read.cash Log in

@Reysky

Joined 20 June 2021 · 1398 posts

120 KT

0 KT · 42¢ received · 0 KT · 14¢ given

Posts

@Reysky

Start na ulit mag business ng Milkshake. Pero bakit ganun, nagdidilim na naman ang kapaligiran. Nasira pa naman ng bagyo akin tent hindi ko kasi natiklop kasi wala akong makatulong dahil ang mister ko pumasok sa trabaho. Kaya ayan, kapag umulan ipapasok ko na naman ng mag isa. Nasa school din kasi ang mga anak ko at ako lang ang natira dito aa bahay. Malungkot din naman mag isa.

@Reysky

Ang aga aga hb agad! Ang kulit kasi ng anak ko. Ayaw ko na nga lang pansinin para hindi ko masaktan. Yung kape na hinihigop ko lumamig na tuloy. Kamusta na nga pala ang noise. Ilan linggo din akong di napasilip dito. Nagkasakit kasi ako. Pero kahit may sakit kailangan pa din kumilos. Hays life. Haha!

@Reysky

Ako pa rin ba? Kapag nalaman mong malayo ako sa konseptong nakatanim sa'yong isip, Na hindi ako palaging isang magandang panaginip— Marami ang nakakubling bangungot sa aking silid. Sinasabi ko na sa'yo. Nagkakamali ka kung iniisip mong ako'y kalmado. Madalas, ako ang kahulugan ng salitang magulo at pabago-bago— May mga madilim na bahagi ang aking pagkatao. Siguro hindi mo ako maiintindihan. Kapag sinabi kong marami ang tumatakbo sa aking isipan, Na pagod na ako sa aking mga tahimik na laban— At may mga espasyo sa aking sarili na hindi ko mapunan. Baka magulat ka. Malayo ako sa mga inaasahan mo at wala rin akong balak abutin ito. Ito ang totoong ako— Hindi sa paraang nakita mo. Sa kabila ng mga nalaman mo— Ako pa rin ba? 💔

@Reysky

Pansin ko maliit nalang siguro ang fund dito sa noise. Kalimitan kasi na nakikita ko wala ng nakukuha at ang iba lumipat na sa noise.apps Pero di man ako nagpopost dito. May pinag dadaanan lang ako. Pero nagbubukas pa din ako ng noise ko. Sobrang laki kasi ng naitulonh nito sa akin. Kaya kahit wala na akong narereceive nag oopen pa din ako. At nagbabasa at nag cocoment. Bibihira na nga lang kasi nga may pinag dadaanan lang talaga ako. Minsan nga gusto ko mag sulat sa read cash kaso kapag nag start na ako bigla na naman akong may mararamdaman kaya tinitigil ko na lang. Pinagdadasal ko nalang na maging matatag pa ako sa mga susunod na araw kasi kapag bumigay ako. Baka bigla na lang din akong lumisan. Kamusta na kaya si @pachuchay di man kami friend dito sa noise pero nag aalala pa din ako sa kalagayan niya. Sana gumaling na siya.

@Reysky

Maulan na hapon sa inyo mga kapatid. Katamad kumilos, mas masarap humiga at magbasa basa. Ayun umaga palang kasi sira na ang araw ko. Hindi na maayos at talaga naman nakakainis naman. Pero maramih bagay para mapaganda ang araw. Libangin ang sarili kung san ako magiging masaya. Sana lang din mapansin ako dito iba kasi name ko sa noise.cash kesa dito. Hahaha. Pero ok lang alam kong meron naman nakakakilala sakin dito kahit di ko name ang nilagay ko. Good day sa inyong lahat.

@Reysky

Nakapasyal din kami dito sa bahay ng nanay ko. Ilan buwan din bago nakapasyal kung wala lang akonh kukunin di pa ako makakapasyal. Aobrang busy kasi. Di naman ganun kalayuan sa bahay ng nanay ko kaso kapag mag biyahe nakakainip dahil sa trapic. Yun lang ang ayaw ko. Ang trapik! Ang dami na din kasing tinayo dito sa lugar namin kaya naging city na. Dami na din sasakyan. Di tulad dati. Maluwag ang daan kahit makipot ang kalsada. Maya maya lang uuwi na din kami. Kasi magluluto pa ako at aayusin ang akin mini milkshake kSi ilalabas pa ko pa yun. Next time nalang ulit kapag may ganap na ulit sa buhay ko haha.

