Tanhalian na naman!! Sigurado ang iba tapos na kumain .. Ako nagluluto palang ,Ang bilis ng oras hindi ko namalayan pasado 12pm na .Buti nalang kumain ako ng biscuit kanina kaya tuloy tuloy ang general cleaning namin . Grabi ang anay o termite sa amin bahay ubos lahat ang takip ng apararador sa kusina namin kaya lahat inayos at nilinis namin. Kaya ngayon palang ako nakaluto ,Buti nalang lahat kumilos para mapadali ang trabaho. Para maging masaya rin ang tanhalian namin nagluto ako ng buong manok sa turbo. Pagkakita nila manok ang uulamin namin sa tanhali nagmamadali na sila kumain. Ilang araw na gulay at isda lang kami tama naman ngayon kompleto kami at pagod din sila sa paglinis kaya may award din sila...alam naman nila kung masipag sila sa bahay yon laging award ko sa kanila ang masarap na pagkain hindi pera.minsan lang ang gamit kung kailangan lang talaga. Masayang masaya sila naghihintay ng luto ko ..sana mamaya lalong masaya sila sa hapag kainian. Natuwa nalang ako sa kanila kahit pagod basta masaya ang mga bata sa ulam nila parang baliwala ang pagod ko. Salamat sa panginoona binigyan mo Ako ng mga anak na matulungin at mabait.
No comments yet