggang 5pm. Hapon na tirik pa…

@Emeline

Sobrang 5pm pumunta ako ng City Mall para bumili ng konsumo ko na tissue paper.hindi pwede mawala ako ng ganito..parang kakambal ko na to sa buhay. Kahit saan pwede mong gamitin to kahit saan dalang dala ko to.kyng minsan ginagawa ko pa tong listahan para pagkatapos itapon ko nalang. Masarap ang tulog ko pero dahil sa panaginip kong masama nagising ako.bumangon ako at uminom ng tubig. Hindi na ako nakaramdam ng antok. Natakot ako bumalik sa higaan at matulog ulit…

@Emeline

Hello!!good morning !! Happy father's day sa lahat na tatay .kahit hindi tatay pero naging tatay sa mga ibang bata. Kakauwi lang namin galing simbahan at namalengke ito ready na ang lutuin ko. Hindi na kami lumabas dito lang kami sa bahay ,dahil ang papa namin laging may lakad . Baboy na may gulay ,sayote at malunggay .. Malunggay libre lang sa bakuran namin pero ang kilo ng baboy ganon parin mahal ang per kilo. Dahil linggo ngayon baboy muna ang mga bata pero may gulay…

@Emeline

I miss you badly,TATAY. Pinakamagandang regalo namin sayo Tatay ang dalawin ka sa pungtod mo at ipanalangin ka masaya sa piling ng panginoon. Happy father's day tay ,in heaven. Hindi ka namin malilimutan kahit wala kana sa amin.lahat ng okasyon nandiyan ka parin. Maging masaya ang resulta ng lahat bago namin umpisan kung nakadalaw na kami Sayo. Sigurado ang ibang pamilya nasa dagat o pool sarap maligo dahil malingsangan ang panahon ngayon.ibang tatay mamaya sigurado may…

@Emeline

Salamat palangga ko!!! Nakahabol parin ,dahil father's day nagyaya kung gusto ko kumain ng batsoy o pansit molo alam niya yan ang paborito ko...nagpaalam sa mga bata kami lang muna dalawa sa susunod nalang na linggo nalang sila para kompleto,dahil ang isa may tinatapos pa na need bukas ipasa. Dapat ako magyaya sa kanya,pero siya pa ang nagtreat sa akin. Mula pa kahapon busy sila dahil bukas may besita sila galing sa Regional office kaya halos wala siya sa bahay. Pero ngayon…

@Emeline

Pinya kayo diyan.. Araw ng lunes ,busy day ko .halos buong umaga ako sa bayan umalis ako kanina 9am pagdating sa bahay 1pm na. Late na ang tanghalian ko may inaasikaso lang kami mag asawa na importante. Kakatapos lang namin kumain,naglako ng pinya ang kapitbahay namin ,bumili ako isa,matamis naman siya ito narin ang ginawa kong panghimagas habang nagpahinga. Pero hindi ko mapigilan ang pagpikit ng mata ko .dahil kang gabi hindi ako nakatulog ng mabuti dahil may besita ang…

@Emeline

Hello🤗🤗🤗 Martes na naman ang belis ng araw.. Malamig na umaga ,umulan kaninang madaling araw.anong oras na pero hindi parin lumabas si haring araw Kuha ko to ng kahapon ng hapon habang naglalakad patungong dagat.isag palayan na puno ng tubig .kitang kita paglubog ng araw at madilim ang mga ulap.kaya walang rason hindi uulan kanina.. Masarap matulog kung ganito ang panahon ,ayaw ko sana bumangon pero hindi pwede may pasok ang asawa at may lalakarin nman ako ngayon importante…

@Emeline

Kaya ko kaya???? Kapitbahay ,kaibigan,kalaro ,kaklase mula elementary ,high school hanggang ngayon may pamilya na kami naging adviser ko rin siya pagdating sa problemang pampamilya. Niyaya niya ako kung gusto ko sumama sa kanya mag practice ng firing,pero hindi ako pwede ubos na ang oras ko sa mga anak at asawa ko. Pinadalhan niya ako ng picture niya doon na siya sa site nag uumpisa na sila.. Naku sa unang hawak niya ok palang sa pakiramdam niya.pero sa unang putok naku…

