Steam squid Kakatapos lang ng tanhalian .ito ang ulam namin pusit na pinalamanan ko sa loob ng patatas , carrots,at kunting giniling na baboy.Tapos steam ko siya hanggang lumambot. Nagustuhan ko ang lasa niya Lalo na may kunting baboy ang sarap.napararami na naman ang kain ko lalo kompleto kami. Ginaya ko lang to sa kumari namin nagluto siya tapos binigyan kami nagustuhan ko ang lasa kaya sinubukan ko mag luto. May naglako kasi ng pusit sa amin kaya ang luto ni Kumari ang naisipan ko agad kaya ginaya ko rin tamang tama mga malalaki rin klaseng pusit. Happy tummy naman ang lahat walang isang nagrereklamo sa luto ko ang ibig sabihin nasarapan o nagustuhan nila ang luto ko.. Sarap sa pakiramdam ang niluto ng isang Ina para sa pamilya ay simot lahat.naghirit pa ang bunso ko magluto ulit ako ng steam squid. Tapos ko kumain nakaramdam ako ng antok. pero mamaya nalang ako matulog tama lang matunawan. Niyaya sana ako ng inaanak ko 2pm punta ako sa isang resort para maligo ang mga bata kaso gusto niya mapahinga o matulog buong hapon bukas may opisina naman,ngayon lang naman ang pahinga namin ilang araw busy. Pero ang anak kong babae sasama siya naghihintay lang na daanan nila dito sa bahay. Kayo na kakain naba?kain na sa hindi pa nakatanhalian. 📸Emeline
No comments yet