read.cash Log in
@WhyEugene

@WhyEugene in November 2021

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls...๐Ÿ˜ Nakapag-bakuna na po ba kayo? Kasi nung pumunta kami ng mama ko sa Mcdo hinanapan kami ng Vaccination Card tapos nung pinakita na namin sa Counter, nagulat kami dahil may libre kaming Apple Pie sa inorder namin wow. Hindi kami makapaniwala kaya guys baka all branches po basta ipakita niyo lang Vaccinated Card niyo. ๐Ÿ˜๐Ÿ’ณ

@WhyEugene

All Saints Day. ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ•ฏ๏ธ Simple prayer for our relative souls. Namimiss ko ang aking Lola kasi sa kanya ako lumaki hanggang mag highschool ako. Dati kami yung nagdadasal at nagsisindi ng mga kandila sa mga dating namatay pero ngayon kasama na siya sa aming dinarasal. ๐Ÿ˜ญ Actually, parang patay na din ako sa mundong ito kasi buhay pa ako pero pinapatay na nila ako meaning to say tinatanggalan nila ako ng karapatan para mabuhay. Alam kong hindi lang ako yung nag iisang nakakaranasโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ May kwento ako kaninang umaga kasi kagabi nagsindi kami ng mga kandila tapos nitong umaga ito na lang yung natitirang nakasinding kandila. Syempre nagtataka kami, baka ayaw pang umalis kung sino man yung kaluluwang ito. Ang ginawa ko pinagtimpla ko muna ng kape bago ako pumasok ng trabaho. ๐Ÿ˜ Pero nakakapagtaka talaga dahil yun yung kaunahang sinindihan naming kandila. ๐Ÿ˜ฎ

