Join 76,114 users and earn money for participation

Fake Rich to Make Rich Friends (Part 2)

5 20 exc boost
Avatar for CrazyRichFilipina
Written by   104
3 months ago
Topics: Story, Life, Fiction

I'm Gin. This is my story of when I was a crazy rich filipina before.

Before you proceed, make sure to read the part 1 first: Fake Rich to Make Rich Friends

Narrated in English and Tagalog language.


Kinaumagahan, nagising ako sa kalabog sa loob ng aming bahay at sa mga sigaw ni Papa. Hindi ko na lang iyon pinansin masyado at dali-dali ako sa pag-aayos para sa lalakarin ngayong araw.

Pilit ko mang iwasan ang pagka-badtrip ni Papa, hindi ko parin maisantabi ang lakas ng pintig ng dibdib ko. Kabadong-kabado ako habang nag-aayos at bumaba sa aming bahay.

"Tangina! Tangina talaga! Pambayad na yun sa utang natin kay Sir Samaniego! Lintik na magnanakaw yan!" patuloy pa rin ang mura at sigaw ni Papa.

Lumapit naman ako kay Mama para mag-paalam. "Ma, may meeting po kami sa school ngayon para sa retreat next week," sabi ko sa maliit na boses.

"Oh sige 'nak. May baon ka na ba?"

"A-ah. H-hindi na p-po. Ayos lang. Alis na po ako," taranta kong pagpapaalam sa kanila at nagmadaling umalis ng bahay.

My hands keeps on shaking, sign of nervousness because of what I did last night. Napaka-sama kong anak. "Ma, Pa, sorry po. Ngayon ko na lang po ito gagawin. Hindi na mauulit," alo ko sa aking sarili.

Pupuntahan ko ngayon ang bahay na rerentahan ko para sa mga kaibigan.

When I arrived there, someone accompanied me to tour around the mansion first.

Sa labas pa lang, alam mo ng mamahalin ang mansyon. The gate is painted in gold, and the walls are very high. Katulad nga iyon ng pictures na nasa website. It has also similarities to other mansions that I just see on the internet that are mostly owned by filthy rich businessmen, government officials, and such. Hindi ko aakalaing makakaapak din ako sa ganoon.

Bubungad ang fountain at ang napaka-lawak na hardin.

Mas lalong nalaglag ang aking panga ng idinala ako sa loob at ipinakita kung ano ang naroon.

Once I opened the huge main entrance two-way door, grand staircase leading to the second floor, chandelier, and high ceilings welcomed me. It has the details of ionic and corinthian columns, and arches throughout the entry. The accents are mainly white and gold. Every furniture are indeed classy, elegant, timeless and obviously very expensive.

The first floor includes: the office that has a dark woodwork accent, the entertainment room that has a billboard pool and also a bar, the formal living room that has couches and a grand piano, the kitchen, the family room, dining room, and two powder rooms. It also has a basement that has a movie theater, a sauna, a spa, indoor pool, and a spacious garage. While the second floor is where the bedrooms and master bedroom are. Everything is spacious.

Pagka-uwi ko sa bahay, ramdam ko parin ang tensyon at galit ni Papa dahil sa pagka-wala ng pera nya. Ni hindi nila ako inintriga kung may kinalaman ba ako sa roon. Kahit noon pa, hindi nila ako tinatanong tungkol sa ganoon. Pero nagkaroon ng isang beses na narinig ko silang nag-uusap sa kwarto nila.

"Baka naman yung mismong anak natin ang manghuhuthot,"si Papa.

"Wag ka ngang mag-salita ng ganyan! Hinding hindi yan magagawa ni Gin. Nagsisipag nga iyong mag-aral para mapanatili ang scholarship nya," dahilan naman ni Mama sa mahinang boses, takot sigurong marinig ko ang pinag-uusapan nila. "Ayoko na 'yang ulit marinig galing sa mismong bibig mo."

These days, I feel like time passed by so fast. Bukas ko na ipapa-tuloy ang mga kaibigan ko sa mansyon. Simot na simot na ang pera ko dahil doon. Hindi na talaga ‘to mauulit pa.

Hindi ako maka-tulog buong gabi. Nakapag-paalam na ako kanina kina Mama't Papa na magkakaroon kami ng retreat sa school at overnight iyon. Nabanggit din nila na mayroon din silang pupuntahan. May papasukin silang trabaho ng ilang araw lang din at maganda raw ang kita. Magagamit raw iyon na pambayad ng utang kay Sir Samaniego.

The next day in the afternoon, me and my friends arrived at the mansion that I've rented and which they think is my house. Everyone of us wears fancy outfits. Luke, Vince, and Gino look dashing in their suits. Amer is also wearing a suit but with some feminine details. Bianca looks gorgeous in her emerald green sweetheart neckline dress. Meanwhile, I wear my halter neck dress.

