Fake Rich to Make Rich Friends

23 59
Avatar for CrazyRichFilipina
2 years ago
Topics: Story, Life, Fiction

I'm Gin. This is my story of when I was a crazy rich filipina before.

Narrated in English and Tagalog language.


I am a Grade 11 senior high school student this school year in a prestigious school. I am a transferee student here so I'm not that familiar with anything yet. But I heard, most of the students here came from wealthy families and known family names. There are still some students who came from the middle class.

It is my first day today. I step into our classroom and see unfamiliar faces which obviously are my classmates.

Most of them seem to know each other already. I guess most of them are not transferees, unlike me. But there are still numerous students who are stiffened in their own seats, and I guess they are like me, a new student.

On my first day of class, my impressions of them are good because they are all very kind and they welcomed me genuinely. Several of them are full of humor, funny, and naughty. Kaya sa mga sumunod na araw, naging maingay din ang klase namin. Hindi na gaanong nagkakahihiyaan at magkaka-kilala na.

I also gained friends and finally have my own group of friends, or a "squad". Anim kaming magkakaibigan. Me, Gino, Vince, Luke, Amer, and Bianca.

Gino - He's a simple guy. He's naughty at times, and sometimes not. Minsan nadadala na lang sa kalokohan ng ibang kaibigan. At nagpapadala naman sya.

Vince - He's the naughtiest among us. Minsan parang di nya na pinag-iisipan ang bagay, at agad ng ginagawa ng padalos-dalos.

Luke - He's a smart and not-that-talkative kind of a guy.

Bianca - She is very girly and so into fashion just like me. Almost every week, nagpapalit sya ng bag. Most of her bags are designer shoulder bags like Prada, Michael Kors, Louis Vuitton, Balmain, and the likes. Just like mine as well.

Amer - He is the only gay among us. He's also funny and naughty. He likes fashion also just like me and Bianca.

Things we all have in common: kind, rich, and have their own humor. We all get along well.

"Holy sh*t! I have 3 subjects that got lower. Papagalitan nanaman ako ni Dad later," ani Bianca pagkatapos niyang makita ang report card para sa 2nd quarter namin. Kani-kanina lang sa amin binigay ng adviser namin. At ngayon na maaga matapos ang klase, nandito kami sa isang cafe para tumambay ng sandali.

"Sa akin, halos lahat bumaba," sabay na ipinakita sa amin ni Vince ang report card nya at natatawa pa.

"Grades are just numbers," maarteng sabi ni Amer. "Patingin ng sayo Gin!" ipinakita ko naman iyon sa kanya. "Wow girl ha. Halos maintained lahat. Ikaw na talaga!"

Ngumiti lang ako.

"I don't have to check Luke's card anymore though. I'm already sure it's all high," said Gino while sipping in his iced coffee. Ngumisi lang si Luke at umiling bilang tugon.

"Anyways, we're going to have our sembreak next week. Mag-plano tayo! Let's go somewhere else!" excited na sinabi ni Bianca.

"Resort?" suhestyon ni Amer.

"Bar." si Gino.

"Boring nyo. Iba naman." singit ni Vince.

"What if we all travel together in Singapore?" ngiting-ngiti na sinabi ni Amer. "Ano, Luke, okay ba, Singapore?"

"Pass."

"Okay, then. Have any suggestions?"

Ilang segundo kaming natahimik nang muli syang nag-salita.

"Let's go to Gin's house instead," Luke said. Then he smirked when he noticed my sudden shocked. "Napuntahan ko na ang bahay nyong lahat. Kay Gin na lang ang hindi pa."

Ngayon ay napunta ang lahat ng atensyon sakin.

"Ha? H-hindi. Hindi pwede. Papagalitan ako ng p-parents ko. Ayaw kasi nilang tumatanggap masyado ng b-bisita," nauutal kong saad.

"How come?"

"Oh! I remember you said the other day that your parents are going to have a conference for about 3 days in Shangri-La Makati next week. C'mon, Gin, they'll be away from your hometown," si Amer.

"Edi sakto. Pupunta tayo ng wala ang parents mo, Gin," said Vince then raised his eyebrows.

