Kaya ko kaya???? Kapitbahay ,kaibigan,kalaro ,kaklase mula elementary ,high school hanggang ngayon may pamilya na kami naging adviser ko rin siya pagdating sa problemang pampamilya. Niyaya niya ako kung gusto ko sumama sa kanya mag practice ng firing,pero hindi ako pwede ubos na ang oras ko sa mga anak at asawa ko. Pinadalhan niya ako ng picture niya doon na siya sa site nag uumpisa na sila.. Naku sa unang hawak niya ok palang sa pakiramdam niya.pero sa unang putok naku nanginginig na ang kamay niya at doon na kinabahan. Pero determinado parin siya hanggang excited na siya tumira..not bad naman ang resulta dahil kahit papaano tumama nman sa gitna. Natuwa at natakot ako para sa kanya .pero napakagaling niya at kinalaban niya talaga ang takot niya. Ganon din noon ang kapatid ko nakita ko mag firing natakot ako pero sabi niya masarap daw sa pakiramdam kung maovercome mo lahat na takot na yan kung subukan ko lang. Gusto ko pero iwan ko, wala akong oras o ayaw ko lang talaga matuto. Sana isang araw handa na ang sarili ko matuto humawak ng baril tulad ng kaibigan ko. Magandang hapon...meryenda Tayo...
No comments yet