We all proceed to the living room first to have some tea.

"Gosh! You really live in a palace-like mansion, Gin! I love the details." Bianca praised.

"Almost all of our houses are designed in modern architecture. Yours look timeless, Gin," said Gino.

Nagtingin-tingin pa sila sa loob ng living room.

"Where are your family photos by the way?" tanong ni Luke na syang ikinakaba ko.

"Ah. My parents don't want to put any. They prefer artworks instead." I said without stuttering.

Luke nodded slowly and sipped into his tea. "Your family is very private, huh."

"Yeah."

"Gosh! What is this? My tea has a strand of hair!" si Amer na diring-diri ang pagkaka-sabi.

"Oh! I'm sorry, Amer. Papalitan ko na lang iyan." sabay lapit ko kay Amer at kuha sa tasa nya.

Kukunin ko na sana iyon ng biglang nag-salita si Luke. "You can call the maids instead to do that," then he pressed the telecontrol caller.

Natameme ako sa ginawa niya. Oo nga pala. Kailangang magpatawag na lamang ng katulong.

Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga maids at butlers. Maayos silang naka-hilera sa harap namin. Ngunit di nawala ang titig ko sa dalawang tao na naroon.

My parents are in front of us right now dressed like the maids in butlers gaya ng mga katabi nila.

Laking gulat ko iyon at parang sandaling natigil din ang aking pag-hinga. Wala rin akong nasabi dahil sa pagka-bigla. Halata rin ang gulat sa kanilang mga mukha.

Later on, one of the maids took care of Amer's tea and immediately changed it into a new one. Ilang sandali pa ay nagpasya na ang lahat na pumunta ng dining room para kumain na.

On the huge and long rectangular dining table is where the foods are placed such as beef tenderloin, prime rib, steak, lobster bisque, mussels and other side dishes.

Naupo ako sa kabisera habang sila naman ay sa may gilid pumwesto.

The maids and butlers stayed with us while we eat our dinner. Hindi ako mapakali gayong alam ko na naroon ang mga magulang ko at tinitignan ako ng maigi. Kailanman ay hindi ko sa kanila naipakilala ang mga kaibigan ko dito sa bago kong paaralan.

"I super like your mansion, Gin. Ugh! These foods are also a chef's kiss," Bianca said.

"Not fond of foods that much. I'm anticipating the drinks," Vince jokingly said.

Bigla kong tiningnan ang banda kung nasaan ang mga magulang ko. Nagulat sila sa sinabi ni Vince. They never saw me drink and they never knew that I drink.

After some time, all of us are done with our meal.

"Hey," tawag ni Vince sa butler, kay Papa ang titig nya. "Can you give us some scotch whiskey, please."

Hindi matigil ang lakas ng pintig ng dibdib ko. Halo-halo ang nararamdaman. Ni hindi rin ako nakakain ng maayos. Bakit hinahayaan kong tignan ang mga magulang sa ganyang sitwasyon? Habang ako narito naka-upo at kung makaasta ay totoong marangya.

Binalingan ako ni Papa dahil sa request ni Vince.

"Vince, wine na lang," I replied.

"Tsk. We almost always drink wine, Gin," he smirked. "C'mon, let's try something else. I'm sure you have bottles of whiskey," tinignan nya ulit si Papa at inutusan. "Scotch, please."

Tumango naman ako bilang pag-sang ayon. But Papa didn't move an inch and didn't follow Vince's order.

Vince uttered a curse.

"S-scotch, please," I tried to sound normal but I just can't help it.

Nakita ko na si Mama na ang kumuha noon para sa amin.

"Thank you p-po," mahina kong sambit ng inabot na ni Mama ang bote.

Inalis na kanina ang mga dish sa hapag at pinalitan iyon ng appetizers. Nag-inuman na kami ng magkakaibigan. Pero konti lang ang iniinom ko para lang makasabay ako sa mga kaibigan, dahil hindi ako mapakali hanggang ngayon.

"Damn! Ubos na agad," si Vince na halatang lasing na. Kumuha ito ng pakete ng sigarilyo mula sa bulsa niya na syang ikinabigla ko.

"Vince! Don't smoke here!" I shouted nonchalantly.

"Why not? We do this all the time," then he handed sticks to our other friends. He also handed me one but I ignored it.

"KJ, Gin. You're acting weird, huh," Vince said then he smirked at me. Tinapunan ko naman sya ng masamang tingin.

Ilang minuto pa ang nakalipas at magtatatlong bote na ang nainom namin nang nag-salita si Vince. "It's boring here already. Take us to somewhere else in your house, Gin."

"Sa entertainment tayo," sagot ni Luke.