"Y-yun na nga eh. Papagalitan nila ako pag nalaman nila."

"They won't know unless you'll tell them," si Bianca.

"Our maids might tell dad and mom," mahina kong sambit.

"Command your maids then not to tell anything to your parents. It's not that hard," Luke said seriously.

"Yeah. Wag na lang silang mag-sumbong," si Gino.

"True!"

Lahat sila ay nagpupumilit na dumalaw sa bahay namin at parang walang planong tumigil.

"Ah. P-pag-iisipan ko pa," nahihiya kong tugon sa kanila.

"Tuloy na yan! Can't wait! May pupuntahan nanaman ako!" parang kinikilig na sinasabi ni Bianca sabay tili ng konti. "I wonder what our dress code should be when we party at Gin's house?"

"I want something casual but elegant," Amer said smiling.

"Hm. Good idea. Our outfits will definitely suit Gin's house the way she described it. I can wear the one that I bought last week," si Bianca.

Pagkatapos ng ilan pang usap-usapan, nagpasya na ang grupong umuwi. Hatid na ito ng kanya-kanyang sasakyan.

Ako naman ay tuluyan ng pumasok sa itim na kotse. Binanggit ko sa driver kung saan ako bababa.

"Dito na lang po, manong," sabi ko sa driver sabay abot ng pamasahe ko na syang tira na lang sa baon ko dahil ang mahal ng kape at panghimagas kanina. Bwisit.

Pumasok ako sa aming bahay at agad na natanaw sina Mama't Papa.

"Mano po," sabay mano ko sa kanila.

"Andito ka na pala, 'nak. Mukhang late ka nanaman dumating ah. Napapadalas na yan," si Papa.

"Uhm. May pinag-meeting-an lang po kami sa klase."

"Naku. Ayos lang yan. Sige na at mag-bihis ka na. Magha-hapunan na tayo," sabi ni Mama habang inaayos ang kanyang mga panindang chicharon.

Tumango na lamang ako at nag-tungo na sa taas ng aming bahay kung nasaan ang kwarto ko.

Pinagmasdan ko ang aking silid na mayroong white-painted wall. Maliit lamang ito pero kasya naman ang mga gamit ko. Mayroong single bed, study table, at ang cabinet ko.

Tumungo ako sa cabinet para kumuha ng pang-bihis ko. Natanaw ko doon ang iilang designer bags at ibang mga damit na animo'y mga mamahalin. Pero ang totoo, ang iilan doon ay galing sa tiyahin kong nagbebenta ng mga designer na gamit ngunit mga dupe o replica lamang iyon. Ang iba naman ay matiyaga kong nahanap sa ukay-ukay at linalabhan ko ng maingat.

Pagkatapos kong mag-bihis ay na-upo ako sa kama ko at natulala.

Sa bagong paaralan ko ngayon, walang ibang nakakakilala sakin kung sino talaga ako.

Ibang-iba ang paaralan ko ngayon, kumpara sa public school na pinasukan ko noong junior high school. Ibang-iba pag-dating sa paligid. Ibang-iba pag-dating sa mga tao. At ibang-iba pag-dating sa sistema. Ni walang lugar para sa mga middle class o sa mga walang gaanong kaya sa buhay. Parang hangin kung tratuhin nila. Kung alam nila ang totoong sitwasyon ko, sigurado na ako na wala akong kaibigan sa ngayon.

Bumalik ang wisyo ko nang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may mensahe. Galing iyon sa group chat namin.

Amer: Everyone! Does this outfit look good on me for our gatherings at Gin's house *attached photo*

Bianca: Srsly, Amer? You're planning for your outfit already? Hah. Just wait.

Gino: Did you try to talk to your parents already, Gin?

Vince: She don't need to. Payag yun. Tuloy na tayo! ;-)

Sumubok naman akong mag-tipa ng irereply ko.

Sorry, guys. Hindi talaga pwede. Mom and Dad will really get mad.

Nag-dalawang isip ako kung isesend ko iyon. Pero sa huli, binackspace ko rin.

