Join 83,417 users already on read.cash

Murder me with your Love Part 8

17 57
Avatar for leejhen
Written by   519
2 months ago (Last updated: 1 month ago)

ANONYMOUS PEOPLE

"Thank you Daddy, I like this private beach resort." She said smiling with matching puffy eyes.

"I'm Glad that you like it, baby." Sagot nito na kinikilig.

" Is this yours?"

"No baby, This is one of my boss private property. But we are always welcome in here."

"Buti naman. Ayoko sa Hotel ang liit ng space. Dito, solo natin hehe."

"Speaking of that..." Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya.

Gusto na niyang baliin ang leeg nito. Pero may pakinabang pa ito sa kanya.

Agad siya umiwas. Nasusuka siya sa pagmumukha nito.

"Not so fast Daddy. I'm hungry, can you buy me some foods? Pero ang gusto ko yong chicken cordon bleu doon sa hotel." Paglalambing niya.

"Okay I will go back in there. What else do you like?" Tanong nito.

" Nothing, pero yong crispy ang pagkaluto ng chicken daddy. At yong small shoulder bag ko pala naiwan ko sa hotel room natin paki kuha na din ha."

" Anything for you, my baby. Wait for me in here and enjoy the view." Nag flying kiss pa ito bago lumabas.

***************************

"Sir, we missed the target."

"How come? Nasa tapat lang sila ng room 209."

"I'm sorry sir, we are very late to know na nag check out sila agad."

"Alert all the men. Talasan ninyo ang mga mata. Masyadong madulas ang kambal ni Athena."

"Yes sir, copy."

"I don't want any mistake again, understood? And one more thing, Maging alert din kayo sa pagdating ni Joshua. If you see him, return him immediately at the Mental Hospital."

Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.

Napakaraming kailangan ilagay sa ayos.

Magiging okay din ang lahat...

Photo Credit to Unsplash

AT THE HOTEL

Papasok si Rainier ng hotel ng bigla siyang harangin ni Sabina.

" Yes Sabina, What can I do for you?" Nagtatakang tanong niya.

Sabina look very serious.

" Be careful with Athena Sir. Nakita ko siya kanina kasama si Sir Dimataga." Sabi nito.

"Are you sure? As far as I know si Sir Dimataga ay nasa bahay niya at nagpapahinga." Di makapaniwalang sagot ni Rainer.

" I saw it with my own eyes, They are very sweet with each other. Nakakadiri tingnan."

" Where did you see them?" Seryosong tanong ni Rainier.

"Sa lobby papasok ng elevator. Nakita ko kung saang floor sila papunta. Sa suite room."

" I only ask you Sabina but it doesn't mean that I believe in you."

"Why? Dahil ba nauto kana rin ng ganda ni Athena!" Sigaw ni Sabina.

"Mine your manners. And what are you talking about?" Naiirita na si Rainier sa mga pinagsasabi nito.

"I'am talking about Athena. Salot siya na dumating sa Lanshan University."

"Sabina, don't waste my time on your nonsense argument."

"Sir Rainier, bawal ang student teacher relationship sa School. I saw it with my own eyes. It's Athena na nilalandi si Mr. Dimataga. After Joshua hindi pa siya nakuntento, pinatulan pa ang matanda."

"Watch your language." Saway niya dito.

"Look Sir, I'am just concern. If you don't believe in me, then there's nothing I can do about that. Pero sana huwag ka din mabulag sa ganda ni Athena. Masama siyang babae!" Sigaw nito bago tumakbo papalayo.

Rainier was bothered about what Sabina had told her. So to make sure, Nagtanong siya sa front desk.

Giving them the reason, that he needs to monitor every students for their own safety.

Napapayag naman niya na ibigay sa kanya ang room number ni Athena.

Athena is in room number 209. Agad siyang kumatok sa pinto at pinagbuksan naman siya.

Si Athena na mukhang bagong gising lang at nagulat pagka kita sa kanya.

"Sir Rainier, What are you doing in here?" Nagtatakang tanong nito.

Pero hindi siya sumagot at agad na pumasok sa loob ng suite.

Una niyang tiningnan ang CR, walang tao. Sa kusina wala din at pumasok siya sa kwarto ni Athena ng walang paalam.

"What are you doing Rainier!" Sigaw ni Athena. It's the first that he heard his name from Athena.

It's a music on his ears but he has no time for that.

"Just checking." Matipid niyang sagot.

"Checking for what? You are invading my privacy." Medyo galit na si Athena. Inaantok pa siya at gusto pang matulog muli.

"Checking for a rat, maybe." Wala sa mood na sagot ni Rainier.

Ano na naman ang nangyari sa lalaking ito? Naging bugnutin na naman.

Hinayaan nalang ni Athena si Rainier maghanap ng daga.

Sa suite pa talaga niya napunta ito.

"Are you done checking?" Inaantok na tanong ni Athena.

Pero hindi sumagot si Rainier.

"Sir Rainier, Inaantok pa ako. Kung wala ka naman ibang gagawin dito. Please leave."