@Reysky

https://noise.app/Hart15 Pa add naman ako sa noiseapps. Nag try lang ako mag post dun. Di ata ako pwede mag comment kung di din sakin naka follow. Yun lang good day to every one

@Reysky

Whats up! Bibihira na makapagingay. Marami kasing trabaho sa bahay. Katamad pang kumilos kasi maulan. Masarap lang humilata ng humilata. Iniisip ko nga kung magbubukas ako kasi maulan. Baka walang bumili ng shake haha. Flex ko lang ang 1st assesment ng bunso ko. Natuwa dahil marami siyanh star na nakuha. At puro very good pa ang nakalagay. Pinanonood ko siya at parang nakikipag competensya sa mga clasmate niya. Natuwa naman ako dahil active siya sa klase. Kahit maliit ang boses pilit niyan nilalakasan para marinig siya. Sarap lang sa pakiramdam na marinig sa kanya na nag enjoy siya sa school. Sana meron pa silang susunod na gagawin para mas sipagin siya mag aral. Pag dito kasi sa bahay ang hirap pasunurin. Pero kay teacher ang dale niyan sumunod haha..

@Reysky

Good morning! Today is cloudy day, I think it will rain today because the sky is dark. I still plan to do laundry today because my husband has nothing to wear uniform in the next day. I feel tired in the morning. because at 3:30 am I'm already awake to prepare something to eat and have breakfast for my daughter and husband. but tomorrow I'll be back from rest because my daugther doesn't have school.

@Reysky

Shake kayo jan, tamang tama sa mainit na panahon. Yan po ang akin business. Minsan mabili minsan matumal pero malakinh tulong sa akin sa pang araw araw namin lalo na ngayon na sobrang mahal ng bilihin. Kailangan mag isip ng pagkakakitaan. Hindi lang dito sa socmes. Kundi dito mismo sa lugar namin. Nagpapasalamat ako kay Lord at di niya kami pinababayaan. Lalo na sa mga pinasyal. Nagkakaproblema man kami pero heto at matatag pa din namin hinahamon ang pagsubok. Salamat Lord sa lakas at biyaya na pinagkakaloob nyo sa amin. Sana di kayo magsawa sa paggabay samin. Meryenda na kayo. Ako tapos na.

@Reysky

Good morning! Ito agad bumungad sakin pag labas ko ng bahay ang malaking buwan. Ang ganda niyan pagmasdan. Actually, kagabi ko pa siya nakitang malaki at bilog na bilog pero di ko inaasahan na ganitong oras ay mas malaki siya. Maganda pa sa umaga at parang nadaig niya ang pag sikat ng araw. Nagluluto palang ng babaunin ng anak ko. Nakaalis na din si mister. Sana makaidlip ng kahit kaonti mamaya. Kasi kanina pa ako gising haha!

@Reysky

Gustong kong umiyak pero di ko magawa. Feeling ko baliwala na talaga ako.

@Reysky

Pastil May nag alok sa akin ng pastil. Kaya bumili ako. Di pa kasi ako nakakatikim ng ganito kaya nag try ako. Masarap siya at tiyak na mabubusog ka sa halagang 35 pesos. Bibili ulit ako next time kapag inalok ulit ako ng pinsan ng mister ko.

@Reysky

Naluto din sa wakas ang minudo ko. Di ko na nilagyan ng hotdog kasi di nakain ang panganay ko. Ngayon lang ulit nakapag luto. Mejo sinipag kahit late na bumangon sa higaan. Kaya ito late ng mag lunch. Pero di pa naman ganun kalate kasi 12:30 palang naman hahabol pa haha. Magsalang muna ako labahin ko para mamaya sampay nalang.

@Reysky

All time favorite. Goto with tokwa at baboy.. Sarap ng almusal ko. Mainit init pa. Kahapon ko yan inorder kaso gabi na dumating naisip ko ilagay sa ref at initin para almusal. Bumili nalang ako kanina ng tokwa at baboy. Yun lumpia dala naman ng anak ko kagabi ininit ko din. Diba sarap ng almusal ko. Good morning!