"Anak! Baba ka na rito! Handa na ang hapunan!" tawag ni Mama mula sa aming kainan.

Iniwan ko na lang ang cellphone ko sa higaan, imbis ay dinala ang report card at bumaba na para sa tawag ng magulang.

Wala akong kapatid. Ako, si Mama at Papa ang tanging magkakasama dito sa bahay.

"Kamusta naman na ang ilang buwan mo sa bagong paaralan mo?" tanong ni Papa habang naghahapunan kami.

"Maayos naman po," tugon ko habang malaki ang ngiti. "May surprise nga po ako sa inyo eh."

Nag-tinginan naman sila at sabay na ngumiti.

"Tada!" masigla kong sabi sabay pakita ng report card, pagkatapos ay binigay ko sa kanila, na agad naman nilang pinagtuunan ng pansin.

"Aba! Mas tumaas pa ah," tuwang-tuwa na sabi ni Mama. "Manang-mana talaga ang Gin namin sa Mama," pahabol na biro nya.

"Congrats, 'nak! Ayos yan at mapapanatili mo ang scholarship mo. Ipagpatuloy mo yan ah. Alam mo naman na," sabi ni Papa.

"Oo naman po," masayang sabi ko.

"Hm. Ano kaya ang ireregalo ko sa matalino kong anak?" si Mama habang nagkukunwaring nag-iisip ng malalim.

"Hm," kunwari ko ding pag-iisip. "Extra allowance na lang daw po sabi ng matalino nyong anak," dagdag ko ng pabiro.

"Sakto naman, 'nak. Kaka-sahod lang ngayon ng Papa mo," sabi ni Mama sabay sulyap kay Papa.

Tumayo saglit si Papa at inabot ang pitaka nya na nasa ibabaw ng ref. Umupo itong muli sa hapag at tinignan ang laman ng pitaka. Nakita ko ang malapad na kumpol-kumpol na isang libo roon. Tama nga si Mama at kaka-sahod lang ni Papa.

"Oh ayan, 'nak," sabay abot sa akin ng dalawang libo ni Papa. "Pasensya na kung maliitan ka jan ah. Yan muna ang kaya ng Papa. Bukas pupunta ako kina Sir Samaniego at magbabayad ng natitira pang utang," ngiti ni Papa.

Inabot ko naman ang binigay nya, pagkatapos ay ibinalik nyang muli ang pitaka sa ibabaw ng ref.

"Papa naman. Ayos lang po ito sa akin," sabay ngiti ko para isiguro sakanila na ayos lang iyon sa akin.

Si Papa ay nagtatrabaho sa isang construction site bilang foreman, habang si Mama naman ay nagtitinda.

Lumipas pa ang oras ng pagku-kwentuhan at sabay-sabay na pagkain namin sa hapag. Ako ang nag-hugas ng pinggan samantalang sina Mama't Papa naman ay nag-aayos ng mga panindang chicharon para sa mga susunod pang-araw. Nang natapos ay nag-pasya na akong umakyat sa aking kwarto.

I immediately opened my phone and searched for grand houses that can be rented out.

Laglag ang panga ko sa mga presyong nakikita.

Makalipas ang ilang oras, napag-pasyahan kong piliin ang isang napaka-enggrandeng mansyon. Medyo malapit ang lokasyon at mga detalye ng bahay sa kung ano ang ikini-kwento ko sa mga kaibigan.

The price of it is in three digits. I am planning to rent it for two days and one night. Foods and beverages are all included already, including some servants.

I sigh heavily while looking at the price on my phone and the money that's left on my savings.

Hindi ko pwedeng basta-bastang gastusin ang savings ko dahil bibili pa ako ng latest iPhone unit at pang-reserba din sa tuition fee ko kung sakaling matanggal ako sa full scholarship. But this time, I shrugged it all off and think of the huge house.

Isang gabi lang 'to. Pagkatapos nito, hinding-hindi na ulit pwedeng maulit. Hindi ko na hahayaan. Isang gabi lang 'to.

Muli akong huminga ng malalim at napag-tantong hindi sapat ang aking pera.

