Kapistahan ni San Juan!! Tahimik ang paligid namin halos ng kapitbahay ko umalis papuntang dagat para maligo. Maraming tao ngayon sa dagat malapit lang sa amin para mag celebrate ng kapistahan ni San Juan. Kami sa bahay lang ngayon para makabawi ng tulog dahil kagabi doon rin kami galing sa isang food festival o kalye kulinarya kung tawagin nila. Pahinga muna ngayon ,dito nalang sa amin maligo. Kain muna tayo almusal ko palang ito,isang nilagang itlog,kangkong at tuyo solve na ako. Pagkatapos nito plano ko bumalik ulit matulog Hindi mapigilan ang pagpikit ng mata ko. Kailangan ko lang kumain dahil ang tiyan ko nag alburuto na. Sa nagligo sa dagat enjoy nalang at sulitin ang araw ngayon bukas sabado naman walang pasok at opisina. #brunch
1 comment
Ay san juan pala ngayon ka noise noh kung dika nagpost nakalimutan kona naku nakakiss lang kapag san juan naliligo talaga kami nuon ngayon naku puro bahay nalang talaga hehe ahm i like your breakfast ka noise healthy pa din