@Reysky

Kape sa umagang kay ganda! Syempre may kasamang pandesal yan. Masama din naman uminom ng kape ng walang laman ang sikmura dapat samahan ng solid food. Akala ko kapag saturday makakapahinga ako yun pala hindi haha. Maaga pa din magigising. Ito nag iisip kung ano ang sisimulan para di na antukin. Buti mga anak ko tulog pa ako gising na agad. Sarap din kasing matulog kapag malamig ang panahon. Amihan season na ata kaya malamih na ang hangin. Kagabi nga lang tumambay ako sa tapat ng bahay namin kasi mahangin. Sabay laro na din ng ml. Sympre! Namiss ko kasi mag laro habang nakatambay sa labas. Saklap lang natalo ako haha. Pero ok lang kasi di naman talaga adik sa ml. Kung baga libangan kapag napapagod na ang isip ko. Napapatawa kasi ako nento eh. Lalo na kapag shunga yun kalaban haha.. sabi ko nga sa sarili mag live stream kaya ako. May manonood kaya haha.. di naman kasi ako mahusay eh. Tsaka un fb ko nawala. Sayang. Paano kain muna ako. Mamaya nalang guys pag may oras ako. Ingat sa lahat ng bibiyahe.

@Reysky

Yung siga ka mag park ng motor mo na halos na sa gitna. 😂 Ok lang naman wala naman din gaanong sasakyan na nadaan sumaglit lang dito sa mga tropa niya. Parang nag mano lang siya at sinasabinh buhay pa siya at busy lang sa buhay. 😂 Wala po siyang sinabing ganun. Imagination ko lang....

@Reysky

Good morning! Spaghetti my break fast. Nakabili sa labas kasi gusto din ni mister ng spaghetti. Naka prepare na din ako ng baon ng anak ko, baon niya pagpasok sa school. 7 hours din kasi siya dun kaya kailangan niya magbaon. After naman nito magsasalang na ako ng labahan para mamaya magsampay nalang ako. Kaso mukang hindi magpapakita si haring araw kaya baka hindi agad matuyo ang akin labahan. Pero maaga pa naman kaya wag mawalan ng pag asa ahaha. O siya kakain muna ako. Have a nice day to all!

@Reysky

Good morning! Tapos na lahat. Nakapasok na ang anak ko. Pahinga muna ngayon. Mag iisip ng iuulam ngayon. Magbabawas muna ako sa aking kinita kasi wala pang sahod si mister kasi ang agency nila mukang inipit na naman nila. Kaya yun iba nag cash advance at syempre may bawas yun. Yun ibang agency mapagsamantala talaga. Di biro ang trabaho sa pabrika kaya sana wag silang abusado. Ibibigay nalang sa mga manggagawa, ipopostpone pa nila.

@Reysky

Kuha ko kanina yun di pa umulan. Nanganib na naman ang milkshake ko. Sa awa ni Lord kahit papaano may benta ako. Di talaga ako pinababayaan. Ngayon lang ulit nakapag post kasi di dahil sa busy kundi wala ako sa mood. Wala sa wishou mag isip. Ewan ko ba! Haha

@Reysky

Almusal tayo guys. Kape na mainit at pandesal mamili na lang kung anong palaman gusto mo hehehe.. kasi ako dairy cream di ako mahilig sa reno. AsAwa ko ang mahilig jan. Mga junakis ko mahimbing na natutulog sa ngayon. Dito kasi sila sa sala natutulog. Kami naman mag asawa sa kwarto haha. Ewan ko ba mas trio nila dito sa sala. Bago kasi matulog naglalaro pa sila. Kaya pag baba ko magulo ang sala haha

@Reysky

Ito na kaya yun bagyo. Malakas na kasi ang hangin at ulan ngayon gabi. Ito pa naman ang ayaw ko yun binabagyo sa gabi. Kasi di natin alam ang pwedeng mangyare. Kaya dapat handa ka. Na charge ko na ang mga flash light namin. Pati na din ang cp incase of emergency. Nagload na din ako. Kaso di naman nakikisama ang katawan ko kasi yun tagiliran ko nasakit. Di ko alam bakit. Di na naman ako makakatulog nento. Ganito talaga ako kaoag mat ganitong bagyo. Malakas man o mahina. Di ko tinutulugan.