Sumagi sa isipan ko ang madalas kong ginagawa. Ang pangungupit.

But this time, I need a much bigger amount.

"This is just for night, Gin. Hindi na ulit 'to mauulit," pampalubag loob na bulong ko sa sarili.

Hours has passed, I noticed that my surrounding and our house become so silent. Hudyat na tulog na tulog na ang aking mga magulang.

Dahan-dahan akong bumaba papuntang hapag. Kita ko agad sa ibabaw ng ref ang bag ni Papa kung saan naroon ang kanyang pitaka.


Continue reading here: Fake Rich to Make Rich Friends (Part 2)

Thank you! ✨


Lead image is from Pinterest.

Date Published: July 6, 2021

14
$ 6.62
$ 6.30 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @kingofreview
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
+ 6
Sponsors of CrazyRichFilipina
empty
empty
empty
Avatar for CrazyRichFilipina
2 years ago
Topics: Story, Life, Fiction

Comments

Chapter 1 done! :) wahh .. nicely written and you best described the struggle.. awww moving on to chapter 2......

$ 0.00
2 years ago

Thank you so much! <3

$ 0.00
2 years ago

Nice story I guess 😎. I couldn’t read everything , or you will teach me Filipino?πŸ˜ƒ

If you’re a fast teacher, I should be able to read your next story....

I must say, your story title and introduction was great as well....will like to be great writer like you one day.

And you know what, I wish I came from wealthy family to have experience like you

$ 0.00
2 years ago

May I know where are you from btw? Or your language/s?

$ 0.00
2 years ago

Thank you! I don't know how I can teach you Filipino though. Maybe you can use a language learning app like Duolingo. Hehe. I'm not yet a great writer, but I believe everyone can be (including you) by exerting effort and dedication in writing.

Unfortunately, Gin is only pretending to be rich :( I posted the part 2 here just now: https://read.cash/@CrazyRichFilipina/fake-rich-to-make-rich-friends-part-2-67011dc7

$ 0.00
2 years ago

Akala ko nung una legit talaga na mayaman sa Gin. Haha! This is beautiful. I was hooked in the story that I'm eager to read more of it until the last chapter. But then putol p pala. 😁

$ 0.00
2 years ago
$ 0.00
2 years ago

I'm on it, friend. πŸ˜‰

$ 0.00
2 years ago

Parang yung sa sawadee kha, nanno na ha haha. Can't wait for next...

$ 0.00
2 years ago

It is actually inspired from that. Haha. Thanks for reading!

$ 0.00
2 years ago

Kaya po pala familliar

$ 0.00
2 years ago

HOY ANG BITIN HAHAHAHAA

$ 0.00
2 years ago

WAIT LANG PO HAHAHAH

$ 0.00
2 years ago

Ang haba Sis haha Pero ang ganda ng Fiction story mo😊 haha ganyan din ginagawa ko kapag kulang pera ko . Kukuha ako sa wallet ni mama para madadagdagan ang Baon ko πŸ˜…..

Ano kaya mangyayari sa susunond na kwento. Sana hindi siya makita haha

$ 0.00
2 years ago

Thank you! Di ko nga napansin na mahaba. Nung nakita ko na nag 10 min reading time, sabi ko next chapter na lang hahaha.

$ 0.00
2 years ago

I am now wondering whether that's a true story or a made-up one :D Can't wait for the next hehe

$ 0.00
2 years ago

You can finally know in the second part. I just posted it now :D https://read.cash/@CrazyRichFilipina/fake-rich-to-make-rich-friends-part-2-67011dc7

$ 0.00
2 years ago

Most of the students in a school I teach come from very healthy families... And surprisingly most of the students us to have pocket money more than my monthly salery. πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

I guess you teach at a private school? Dang. They are so wealthy huh. Btw, I just posted the part 2 here: https://read.cash/@CrazyRichFilipina/fake-rich-to-make-rich-friends-part-2-67011dc7

$ 0.00
2 years ago

Yup a private sector. Ok I will read it too. πŸ˜‰

$ 0.00
2 years ago

Thanks!

$ 0.00
2 years ago