Sa halip na sumagot ito. Seryoso lang itong nakatingin. At humakbang papalapit sa kanya.

Napaatras siya, hindi dahil sa takot. Kundi gusto niyang iwasan ito.

Pero patuloy si Sir Rainier sa pag abante. Habang siya ay patuloy sa pag atras. Hanggaang mabangga ang kanyang likod sa cabinet.

Wala na siyang aatrasan pa.

Photo Credit to Unsplash

Seryoso parin ang mukha ni Rainier. Ang inaantok na diwa ni Athena, ngayon ay gising na gising na.

1 inch nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha at katawan.

Napakalapit lang ni Rainier...

"Are you having an affair?" Seryosong tanong nito.

Nagulat Naman si Athena.

Ano ba ang pinagsasabi nito?

Hindi siya nakasagot agad kaya lumapit pa ito at nagdikit ang kanilang mga noo.

"Answer me." Mahinang sabi ni Rainier.

"No, at wala akong balak maki affair sa kahit na kanino." Sagot ni Athena.

Kanina pa siya bothered sa closeness nilang dalawa.

Napakalapit lang ni Rainier. Ang mga labi nito...

At naalala na naman niya ang kanyang first kiss..

Oops... The scene is cut in here. The whole version is in my wattpad account but the update in there is very late.

Until they heard a sudden knock at the door.

They didn't mine it but the knock continued.

"Sir Rainier, let's stop. Let me open the door." But he won't let her go.

"Nevermind that door."Sagot nito.

Pero nagpumilit si Athena at nagmadaling bumangon.

Tiningnan muna niya sa peephole kung sino ang kumakatok.

"Si Mrs. Feliciano." Isa sa mga subject Teacher nila.

"Sir Rainier, there's no time for that. Go, doon ka magtago sa terrace." Pagtataboy niya dito.

Nang makaalis si Rainier ay agad siyang tumakbo sa pinto at pinagbuksan si Mrs. Feliciano.

Ibinalita lang nito na ang camping nila ay bukas na. Nagkaroon ng conflict of  schedule at may naka reserve na pala sa venue kaya they need to start ahead of their scheduled date.

Si Rainier ay naka sitting pretty lang at nakatingin sa dagat na parang walang nangyari.

"Sir Rainier, hindi ka pa ba babalik sa room mo?" Tanong ni Athena.

Ngiti lang ang isinagot nito.
At sa simpleng ngiti na iyon. Si Athena ay para ng matutunaw.

"Come here, let's talk." Seryosong sabi nito.

Pero hindi pa handa si Athena makipag usap kung ang tungkol sa nangyari sa kanila kanina ang tinutukoy nito.

" I don't feel like talking. Can we talk some other time?" Tanong ni Athena.

"Okay, but just come in here and I will leave."

Lumapit naman si Athena. At agad siya nitong hinila.

At niyakap siya nito.

"Let me hug you for a minute." Yon lang at tahimik na ito habang yakap siya.

Niyakap din niya ito.

May future ba silang dalawa?
Hindi niya alam.
Paano kung malaman ni Rainier kung sino siya?

Si Athena ay puno ng pag aalala habang si Rainier ay puno ng pag-asa.

Kahit sino ka pa at ano ka pa Athena. I will accept you and I will never hurt you, because I love you so much.

Tahimik na usal ng puso ni Rainier.

Nakalabas na siya ng suite ni Athena na puno ng ngiti ang mga labi.

Ang hindi niya alam na may aninong nakamasid sa kanya sa di kalayuan...

Si Joshua na nagbabaga ang mga mata sa galit.

Hindi siya makapasok sa room ni Athena. Nasa di kalayuan ay may mga armadong lalaki na nakabantay.

Mga goons ba sila ni Rainier?
Hang in there Athena. Bukas hahanap ako ng timing.

Hindi niya na talaga ma kontak ang number ni Athena. He is very worried pero hindi siya makalapit sa kwarto nito.
Kailangan niyang mag ingat. Ayaw niyang bumalik sa hospital ng mga baliw.

Ang mga parents niya na nasa Canada ay walang kaalam alam sa nangyayari sa kanya.
Ayaw niya bigyan ang mga ito ng sama ng loob.

Sa Camping site siya mag aabang ng chance bukas.
Babawiin niya si Athena kahit ano ang mangyari.

Wait for me babe...

ANONYMOUS PEOPLE

Ang tagal naman ng matandang panot.
Medyo bored na siya at gutom na rin.

Nasaan na kaya ito?
Nasagot naman ang tanong niya ng mag ring ang kanyang cellphone.

"Hello baby, epapa deliver ko na muna ang foods at bag mo ha. May emergency lang, pinatawag ako ni Boss but don't worry, andito lang ako sa kabilang resort." Paliwanag nito.

Kabilang resort?

"Okay Daddy, na miss na kita huwag kang magtagal ha. Bilhan mo na rin ako ng ube flavor ice cream pang dessert ko." Malambing niyang request.

"No problem baby, mag swimming kana muna diyan. I'll be back later, I love you mwah."

