Bago ko po simulan itong aking paksa gusto ko po munang batiin kayo ng isang magandang araw. Tuwing buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika at bilang paggalang at pagmamahal sa ating sariling wika gagamitin ko po ang Filipino sa pagsasalaysay ng aking artikulo. Ito po ay nabasa ko sa artikulo ni Binibining @dziefem https://read.cash/@dziefem/wasto-pa-ba-90dcb211 at gusto ko pong subukin ang aking pagiging tunay na Pilipino. Gagawin ko po ang aking makakaya na hindi gumamit ng anumang salitang ingles pero gayunpaman humihingi na po ako ng tawad sa aking magiging pagkakamali. Nawa po ay maintindihan ninyo ako. Hindi pala madali ito.... HAHAHA
Sa mga hindi po Filipino kayo na po ang bahalang magsalin sa wikang English (To those who are not Filipino you can translate it in English).
Pagmamahal o kayamanan? Ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Pagmamahal
Ang pagmamahal ay isang espesyal na emosyon ng ating puso na nararamdaman natin para sa isang tao. Ito ang isa sa pinakamasayang pakiramdam na mararanasan mo sa buong buhay mo. Ang pagmamahal ay maaaring maipadama sa pamamagitan ng kilos at salita. Kapag nagmahal ka handa mong ibigay ang lahat lahat para sa taong mahal mo. Kaya mong sungkitin ang buwan at bituin para sa kanya. Sino kaya ang susungkit ng buwan at bituin para sa akin? Pwede po bang isama na din pati araw.....HAHAHA. Kapag nagmahal ka ng totoo kaya mong isakripisyo pati sarili mong kaligayahan. Sa madaling salita ang nagmamahal ay hindi madamot, hindi makasarili at hindi mapanglinlang. (Juskopo ano daw?) Ang pagmamahal ay hindi para lang sa isang kapareha, mararamdaman mo din ito sa iyong pamilya at sa mga kaibigan.
Kayamanan
Ang kayamanan ay tumutukoy sa konsepto ng kasaganaan. Ito ay mga praktikal na bagay tulad ng pera, mga alahas at ginto. Ang kayamanan ay isa sa pangunahing pangangailangan ng tayo para mabuhay. Paano ka nga naman makakabili ng pagkain kung wala kang pera? Paano ka makakabayad ng tinitirhan mong bahay kung wala kang pera? Paano ka makakapunta sa ibang lugar kung wala kang pera? Paano ang mga kasuotan, mga pangangailangan sa bahay, mga gastos sa pag-aaral. Ang buhay natin ay umiikot sa pera o salapi, aminin man natin yan o hindi pero iyan ang isang malaking katotohanan na nasa ating harapan.
May minamahal pero walang kayamanan o may kayamanan pero walang minamahal? Ano ang pipiliin mo?
Bakit ba ito ang paksang napili ko, ngayon nahihirapan ako, pwede bang silang dalawa na lang para hindi kumplikado ang buhay? Dahil pinili ko ito papanindigan ko na.....(Pinahirapan ang sarili pati ang mambabasa....HAHAHA.)
Para sa akin may minamahal pero walang kayamanan. Bakit? Kapag may minamahal ka at may inspirasyon sa buhay lahat ay magiging posible. Di ba kapag may minamahal tayo inspirado tayong gawin ang lahat, pwede tayong magtrabaho at magtulungan ang magkapareha para guminhawa ang buhay. Hindi ko hinahangad ang sobrang yaman na buhay, ayos na sa akin ang sapat na pamumuhay basta masaya at may pagmamahalan ang pamilya. May oras na inilalaan para sa mga minamahal sa buhay dahil hindi na natin maibabalik ang panahon kapag lumipas na. Kaya habang may panahon pa ipakita at iparamdam natin kung gaano natin sila kamahal. Alam kong marami siguro sa inyo ang hindi sumasangayon sa pinili ko pero kanya kanya tayo ng pananaw sa buhay. Siguro dahil naranasan ko na iyan, hindi naman sa mayaman pero kase puro na silang pera pero wala naman ang kanilang presensya. Oo nga at nabibili mo mga luho sa buhay pero ang tanong masaya ka ba?
Kung ipagkakaloob ng Panginoon na ibigay sa akin pareho ang pagmamahal at kayamanan ay ipagpapasalamat ko ng lubusan. Sino ba naman ako para tumanggi sa kagustuhan niya. Isa kang napakaswerteng nilalang kung makakamtan mo itong pareho. Siguro kung mangyayari iyon wala ka ng hihilingin pang iba.
Sana ay naunawaan ninyo ang ibig kong sabihin. Ikaw kaibigan alin ang pipiliin mo?
Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagbibigay ninyo ng oras sa pagbabasa ng aking artikulo. Kung may mga pagkakamali po ako, masaya ko pong tatanggapin ang inyong mga komento. Hindi po ako perpektong tao at alam ko pong may mga pagkakamali ako. Magiging masaya po ako kung iwawasto ninyo ang mga kamalian ko. Mula po sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming salamat. Hanggang sa muli po. Nagmamahal β₯οΈmhy09
Pangunahing larawan ay hango sa: https://unsplash.com/photos/hBzrr6m6-pc
Mga Artikulo
Finding Crows- https://read.cash/@mhy09/finding-crows-0b850b51
Back in his arms again- https://read.cash/@mhy09/back-in-his-arms-again-2b239d4b
Ghost Month- https://read.cash/@mhy09/ghost-month-23684367
Thank you.....
...and you will also help the author collect more tips.
Mas pipiliin ko parin ang pagmamahal. Even the word of God saya that the greatest thing of all is love π€