Agosto 04, 2021
Mahalin mo yung taong kahit hindi niya sabihin na mahal ka, makikita mo namang lagi ka niyang inuuna kahit busy siya.
Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip
Malaki ang gusto ni Lesly kay Justin simula pa High School. Simula nang makita niya itong naglalaro nang basketball sa likuran nang paaralan ay hindi na niya ginusto na mawala ito sa kanyang paningin. Pinilit niyang makapasok sa Dance Club kahit na parehong kaliwa ang kanyang mga paa at hindi talaga marunong sumayaw. Nagsanay siya para lang makapasok kasi alam niyan pag nakapasok na siya sa grupo ay maaring sila ang maging tagasayaw pag half time break nang liga sa basketball.
Nakapasok nga siya ngunit nawalan siya nang oras na makita si Justin sa kanyang pag eensayo bawat hapon. Nagkasabay ang akademya at ang praktis kaya kahit anong pilit ay di na niya naabutan ang binata pagkatapos nang praktis nila.
Madalas makita ni Lesly ang binata kasama nang mga kasamahan niya sa basketball pati na mga kasmeyt niya. Sumisilip lang siya paminsan minsan. May mga panahong pag nag ku krus ang landas nila sa hallway or sa hagdanan, sa hiya ay yumuyuko lang si Lesley sa sobrang hiya at alam niyang pulang pula na ang kanyang pisngi sa kilig at hiya.
"Sana makita ko man lang siyang ngumiti sakin!" saisip niya minsan habang nakatingin sa kawalan..
Dance practice at basketball practice nagkasabay sa loob nang hall. Di maka pag pokus ni Lesley sa mga sayaw dahil sa presensya ni Justin. At nang mapagalitan siya nang coach ay muntik na siyang mapahiya kasi nabulyawan siya at alam niyang nakatingin silang lahat sa kanya pati na ang grupo nila Justin. Binaling niya buong atensyon sa pagsasanay sa sayaw kahit alam niyang napahiya siya. Pinasok niya to para mapalapit sa taong mahal niya kaya tatanggapin at gagawin niyang lahat para dito.
Nang matapos ang pagsasanay at nagliligpit na sila, siya namang lingon ni Lesley sa gawi nang grupo nila Justin na nagliligpit din nang kanilang mga gamit. At dun nakita niya ang pasimpleng pag ngiti ni Justin sa kanilang direksyon, tiningnan niya ang paligid ngunit walang ibang tao kundi siya nalang. Binalik niya muli ang kanyang paningin at nakita niyang nakatitig at nakangiti pa rin si Justin sa kanya. Dahil sa kilig at hiya at alam niyang pulang pula na naman ang kanyang mukha ay napabitbit siya lahat nang gamit niya at dali daling tumakbo paalis sa hall. Nagtaka man anng mga kasamahan niyay wala itong sinabi nang makita siyang pulang pula ang pisngi animo'y kamatis na hitik.
Wag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa'yo
"Hibang na nga siguro ako" yan lang ang nasa isip ni Lesley hanggang sa makarating siya malapit sa compound nila.
"Hi" biglang may nagsalita sa likod niya.
"Ay pucha!" napasigaw na sabi ni Lesley
"Pasensya na, nagulat ba kita? Nakita kasi kitang mag-isa naglalakad, kako gusto mong may kasabay." sabi nang binata.
"Ahhhhh h-hindi n-naman malapit nalang man kasi a-ang b-bahay namin!" nauutal na sabi ni Lesley. Di niya akalaing kakausapin siya ni Justin.
"Ahhh sige sabay na tayo nasa iisang kanto lang naman tayo eh." Justin
"Paano mo nalaman na malapit lang bahay natin?" sabi ni Lesley na nagtataka kasi akala niya di siya kilala ni Justin.
"Siyempre palagi kitang nakikita doon sa may kanto naglalakad kasama nang aso mo." ani Justin na parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. "Tara?"
"Ahhh si-sige"..ani Lesley
Habang naglalakad ay nalaman ni Lesley na matagal na siyang kilala ni Justin pero dahil akala nang binata na masungit at ayaw makipagkaibigan kaya di siya nagtangkang lumapit at magpakilala. Subalit nung nakita niya ito sa practice kanina ay napag alaman nang binata na masayahin at palakaibigan naman pala si Lesley.
Nang makarating na sila sa harapan nang bahay nina Lesley ay nagpaalam na si Justin sa dalaga.
"Good luck sa laro niyo bukas, sana manalo school natin!" sabi ni Lesley
"Ayusin mo pag sayaw at pag cheer saki nang ganahan ako sa paglaro!" pabirong sabi ni Justin. At napakamot pa sa kanyang ulo animo'y may kuto.
" Makaka asa ka , bibigay ko best ko at pag iigihan ko para sa iyo!" tama ba yung nasabi niya
"Asahan ko yan ha! Sige at ako'y magpapaalam na kita kits nalang bukas!" sambit ni Justin at umalis na
Di pa rin makapaniwala si Lesley sa nangyari ngayong gabi at buka kailangan niyang pagbutihin nang mapasaya niya naman si Justin.
Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako
Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo
Araw nang laro nila Justin at nakahandana rin ang sasayaw para sa intermission. Late nang nakaratin si Lesley kasii na flat ang sinasakyan niyang bus. Buti at sa half time naka schedule ang sayaw nila. Hindi niya nakita ang pag sisimula nang laro at nang makarating siya sa Basketball court ay tagilid ang grupo nina Justin. Malaki ang lamang nang kabilang team at pinapagalitan pa nang coach nila si Justin kasi wala daw ito sa pokus.
Nang makita ni Justin si Lesley sa grupo nang mga mananayaw ay napangiti ito.
"Galingan mo kya niyo yan!" sabi ni Lesley kahit walang lumalabas na tunog sa kanyang labi, sakto lang na maintindihan ni Justin ang pahiwatig niya.
"Panalo to kasi andiyan ka na!" pabalik na sabi ni Justin
Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrtttttttttttttttttttt!
Simula na nang 2nd qtr.Di maintindihan ni Lesley ang sinabi ni Justin. Lumamang agad ang grupo nila Justin hanggang sa malapit na silang mag tabla. 2nd half na at kailangan nang magtanghal nila Lesley. Papunta na silang lahat sa harapan nang mahagip ni Justin ang braso ni Lesley at pinahinto.
"Galingan mo ha!. at Lesley pag nanalo kami pwede ba akong humingi nang pabor sayo?" sabi ni Justin na kahit pinagpapawisan ay kitang kita ang pamumula nang tenga at pisngi nito.
"Sige ano yun?" ani Lesley
"Mamaya na pag nanalo kami"
"O sige..punta nako sa harap"
"O sige ingat ka at galingan niyo"
Natapos ang pagtatanghal at kailangan munang magpahinga nila Lesley at nang mga kasama niya subalit gusto niya makita ang laro nila Justin. Nagpa iwan siya at umupo sa gilid hanggang sa matapos ang laro.
Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa'yo
Torete, torete, torete sa'yo
Panalo sila Justin at nabansagan siyan MVP sa laro. Nang ma interview siya nang journalist nang school council, tinanong nito kung ano at sino ang inspirasyon niya sa pagkapanalo niya.
"Siyempre ginalingan nang team ko kaya kami nanalo, inpirasyon siguro kasi makakamit ko na ang pabor na gusto ko makuha sa isang tao." sabi ni Justin. Di niya kita si Lesley sapagkat nasa kabilang dulo eto.
"Sino ang taong yun at anong pabor ang gusto mong makuha sa kanya"
" Gusto ko siyang ligawan at sana pagbigyan niya ang pabor na yun" sabi ni Justin na namumula na talaga ang tenga.
"Sana ay makuha mo nga ang pabor na gusto mo Justin. Congratulations sa iyo at sa team niyo."
"Salamat."
Pagkatapos nang kunting salo-salo ay magkasabay na umuwi si Lesley at Justin.
"So anong pabor ang sinasabi mo kanina? Nanalo kayo kaya kailangan kong tuparin ang pabor na hinihingi mo"
"Lesley, simula pa lang nung bago pa kami sa baryo ay ikaw talaga una kong nakita at nagustuhan, palagi akong naglalaro nang basketball malapit sa bahay niyo kasi gusto kitang masilayan habang nakikipaglaro sa aso mo. Nung nalaman ko na sasali ka sa Dance Club laking tuwa ko kasi magkakaroon na ko nang pagkakataon na mapalapit sayo at makipagkaibigan. Ginawa ko talaga lahat nang makakaya ko para manalo kasi gusto kong makuha ang pabor na hinihinngi ko sayo, at yun ay kung pwede ba kitang ligawan?" mahabang salaysay ni Justin.
Matagal bago makapagsalita si Lesley. Di niya akalain na may gusto sa kanya ang taong mahal niya at may balak pa itong umakyat nang ligaw. Sobrang saya niya na napayakap agad siya kay Justin na halata sa mukha ang gulat.
"Matagal na din kitang gusto at oo naman pwede kang umakyat nang ligaw at nang makilala mo rin magulang ko"
"Yesssssss"
"di pa kita sinasagot"
"Ay oo nga "
Ang pagtatapos.
Pag pasensyahan niyo na at hindi ako sanay na gumamit nang Wikang Tagalog pero dahil "Buwan Ng Wika" ngayon ay nais ko ring ibahagi ang kunting kaalaman ko sa pag gawa nang isang kuwento. Sana ay nagustuhan niyo at kung hindi niyo man nagustuhan ay wala na akong magagawa doon.
Nais ko ring magpasalamat sa mga mabubuting puso nang aking mga sponsors:
Salamat sa inyong oras sa pagbasa
Mag iingat kayo
Fin!
nakakatuwa yung ganyang storya. lakas talga makahigh school love stories eh. hehe. bet ko mga ending eh papangiti ako. hehe. kaso yung iba brutal kung gumwa ng ending though maganda din yun. hehe