@Emeline

Black rice with fried egg. Good morning 🌄🌄🌄 Tara kain tayo maaga ako nagising dahil may meeting ang parents sa school tungkol sa face to face ng bunso ko. Need ko lang tapusin ang mga gawain bahay ko bago lumarga.kulang ang tulog ko gabi anong oras na umuwi kami galing sa event sa bayan ng kalibo. Piniritong itlog ang ulam namin para madali lang lutuin mamaya nalang ako magluto ng tinola para sa tanhalian namin. Black rice ang gamit kung bigas dahil marami nagsabi maganda…

@Emeline

Good afternoon everyone ka noisemate... Nakameryenda na ba kayo? Nilagang saging natira ko pa kaninang umaga at mainit na tubig nalang ang partner. Dahil tamad ako umiinom ng kape gusto kopa matulog pagkatapos ko kumain ng saging. Kakauwi ko lang galing ng ospital may importante lakad ako para bukas sa 2Decho nang asawa ko na dapat sa katapusan pato kaso kung pwede namin gawin ito ngayon gawin nalang para mabigyan na ng kasagutan at my peace of mind na kami kung negative ang…

@Emeline

Kalye kulinarya Isang event na nagaganap dito sa amin sa Aklan para sa kapistahan ni San Juan .dalawang gabi na mayroon kantahan o Banda, halos nang tao nag inuman pero hind magulo dahil maraming pulis nakabantay. Ang mga binatilyo at mga dalaga nagsayawan nag enjoy ng bonggang bongga.makikita ko ang mga tao nag enjoy sa ganitong okasyon lalo na kung makarinig nila paboritong awit kahit sa upuan napasayaw. Mga dalawang oras lang kami doon para pangtanggal stress lang hindi…

@Emeline

Echocardiography room Kakapasok palang ng asawa sa echocardiography room para sa 2Decho niya.kinabahan siya tinawag na ang pangalan niya.gusto ko sana samahan at gusto rin niya sasama ako doon sa loob pero higpit nila pinagbawal kung sino ang pasente yon lang makapasok doon. Dito nalang ako sa labas maghintay hanggang matapos..sana maging negative ang resulta lahat.mga dalawang araw o tatlo pa makuha ang result niya. Sana lord tulongan mo maging matapang sa mga sakit na…

@Emeline

Dito naman kami ulit sa kalye kulinarya last night na ng event .medyo stress kami kanina habang naghihintay ng resulta ng laboratory ng asawa ko.buti nalang iba normal lang ang sugar lang talaga ang mataas. Kaya siguro sobrang sweet siya sa akin ..charrr... Para makarelax naman dito muna kami sa isang event.grabi ang mga tao ang dami dahil last night na ngayon. Kaya ang mga pulis mahigpit din sa pàg bantay. Maganda ang panahon hindi mainit ,Mula kanina medyo makulimlim ang…

@Emeline

Kapistahan ni San Juan!! Tahimik ang paligid namin halos ng kapitbahay ko umalis papuntang dagat para maligo. Maraming tao ngayon sa dagat malapit lang sa amin para mag celebrate ng kapistahan ni San Juan. Kami sa bahay lang ngayon para makabawi ng tulog dahil kagabi doon rin kami galing sa isang food festival o kalye kulinarya kung tawagin nila. Pahinga muna ngayon ,dito nalang sa amin maligo. Kain muna tayo almusal ko palang ito,isang nilagang itlog,kangkong at tuyo solve…

@Emeline

ZUMBASAAN... Zumbasaan dito sa amin plaza kanina sa Kalibo Pastrana Park tungod sa kapistahan ni Sr.San .Juan de Bautista. Nakita ko lang to sa social media ko ngayon paggising ko ganito pala nangyayari kaninang umaga sa plaza namin.tulad din kagabi may ganito din pangyayari may basaan din. Pero sa bahay lang kami ngayon,share ko lang ang ganapan dito sa amin kanina. Happy fiesta San Juan Bautista. Enjoy lang kayo diyan sa pàg celebrate ako nasa higaan pa rin ...bawi muna…

@Emeline

Tara na rakrakan na.. Isang rakrakan naganap naman ulit ngayon gabi dito sa amin lugar sa jettyport malapit sa amin bahay 5mins lang kung nakamotor ka. Grabi daming tao ,Bata man o matanda game sa rakrakan lalo na nag perform ang Siakol. Mga binata at dalaga nagkasiyahan ,sumasayaw at tumatalong talong sa mga awit ng nila. Lakas ang hatak ng siakol sa batang millinials ngayon. Ang mas magànda kahit ang daming tao ,maraming nag inuman at may mga lasing na rin pero walang…

@Emeline

Good morning 🌄🌄 Kamusta ang sabado natin kaingay. Kape tayo ,late na nagising nilagang saging at mainit na kape muna tayo bago magluto ng almusal . Dahil kulang parin ang tulog ko medyo nahihilo ako pati ang mata ko masakit din.hindi maganda ang gising dahil kulang ang tulog ko.pahinga ko lang to mamaya kung makaluto na ako ng almusal namin . Tara na kape tayo..

