Pinya kayo diyan.. Araw ng lunes ,busy day ko .halos buong umaga ako sa bayan umalis ako kanina 9am pagdating sa bahay 1pm na. Late na ang tanghalian ko may inaasikaso lang kami mag asawa na importante. Kakatapos lang namin kumain,naglako ng pinya ang kapitbahay namin ,bumili ako isa,matamis naman siya ito narin ang ginawa kong panghimagas habang nagpahinga. Pero hindi ko mapigilan ang pagpikit ng mata ko .dahil kang gabi hindi ako nakatulog ng mabuti dahil may besita ang anak kong lalalaki nag inuman sila at ano oras narin natapos. Tulog muna ako saglit lang para makabawi na rin.
2 comments
Sarap naman po ng nabili nyo na pang himagas sis pinya. Magandang hapon po.
Gusto ko rin ang pinya Ka-noise! Mukhang matamis iyan.