read.cash Log in
@Emeline more from that month

Throwback muna tayo... Nasa higaan kami biglang nagtanong ang bunso namin.Mama saan tayo sa birthday ko?Ako naman nabigla at sabay tanong !bakit birthday mo ba? Bunso:Hindi mo naalala 14days nalang.. Mama:Ganon ba?bakit anong gusto mo? Bunso:doon tayo sa Sea Garden tulad ni Toto Mie Hala may paganon pa siya....naniningil na siya.. Kaya todo paliwanag naman ako na hindi pwede sa ngayon dahil ang mahal ng Gasolina at malayo pa.isa pa hindi naman si mama ang gumasto noon si kuya mie kaya libre tayo noon.hehehe Kuya versus bunso na ang labanan .na miss na daw mag night swimming ..Ang layo pa ng birthday niya pero marami na siyang plano. Paborito niya maligo sa pool o dagat kahit walang handa. Naalala niya ang birthday ni kuya mie niya noon sa Sea garden sa Iloilo nag night swimming Sila kaya gusto niya maulit uli sa birthday niya sa June 25. Sana matupad ,pero sa akin parang duda na dahil nakaschedule ang ama namin ng 2D echo sa 28. Hindi naman pwede pababayaan ang health ng papa nila..kaya panalangin ko kahit hindi matupad sa gusto niya pero matupad parin maligo siya sa pool kaya lang dito sa amin. Naawa at natutuwa ako sa kanya dahil mabait na bata ok lang naman sa kanya kung hindi pwede doon sa Iloilo. Picture namin yan doon sa sea garden noon birthday ng panganay ko 2021.gusto gayahin ni bunso na hindi pwede..

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.