@Reysky

Signal no. 3 na daw sa cavite at bukas wala na din pasok. Pero mahina pa naman ang ulan dito. Ayon sa balita mamaya pang hapon o gabi ang daan dito sa amin. Pero sana hindi na ganun kalakas kasi. Ayaw ko talaga ng umuulan na malakas. Mababasa na naman ang akin kusina at kailangan tàkpan ang dapat takpan. Yun asawa ko nasa mga katrabaho niya. Niyaya kasi siyanh mag inom ngayon lang naman. Kaya pinayagan ko na.

@Reysky

Good morning! Kape kape muna sa malamig na umaga. Ang aga aga blankonagad utak ko hindi makapag isip kung ano dapat unahin o gawin. Ewan ko ba yun utak ko lumilipad ngayon. Hindi ko kasi maintindihan. Ang aga aga magulo agad isip ko. Mababaliw na ata ako haha.. O siya pagtapos ko magkale matulog nalang ulit haha

@Reysky

Kasing dilim ng kapaligirin ang akin buhay. Naghahanap ng liwanag kung ano ang dapat sundin. Puso ba o ang isip. Nagtatalo, nag aaway masakit ang ulo sa gulo ng buhay ng akin nararanasan. Nasaan na ang liwanag, nasaan na?

@Reysky

Nacomment ako sa frend ko na ipasyal niya ang bago niyang pusa dito sa lugar namin. Di ko pa kasi nahihimas ng matagal ang alaga niya. Ang cute pa naman. 8k ang bili niya jan. Ang hilig nila sa mga pets. Parang ako kaso ako di ko afford bumili ng ganyan at ang mister ko di mahilig sa hayop mag aaway lang kami haha Nakikihimas nalang ako madali lang naman sila paamuhin eh. Haha

@Reysky

Nakaprepare na ako ng baon ng anak ko. Ang almusal naman niya ngayon tasty na may palaman Goya. Request niya kasi yan. Kagabi pa lang bumili na ako kasi di ko na maasikaso kapag sa umaga. Gusto ko kasi ready na lahat sa umaga kaya nag sstock na ako. Tsaka tinatanong ko din siya kung ano babaunin at aalmusalin nila. Para di na ako nanghuhula haha.. Tara almusal tayo! Kape at tasty din ako..

@Reysky

Good night guys! Ngayon lang ulit nakahawak ng cp. Busy today kasi focus sa bunso ko. Module kasi siya kaya mahabang pasenxa ang akin ginagawa. Kasi kada turo ko may larong kasama. Tapos may kulitan. Ayaw sumunod sa instruction haha.. kapag umiikli na ang pasenxa ko, nag bebreak kami kasi baka mapalo ko kaya sinsabi ko na kumain muna tayo. Tska pag ok na ulit balik na sa gawain. Ayun, natapos naman namin ang task niya ngayon araw. Bukas ulit haha.. Kaya matutulog na ako para may energy ulit para bukas. Good night sa inyo!

@Reysky

Maulan na hapon. Buti nalang di ako nagtinda. Alam ko kasi na masama ang panahon. Umaga palanh umuulan na. Kaya ginawa ko nag turuan nalang kami ng bunso ko ng bagong module niya. Pinapractice na din namin ang mga kanya at tula na ipinagagagawa sa kanya. Minsan nasunod minsan ayaw na at gusto na din maglaro. Wala eh bata pa. Kaya mas more laro pa ang gusto. Kaya utay utay lang muna ang turo para hindi naman magsawa ang bata. Mag kakape muna ako at inaantok na naman ako. Haha

@Reysky

Ang ganda ng panahon ngayon. Bukod sa mahangin, maaraw at walang bahid na uulan. Sarap lang tumambay ngayon dito sa labas kasi marami din tao na nadaan. Nakalibre nga pala ako ng meryenda kasi meron may bday dito at nayaya akong kumain. Kumuha lang ako at dinala ko sa bahay kasi yung mga bisita dun di ko naman kilala kaya unuwi ko nalang. Di naman kalayuan kaya ok lang di naman halata haha. Eto busog di malaan kung makakain pa mamaya haha!