"Grabe no? Ang sarap pala talaga sa pakiramramdam yung nakikita mo na may napapasaya ka'ng ibang tao kahit sa simple at maliit na paraan lang. Lalo na kung ang taong yun, ay napakahalaga sa buhay mo." <3
Mabuhay kayong lahat na pamilya ko dito sa platform! Kumusta ang araw natin ngayon? Panalangin ko na sana'y nasa mabuting kalagayan kayo ngayon at siyempre masaya ang araw na ito para sa ating lahat. :)
Sa araw na ito, nais ko kayong handogan ng isang kwento patungkol sa mga bagay na ipinagpapasalamat ko dahil sa mga biyaya na dumating sa'kin mula nung ako'y napadpad sa platform na ito. ("Yayksss! Haha. Nosebleed ako sa Tagalog.")
Seriously, let me use "Tagalog-English" for writing this article today, kasi naubusan ako eh tas dami ko'ng iniisip this past few days. Papalapit na kasi yung EPT exams ko. Kahapon ko na-received yung information. This coming Monday pa yung schedule ko to take the exam. (Insert ko lang naman) Wish me luck guys!
Hodling my BCH earnings? Naku, hindi ko na naman na-achieve, but still, I am happy. Why?
Yesterday, magkasama kami ni mama na pumunta sa bayan kasi I withdrawn some of my BCH earnings. Well, ayaw kasi ni mama na ako lang pumunta mag-isa, si papa naman kasi may trabaho na naman, so we decided na kami nalang ni mama ang pumunta. Ayun nga, ako yung nag-drive ng motor tas angkas ko si mama and we went to town arun 10:30 am kahapon. I decided to withdraw it kasi wala ng laman yung refrigerator namin tas wala na ding mga necessary things na magagamit sa bahay, gaya nang sabun, toothpaste at kung ano-ano pa.
I withdrawn PHP 5,000 plus yung transaction fee. Wala pa kasi ako'ng bank account. Sabi din nila mas maliit lang yung fee dun. Sabi ko naman, "Okay lang yun," pero ang totoo nanghihinayang din naman ako. Kaya, I really see to it nalang din talaga na may enough na na-transfer para na rin sa fee tuwing nag-ta-transact. So ayun nga, after ko mag-withdraw, pumunta kami sa isang grocery store at namili nang mga kakailangin sa bahay.
Kunti lang yan kasi, yung matitira na pera ay gagamitin ko for my temporary filling or pasta. Actually, nasa plano ko na din talaga na mag-withdraw kasi sabi nang dentist ko, kailangan daw hindi ko patagalin yung pagpapasta sa ngipin ko para ma-save pa habang maliit pa yung butas. Nung time ding yun, nagpabunot ako nang ngipin kaya di ako masyadong naggagagalaw this past few days. Bawal daw mabinat or in bisaya term, "Bughat/Mabughat." After namin dun, binigyan ko si mama nang pera pambili ng iba pang kailangan sa bahay at pang-ulam na din. Bumili din ako nang damit. Actually, sa ukay-ukay lang ako bumili kasi mura. "Tipid-tipid talaga. Lol. XD"
Umuwi kami mga around 1 pm na din yun. Bumili na lang kami nang uulamin for our lunch. Fast forward, nakarating na kasi sa bahay at dali-daling nag-prepare sa table kasi gutom na kami ni mama. Pagkatapos kumain napasabi si mama na, "Salamat sa robot kasi nakakain tayo nang masarap na ulam ngayon." Ayun oh! "Thank you kay Rusty or TheRandomReward." I really saw it, abot ang laki nang ngiti ni mama, and of course, I am really happy to see her happy. Ang sarap-sarap sa feeling.
After namin mag-lunch nagpahinga kami sa sala namin tas kwentuhan. Maya't-maya inaantok na ako kaya natulog muna ako. Napagod siguro sa lakad namin tas mainit pa. I went to my bed and get some sleep. I woke up, hapon na talaga tas dali-dali ako'ng pumunta sa bahay ng Auntie ko para mag-internet. Dumating si papa galing sa trabaho. He went to the kitchen and opened na fridge. Napasabi siya, "Wow ang daming chocolates tas may cake." Actually, I also bought a cake, for a little celebration. Maliit lang naman tas yung mura lang. Ang laki nang ngiti ni papa. I felt so relieved. "Sighs!"
I posted this blessings yesterday sa noisecash account ko. Umani din siya nang likes, comments, at mga tips na rin. I also published an article tas nag-leave nang comments sa ibang articles. At the same time, nag-update din ako sa gc namin for our EPT exams nga, then leave some comments from a random posts on noise.cash. "Aligaga yarnn?" "Please phone wag ka muna mag-surrender, wala pang enough budget para pambili."
________________________
Upon joining this two platforms, hindi pa talaga ako kumbensido nung una, sino ba naman kasing maniniwala agad-agad na magsusulat ka nang stories, articles or kung ano pa man, kikita ka na nang dollars ($) diba? Tas, hindi ko pa talaga alam kung kaya ko ba yun. I am not into writing talaga. At at this moment, proud ako sa sarili ko kasi nakagawa ako nang mga articles where I earned BCH. I didn't expected din sa mga sumuporta sa'kin dito like giving sponsorships, leaving comments, tas likes at upvotes. "Wow! Isn't it amazing?!"w(Β°ο½Β°)w
"Thank you Lord God for giving this blessings to me!" o:-) Also sa inyong lahat. Kung hindi din naman dahil sa inyo, hindi ako magkakaroon nang ganitong blessings. "Yay! Naiyak naman ako." :')
________________________
"I can't thanked you enough sa lahat nang love and support na binigay at ibibigay niyo pa para sa'kin." I will not promise anything, instead I will keep doing my best na masuklian ko yun through writing articles, giving tips/upvotes, share my blessings through giving sponsorship sa ibang users nang platform and keep on thanking you all. Most especially, sa mga learnings na iniiwan niyo sa'kin. Ang dami-dami ko nang natutunan at nalalaman mula sa mga articles niyo. It really means a lot. I really learned while earning in here. Napakalaking tulong. Thank you for our virtual friendship! Kudos!
To more BCH and a long lasting friendship in both platforms, let's cheers to that! ππ₯
________________________
Lead Image :_own photo_ edited from Canva and Pixlab
Thank you for your time!π :-)
Praises be all to God!π
_renren16π_
[09/09/2021]
Ang ganda po pala talaga nang noise cash kaso bago lang kasi ako kaya hindi pa ako naka pay out sana some day umabot ako kahit 1k lang congrats po.π€π€