"I love you too Daddy, Take care."
Yuck.

It's her chance, wala pa si Matandang Panot.

Kabilang Resort, I'm coming...

Agad siyang nagbihis ng skinny jeans at black crop top. Sinapawan niya ng Hooded jacket na black din ang kulay.

She wear her shades and black mask to match her outfit with a white rubber shoes.

Lumabas siya pero walang makitang tao na mapagtanungan.

Naglakad pa siya ng konti ng makakita ng isang dalagang naka formal attire. Parang mag aapply ng trabaho.

"Miss excuse me. Saan ba ang kabilang resort dito? "

" Do you mean, the Montemayor Beach Club and Resort?" Tanong nito.

She hit the jackpot.

"Yes, Do you know where it is?"

"Diyan lang, lumiko ka pakaliwa. Tapos mga 1 kilometer pa ang lalakarin mo. Pwede ka naman mag request ng taxi sa grab, para mas mabilis."

"No,it's okay lalakarin ko nalang thanks."

"Wait, mag aaplay ka?" Tanong nito.

"Yes."

" Goodluck, so far wala pang nakakapasa sa mga nag aaplay. Sobrang sungit ng boss. Torture ang interview niya." Paliwanag nito na naiinis.

Well, I love torture.

" Thanks for reminding me."

Hindi na siya tumawag ng taxi. Tinakbo niya lang ang patungo sa Montemayor Beach Club and Resort.

Para ano pa ang training na pinagdaanan niya.

Pablo Montemayor.
Here I come...

To be continued...

Love the Story?

Start reading at the beginning...

Part 1

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-1-84e0f0aa

Part 2

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-2-95a1a470

Part 3

https://read.cash/@leejhen/halloween-specialmurder-me-with-your-love-part-3-ccf113f5

Part 4

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-4-6274c588

Part 5

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-5-116bba62

Part 6

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-6-042fac9f

Part 7

https://read.cash/@leejhen/murder-me-with-your-love-part-7-1064e9a1

Surprise!

https://branch.wallet.bitcoin.com/CZpChFNenlb

A surprise shareable link for the very first reader of this Article of mine.

If you are an aspiring Writer you are very much welcome in read.cash

👉https://read.cash/r/leejhen

And of course much more welcome in noise.cash too.

👉https://noise.cash/u/leejhen

Just comment in here if you're gonna need my guide. And I'm very much willing to help.

Sponsors of leejhen
empty
empty
empty

12
$ 7.22
$ 6.98 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.05 from @Idksamad7869
+ 4
Sponsors of leejhen
empty
empty
empty
Avatar for leejhen
Written by   519
2 months ago (Last updated: 1 month ago)
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

OMOOOOOOO! Another character ey? Da who naman kaya si Pablo Montemayor? Hmm, lakas maka-mayaman ay. Haha, parang mga hubbies ko sa Watty. Uhuuy, anong username mo there, Ate? Follow kita tapos add ko sa library ko, baka mas mabilis update mo doon eh, hihi.

So, tama ako na 3 ang Athena. Pero sino ang tunay? Grbidadddd! Saka may naiisip na naman ako, Ate. Wait, ima-map ko lang HAHAHA

$ 0.10
2 months ago

Haha matagal doon revise ako ng revise. Mas nauuna dito. Pag andun ang dami kung nakikitang mali haha. At may rated spg si Athena at Rainier haha. Kawawa lng wala siyang fans😁

$ 0.00
2 months ago

Congratulations sis, habang tumatagal pabitin nang pabitin Ang story at di mo talaga matukoy Kung sino Ang gumagawa Ng krimen.

$ 0.10
2 months ago

Thanks pero malapit na silang ma reveal.

$ 0.00
2 months ago

Para tuloy lalo akong na exite abangan ko yan, thank you sis

$ 0.05
2 months ago

Nakaramdam ako ng kilig nung niyakap ni Rainier si Athena...OMG!.

$ 0.10
2 months ago

Haha rated spg yan na part.

$ 0.00
2 months ago

Para akong bumabalik sa pagbabasa ng pocket book dati gaya PHR.

$ 0.05
2 months ago

Ganda talaga mg story na ito!! Nakaka exciting,abangers here!

$ 0.10
2 months ago

Haha thanks.

$ 0.00
2 months ago

Nakaka thrill na

$ 0.10
2 months ago

Abangers na akez sa paghihiganti ni Joshua 😁

$ 0.10
2 months ago

Haha let's see.

$ 0.00
2 months ago

Ay while reading mas nagaganahan talag knowing na iu is your ideal character here hehe.

$ 0.10
2 months ago

IU ang gusto ng anak ko haha. Siya nag edit niyan.

$ 0.00
2 months ago

Naku lagot sila ksy Joshua nakita sila,tapos andiyan pa ang athena na isa ,aabangan konna lsng zng kasunod. By the way sis thanks again

$ 0.10
2 months ago

Congrats 🥳 wla diyan ang Athena ni Joshua haha.

$ 0.00
2 months ago