Sabi ng asawa ko punta kami ng palengke para magbili ng ulam namin.itlog kanina ang ulam nila sa almusal. Insaktong 10am kami umalis sa bahay haggang ngayon hindi pa kami umuwi. Naka trickle kami mag asawa dahil nga tirik ang init .pagdating sa tindahan may pumara agad arkila daw papunta sa kabilang bayan. Madaanan pa namin yon tulay na yon .. Dahil sayang naman ang 100 peso hinatid namin ang mag Ina..natuwa kami dalawa ibes na bumili ng ulan namasada nalang kami 😂😂😂😂 Sayang naman kasi kahit pan gasolina nalang namin yon kundi nakalibre pa.total bagong kain pa naman kami. Hanggang nakaabot na kami isang oras kaya nag paiwan nalang ako sa palengke para makabili ng ulam hanggang sa daanan niya ulit ako dito sa lugar kung saan ako naghihintay sa kanya. Naisip ko naman ginanahan siguro siya.kaya hindi pa siya nakabalik dito.kunting tiis lang makauwi rin kami. Mahirap talaga maghanap ng pera . Cge mga kaingay habang naghintay bili muna ako ng ice cream parang mainit na pakiramdam ko ang tirik ng araw at masarap na ikain ng ice cream.. #biahe
No comments yet