@Emeline

Happy birthday bunso!!! Ten years nakalipas pinanganak ko siya halos nawalan ako ng malay sa kanya sa 4days na pagpapasakit bago lumabas. Ngayon binatilyo na siya, na miss ko tuloy noon karga karga ko pa siya.pero ngayon hanggang hug at kiss na lang ako sa kanya. Walang handa pero nakasimba kami lahat ,yan ang importante sa lahat.mabait na bata kaya ok lang sa kanya kung walang party naganap..Basta may regalo na laruan ..laki na niya pero nagpabili parin sa amin ng papa niya…

@Emeline

Gulay sa umaga Good morning 🌄🌄 Kanina grabi ang ulan pero ngayon palabas ni haring araw. Maganda ang umaga ko malamig lamig ang panahon . Oras naman magluto ng almusal.. Sinigang na isda ang lulutuin ko para sa Amon almusal. Nakaready na ang sangkap ,hintayin ko lang maluto ang sinain kong kanin. Kayo kamusta na nakaluto na ba? Luto muna ako ,see you later..

@Emeline

Hello noisemate .. Tanhalian na ang belis ng oras.. Kakauwi ko lang galing sa isang mall.. Pagdating ko marami akong message sa inbox. Hindi ako yan asawa ng kapatid ko to kung saan nakatira sila Vancouver,Canada. Masaya pinakita nila ang picture ng pamankin ko saan ang unang labas niya sa bahay o unang pamasyal ni Toto Ethan sa may The Butchant Garden. Limang buwan palang siya ,Masaya si mama niya nagkwentuhan sa akin na parang may isip na si baby Ethan lalo na makikita…

@Emeline

Soundtrip muna tayo.. Dahil maulan ang hapon ko dito muna ako sa balkonahe ko para magkinig ng musika. Gawin natin masaya araw ng tag ulan . Sabayan ng mainit na kape para makaramdam ng init at ako'y papawisan. Pagkatapos nito 10mins cardio exercise naman ako lalo papawisan ako nito. Kailangan maging healthy ang lifestyle ko para iwas sakit at maintenance na mga gamot tulad ng asawa ko,ginagawa ko to sarili ko lalo na sa asawa ko para maalagaan ko siya ng maayos. Plano ko…

@Emeline

Good morning noisemates!!! Pagkatapos ng masarap kong tulog kagabi,ngayon busy naman ulit lalo na sa araw ng lunes.. Pero bago yan maaga ako nagising para asikasuhin ang garden ko ..ito bulaklak nagbigay ulit ng maganda umaga sa akin at kulay sa akin buhay ..charot.. pero tama naman. Before 8am alis ako para maattend ng awarding ng anak ko sa school.pero hindi ko alam ko ano ang award niya hindi sinabi ng teacher niya sa amin . kahit walang award sa akin basta nakapasa sapat…

@Emeline

Academic Excellence Awarding Day Congratulations Unica ija ko!! Nagsurprise ulit kami sa award ng unica ija namin..Lalo na ang papa niya na proud sa kanya kahit walang award proud parin dahil papa's girl . Kahit may opisina hindi pwede mawala siya doon. Pagdating sa ganitong okasyon napaka supportive namin mag asawa. Masaya kami para sa kanila halos lahat sila magkapatid pàg oras ng awarding may award talaga sila. Ang puyat at hirap nila may kabayaran din. Masaya rin sila…

@Emeline

Good evening noisemate!! Malakas kanina ang ulan Pero kailangan mapakain si ako umalis parin kami.dahil malamig ang panahon na post phone si ice cream. Napunta sa fried chicken ang usapan..kaya sa Chowking ang destinasyon namin kanina. Kaya ngayon feeling ko matutulog ako ng maaga... Good night .....

