Sapagkat ngayon ay buwan ng wika, nais kong gamitin ang Wikang Filipino. Ito ay aking napag-alaman at naisipan matapos mabasa ang artikulo ni @LucyStephanie na pinamagatang "Buwan ng Wika Challenge! Tara Sulat Tayo in Filipino" maaari mong basahin kung iyong nanaisin.
Sa totoo lamang, kung ako ay nahihirapan magsulat gamit ang Wikang Ingles, ganoon din sa Wikang Filipino. Pakiwari ko nga ay mas dumudugo ang ilong ko na pango. Haha. Nakahihiya na ang sarili kong wika ay hindi ko magamit ng tama. Patawarin ako nawa.
Tama pa ba ang paggamit ko ng sariling wika? Aking susubukan na hasain. Paki-usap, i-tama niyo ako kung may pagkakamali sa paggamit ko ng mga salita at marapat sana na nakakapagbigay-liwanag. Maraming salamat.
Upang hasain ang Wikang Filipino at bilang pagtanggap sa hamon na sumulat gamit ito, ay aking gagamitin sa pamamagitan ng pagkukwento ng nangyari sa akin ngayong araw.
Sisimulan ko mula sa pagmulat ng aking mga mata.
Ako ay nagising sa karaniwang oras ng aking paggising, ito ay ang alas tres ng umaga. Ang aga nito hindi ba? Marahil nasanay na ang aking katawan sa ganitong sistema lalo na kapag ako ay nakakatulog ng alas otso ng gabi. Wala naman akong tiyak na ginagawa sa tuwing magigising ako ng ganoong oras maliban na lamang sa pagsisiyasat ko rito sa noisecash, readcash at ang padalhan ng mensahe o tumugon sa mensahe ng aking kaibigan. Ganap na ganito ang pangyayari sa akin sa araw araw. Maayos lamang naman ito sa akin hangga't maaga ang aking pagtulog ngunit kung minsan ay napupuyat, ayon masakit sa ulo. Kasalanan ko naman. Ngunit may pagkakataon na dahil sa aking iniisip, nahihirapan ako matulog. Sandali, nalalayo na ako. Balik tayo sa layunin ng artikulong ito.
Dumating ang alas sais ng umaga napagpasyahan ko na magluto ng almusal. Sabi ko nga na ako ang taga-luto sa bahay namin. Ngunit paglabas ko ng kwarto at siniyasat ang kalan, at laking gulat ko nang makita ko na may luto ng kanin at si ina ang may gawa. Sana palagi. XD At sinabi niya sa akin "anak ikaw na bahala sa ulam". Ang sagot ko "sige po, magluluto na lamang po ako ng hotdog at tuyo". Pagkatapos noon ay nagtimpla ako ng kape at maya maya pa ay nag-almusal na rin.
Matapos ko mag-almusal ay muli akong bumisita sa noisecash at ganoon din sa readcash upang magbasa ng mga artikulo. Sa kadahilanan ng aking pagkalibang sa pagnonoisecash, readcash at pakikipag-usap sa minamahal ay inabot ako ng alas onse bago makapagluto ng tanghalian. Haha. Mabuti na lamang at hindi agad nagutom ang aking mga kapatid at magulang.
Hindi ako kumain ng kanin kaninang tamghali. Tanging salad lamang ang kinain ko. Pagkatapos ay naligo ako. Para sa kaalaman ninyo, naliligo po ako araw-araw. Wala lang, gusto ko lang ibahagi. Hahaha.
Sa sumunod na mga oras, itunuon ko lamang ang sarili sa noisecash, readcash at sayo. Maya maya pa ay naisipan kong magluto ng banana cue. Subalit sa totoo lamang ay inutos pala iyon ng aking nakatatandang kapatid. XD Nais ko sana na ibahagi ang larawan nito ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko nagawang kuhanan ng litrato sapagkat na agad ito ng aking mga kapatid.
At hindi nagtagal ay nagluto na rin ako ng hapunan. Wala nanaman akong gana kumain.
Sa ngayon ay hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hays.
Wasto pa ba ang paggamit ko? Sumakit ang ulo ko at sumakit ang baywang ko. Sexbomb. XD Biro lamang. Pasensya!
Maraming salamat sa inyong pagbabasa! Mabuhay kayo hanggang gusto niyo!
Ang larawan sa itaas ay hango sa: shutterstock.com
Maaari mo rin akong makita sa noise.cash. Kung iyong nais ay doon tayo mag-usap: https://noise.cash/u/dziefem
wasto naman ang pag gamit mo nak..nahihirapan na talaga tayong gumamit nang wikang Pilipino..kahit akoy muntik na dumugo ilong ko kakabasa sa mga sulat nang iba na puro sa wikng Pilipino aigooooooo