Maliwalas ang panahon ... Maaga natapos ang trabaho kaya may panahon pa mag walking exercise. Kahit hapon na pero maganda parin ang kalangitan ang ulap ay puting puti. Mga lugar kung saan dinadaanan ko maglalakad papuntang airport. Hindi na masyadong mainit dahil marami pa naman punong kahoy sa tabi ng daan. Niyaya kami pumunta sa bahay ng officemate niya doon mag dinner dahil pista sa lugar nila. Pero ayaw ng asawa ko dahil daw baka mapasubo naman siya doon kung may inuman. Mayroon kasi siya gamot na iniinom sa sakit niya. Kaya pàg galing ng opisina diretso Siya sa bahay at ako naman naglalakad para maka ehersiyo naman. Tamang tama lang pàg uwi ko 6pm na at makapaghanda naman ng pagkain para sa hapunan. Enjoy ko muna to paglalakad ko hanggang mapawisan... Maligayang hapon sa lahat.
1 comment
Ang ganda ng lugar nyo sis parang ang payapa ang ganda sa mata kulay green nakikita mo :) Kaya maganda maglakad lakad diyan sis presko :)