@Emeline

Magandang umaga Pilipinas!!!! Habang ako'y naglalakad napansin ko to ang isang magsasaka umagang umaga pa nasa palayan na siya para ayusin ang pananim niyang palay. Siya ay bayani ng bukid tulad ng magulang ko isa rin magsasaka. Hindi takot sa lamig at matapang sa init, Buong maghapon gumagawang pilit. Upang maihanda ang lupang mayaman. Ito ang tanging pàg asa ng taong masipag. Sana mabigyan sila ng sapat na pundo ng atin goberno lalo na ngayon sa mga bagong halal sa atin…

@Emeline

Wala na talaga mura sa tindahan kahit ang kilo ng manok nagmahal narain. Isang buong manok malapit na 400 pesos dahil tag 200per kilo. Para presyo ng baboy noon. Dalawang buwan palang nakalipas 170 per kilo ngayon 200 na.kung sa bagay ang presyo ng gasolina mataas din. Para tipid kalahati nalang tapos sabawan ng marami para makahigop ng sabaw. Dagdagan nalang ng gulay para mukhang marami. Lutuin ko muna to binili ko manok bawi nalang sa lasa at sahog. Parang babagsak naman…

@Emeline

Oras naman sa pagluto ng hapunan . Pritong tuyo at tira namin kaninang ulam na gulay yan nalang ulit ,initin ko nalang. Ang bilis ng oras. Pagkatapos ng hapunan makapaghinga naman tayo at makapanood ng television . Buti nalang wala ng ulan ngayon .. Kanina malakas ang ulan doon ako sa palengke hanggang pàg uwi ko. Hayan kahit sa tricycle ako nabasa parin ang damit ko dahil walang takip ang gilid kaya mayroon parin talsik ng ulan. Inggat po tayo medyo maulan na ngayon...

@Emeline

Good morning 🌄🌄 Wednesday naman ulit ... Pagkatapos ng walking exercise ,kain naman tayo. Para healthy gulay lagi.. Alagaan ang katawan para malayo sa sakit. Tara kain tayo, tapos magkinig ng music para makapagrelax ang katawan sa maraming trabaho..para may lakas ulit mamaya sa maraming labahin. Inggat po Tayo....

@Emeline

Meryenda po tayo... Masarap ang tulog ko pagkatapos ko ng tanhalian ..nakacharge naman ako ulit ... Hindi na masyadong busy bakasyon na ng mga bata. Malapit na takip silim ang ulam na naman ang problemahin pero hayaan ko muna yan.meryenda muna ako bago asikasuhin ang kusina. Kayo naka meryenda na ba? Tara na sabayan niyo ako para lalong masarap at masaya .feeling ko kasi tahimik ang hapon..ano na ba nagyayari?sana bumuhos na ang ulan..

@Emeline

June 30.. Katapusan ng araw ng buwan.. Maganda ang panahon.. Sarap mag lakad lakad sa tabi ng dagat at maglanghap ng sariwang hangin. Dahil tirik na ang araw pauwi na rin kami baka mamaya hindi na maganda to sa katawan masakit na sa balat ang init. Nakaramdam narin ako ng gutom ..gusto ko na magkape at kumain . Inggat po tayo umiinom na maraming tubig dahil dahil na naman ang panahon ngayon..

@Emeline

Palabok with hot coffee.. Masarap ang mainit na kape sa palabok sa maulan na hapon. Malakas ang ulan dito , pero maliwanag ang mga ulap parang nagbabadya ang panahon. Meryenda nalang tayo habang hindi pa pwede lumabas ng bahay para makapagtrabaho. Plano ko sana maglaba pero tinatamad ako sa ganitong sitwasyon kaya ipagliban ko muna bukas nalang. Hirap mag kilos kung umuulan.kaya nasa isip ko pagkain at o kaya matulog nalang. Pero nanaig ang pagkain..Tara meryenda tayo.

@Emeline

Good morning ... Kamusta ang umaga niyo? Ako medyo masama ang pakiramdam ko ,parang lutang ako na masarap naman ang tulog ko. Kagabi tamang 12:00am binuksan ko ang ilaw para magpakulo ng luya . Sumakit ang tiyan ko hindi ko alam kung anong insaktong dahilan. Hindi naman ako naghapon uminom lang ako ng mainit na kape at kumain nang palabok noon hapon nayon panmeryenda ko. Tinitingnan ko ang amin ilaw kumukurap kurap na siguro malapit na to bumigay.kung sa bagay ilang taon na…