They all agreed at nagsi-tayuan na din. Matagal-tagal bago ako nakatayo. Nanghihina sa lahat ng nangyayari. Buong oras ay ramdam ko ang mariin at nag-aalalang mga mata nina Mama't Papa.

Nakalabas na sa dining room ang mga kaibigan ko.

"Gin, ana-"

Hindi ko pinatapos si Mama at umalis na ako roon para sundan ang mga kaibigan. Tumungo nga sila sa entertainment room. Masyado ng mabigat ang nararamdaman ko ngayong gabi at sobrang gulo na rin ng isipan ko. Pero hindi pa nagtatapos ang lahat roon.

As I entered the entertainment room, I saw the walls filled with pictures of my own reality. Mga picture ko kasama sina Mama't Papa, picture ko noong nag-aaral ako sa public school, picture ni Mama na nagbebenta, picture ni Papa sa pinagtatrabahuhan nya, picture ng totoong bahay namin... basically all the raw and unfiltered life of my mine. Milya-milya ang layo sa kung ano ang ikini-kwento sa mga kaibigang mayayaman.

"W-what the hell are these, Gin?" Bianca said.

"These are your maid and butler that I saw a while ago," ani Gino habang tinitignan ang family picture namin.

Nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

After a few seconds, sunod-sunod na tumunog ang mga cellphone nila. At chineck naman nila ito.

"Oh my goodness!" said Amer while looking at his phone screen, acting like he just saw something disgusting.

Humagalpak naman ng tawa si Vince. "A f*cking pretentious rat," at patuloy pa itong tumawa.

"Gin, why would you do this? Gosh!" si Bianca habang umiiling pa, ipinapahiwatig ang labis na pagka-dismaya.

Hindi ko na naiintindahan ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang mga reaksyon nila. Wala akong ideya kung ano ang tinitignan nila sa mga cellphone nila. Ngunit ilang sandali lamang ay tumunog na din ang cellphone ko.

Tulalang-tulala ako ng makita ang mga larawan ko na nasa social media.

Kung ano ang mga narito ngayon sa entertainment room, iyon din ang naka-post online kasabay ng mga caption na tugmang-tugma sa totoong estado ko.

Dahan dahan kong inangat ang paningin ko kina Amer, Bianca, Gino, Vince, at Luke. I can feel their eyes judging and looking down at me.

The door opened.

"Gin! Anak-"

Biglang naputol ang pagtawag ni Mama ng nakita nya ang mga kaibigan ko.

At this point, I don't even know what to do. I can't feel my body anymore. I feel numb.

Karma. The spiritual principle of cause and effect. Kung anong itinanim mo, sya rin ang bunga. Therefore, if you planted bad seed, don't expect something good in return.

Is this the universe punishing me for being pretentious? Is this the God giving me the consequences?

Well, then. If hindi man sila...

Sino ang may gawa nito?

Are these Bianca and Amer's set up? Because ever since I came to the prestigious school, they have a new competitor when it comes to showing off statements and designer pieces. Are they that envious of me para hanapan ako ng baho?

Or is it Luke? He once mentioned to me that he assumes I'm contending against him dahil laging meron na syang kalaban sa grades simula ng dumating ako. Does he feel so resentful of me that he seeks for revenge now?

Is it my parents? Do they know that all this time I am pretending to be rich just to be friends with rich people? And now that I'm overdoing acting like a rich brat, they embarrass me in front of my friends, in front of everyone?

Kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito, maybe I shouldn’t point fingers on them.

From the very beginning, I am the one who puts myself at risk.

I am the one who created this mess.

I am the one who turned my life into chaos.

Photo from Pinterest

This is a fictional story I wrote inspired by one of the episodes in the series of Girl from Nowhere. This is the last part of the story. I am still struggling in narrating stories but I hope at least one person likes it.

Thank you for reading! It means so much to me. ✨


Read another story that I wrote:

Previous Articles:

Get to know me more on my noise.cash: CrazyRichFilipina

Date Published: July 7, 2021

6
$ 3.47
$ 3.22 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @FarmGirl
$ 0.05 from @leejhen
+ 2
Sponsors of CrazyRichFilipina
empty
empty
empty
Avatar for CrazyRichFilipina
Written by   104
3 months ago
Topics: Story, Life, Fiction
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

maganda sya, parang girl from nowhere ung point ng scene, pero jusko nakakawala ng tiwala paggnyan kasama mo

$ 0.00
3 months ago

I don't understand the language but the story is interesting and I enjoyed it. We have lots of people that feign to be rich to gather rich friends.

$ 0.00
3 months ago

Thanks for taking the time to read it even if you don't understand everything. Yeah they are a lot of people like that. And I'm sad that they have to pretend just to gather rich friends.

$ 0.00
3 months ago

Sbi ko nga fiction :D

$ 0.00
3 months ago

Yes po. Hehehe. Thanks for reading :D

$ 0.00
3 months ago