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜Š Share ko lang po yung hinain naming mga pagkain para sa mga kaluluwa ng mga mahal namin sa buhay. Syempre kunti lang po kasi sayang naman po kung puro sa kanila yun lahat. ๐Ÿ˜ Medyo napaluha din ako kahapon dahil naalala ko yung mga alaala na kasama ko sila pero syempre ipakita pa din na masaya pa din tayo kasi sabi sa pamahiin hindi daw matatahimik ang kaluluwa kung lagi natin silang tinatawag na bumalik sila o magparamdam man lang. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Meryenda Time... ๐Ÿ˜‚ Dahil hapon na oras na para mag meryenda, habang nagluluto pa ng fries palamig muna tayo ng Juice. Ang bilis ng araw malapit na ako mag 3 years sa aking trabaho hindi ko akalain na matagal na pala ako. ๐Ÿ˜‚ Kaya ayaw ko magsayang ng araw hangga't kaya ko pa kakayod tayo lalo na hindi na pwedeng umasa sa magulang. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Habang wala pang client ngayong umaga, mag lollipop muna ako sa office area ko. Luh, lollipop yern? ๐Ÿ˜‚ Ito yung natirang candy sa pinamigay ko nung Halloween kami din ng kapatid ko yung nakinabang. Hindi ko makakalimutan yung batang binigyan ko ng candy kasi binibigyan ko ng candy tinatanong kung ang brand. Hindi naman ako napikon natuwa pa nga ako eh.๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Balak kong bumalik dito sa Food Plaza mamayang gabi. Nakalimutan kong ipost ito dahil pag uwi ko sa bahay inantok na ako kasi hindi na ako kumain pag uwi dahil nabusog na ako. Sabi nga ng matatanda masama din ang sobra kaya kuntian ko lang ngayon. ๐Ÿ˜‚ Sa mga taga San Fernando City La Union kita kits na lang mamaya sa food plaza ang unang makanotice sa akin doon, ililibre ko ng kahit ano promise. Syempre first come first served tayo di koโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls...๐Ÿ˜ Tara milktea po tayo, kinuhanan ako nung bumibili kaya nagpapicture na din ako sinulit ko na. Parang magiging model pa ata ako ah magugulat na lang ako baka ilagay pa nila ako sa Billboard.๐Ÿ˜‚ Happy Birthday sa mga ka-noise natin gan, gusto ko lang kayo batiin. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Pasensya na po kung hindi ako naging active kanina dahil sobrang busy biglang dami ng client namin kaya walang time makapagpost. Ngayon kailangan ko munang magpahinga para mabawi ko ang lakas na pinagod ko ng todo. Sana wag po akong lagnatin at makapasok ng trabaho kaya kailangan kung unahan bago pa lumala. Ingat po kayo sa panahon ngayon bawal magkasakit. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Dahil weekend ngayon, mas madami kaming inaasahang OFW clients. Pero habang wala pang client linis-linis muna ako ng aking area dahil syempre kapag malinis, madaming lalapit na client char. ๐Ÿ˜‚ Mamaya pala mag start na kami mag decor ng pang Christmas para magkakulay ang office at maiba sa mga paningin. Excited na rin akong mag decor. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Nilabas na nga po ang mga pang Christmas decor, ready na ready na kaming isabit-sabit sa buong office. Inaantay na lang namin yung ka-officemates kong si Ma'am kasi siya ang aming leader at magsasabi kung saan ikakabit ang mga ito. Sige guys, ipapakita ko na lang mamaya ang susunod na aming gagawin. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Ito na po yung pinagkaabalahan namin pagdedecor sa office una pa lang po yan di pa kami tapos pasilip lang po ng kunti. ๐Ÿ˜‚ Anyway itutuloy na lang namin sa lunes hindi kasi pwede tapusin ngayon dahil may mga kanya-kanya kaming lakad medyo conflict sa schedule. Nga pala maalala ko yung tungkol sa National ID sabi mga 3 months makukuha na yung ID ngunit lagpas na ng 3 months yung sa amin ng mama ko wala pa din hanggang ngayon. Pero nakalimutan ko naโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Shoutout sa mga nagtratrabaho ng night shift, naranasan ko na din yan sa dati kong trabaho bilang Quality Control tahimik kapag gabi nagtrabaho pero kapag uwian na ng umaga asahan mo ng maingay sa paligid. Nahirapan din ako sa pag tulog nun kaya ang ginagawa ko natutulog na lang ako sa byahe, commute kasi ako nun sa Cavite medyo malayo din mula Trece Martires hanggang Epza. Hindi naman ako namimili ng trabaho basta apply lang ako ng apply taposโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Nagkaroon kami ng katuwaan ng mga ka-office work ko kahapon habang kami ay nagdedecorate ng pang Christmas. Nilagay ko kasi sa lusutan yung sock na sinasabit sa pintuan sabi sa akin ano yan lalagyanan ng donation box. Sabi naman nung iba bakit kailangan pa niya meron naman tayong Gcash print out lang yung QR Code tapos scan nila then makakarecieve ka na ng pamasko. Medyo seryoso na yun pero itratry natin. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜Š 4B sabi ko na, sabi ko na 4B joke lang po. ๐Ÿ˜‚ Pero may ishashare lang po ako nandito po ako sa parking ng mall umabot ako ng 4th floor dahil full parking na sa baba pero atleast nakapagpark. Anyway, may problema talaga ako kasi pinagsabihan ako ng tita ko kumakalat na balita na pinagyayabang ko daw yung mga gamit ko tulad ng Motor, Bike, Laptop, Cellphone at pati yung groceries ko. Pero hindi ko malaman kung anong problema dun. Yung laptop koโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls...๐Ÿ˜ Katabi ko po ngayon ang aking alagang pusa dahil umuulan sa labas. Nagulat na lang kami ng bigla na lang umulan kaya tinakbo na namin ng kapatid ko yung mga sinampay sa labas buti na lang naagapan pa namin kundi sayang pagpapatuyo kung mababasa lang din. ๐Ÿ˜ Sige tulog na po ako may asikasuhin pa po ako bukas. Ingat po kayo. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Tara kain po tayo ng pansit canton. Nga pala first time kong mag bayad gamit ang Gcash ko wow no need ng mag widraw sa Bangko. Sobrang hi-tech na talaga tayo. Kaya ingatan niyo yung cellphone niyo kapag personal bawal ipahiram kasi ang cellphone niyo ay wallet na rin. ๐Ÿ˜‚ Anyway, enjoy ko muna yung kinakain ko. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Habang ako'y naglilinis ng aking kwarto, yung alaga kong pusa hinaharot ako kapag kukunin ko yung bagay na malapit sa kanya hinahabol niya yung kamay ko tapos kapag sa iba naman ako kukuha susundan niya ako. ๐Ÿ˜‚ Ang naiisip ko mapapagod din naman siya kakahabol at aantukin kaya pinabayaan ko na. ๐Ÿ˜ Parang uulan dito sa amin kasi makulimlim at walang hangin. ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Alam niyo ba kung bakit nilalagyan ng tindera ng numero ang mga paninda nila? Ayun kasi sa mga nagtitinda, nilagyan nila ng numero upang makita ng mamimili kung magkano ang kanilang bibilhin at hindi na magtatanong kung magkano ito. Nakukulitan daw sila sa kakatanong tapos wala naman daw bibilhin kaya nilagyan na lang nila para magbayad na lang. Sa mga nagtitinda gan, anong masasabi niyo? Ganito rin po ba ginagawa ninyo? ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Tagal ko na din di nagagamit itong phone lens ko dati nagmamacro at zoom in ako pero nung naglinis ako ng kwarto ko na-itabi ko pala. Nahanap ko din nung naglilinis ulit ako, alright subukan ko ulit maghanap ng maliliit na bagay.๐Ÿ˜‚ Shoutout din po pala sa taong nag recommend ng lens pero hindi na rin ginagamit sa mga Upload niya. ๐Ÿ˜‚โœŒ๏ธ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ I'm back using my phone lens (Macro). Sinubukan ko sa aking kwintas na maliit ang chain at itong ang naging resulta. Nakakamangha di ba hahanap ulit ako ng bagay na maliit at kukuhanan ko para lumaki. Sa ngayon nagugutom na ako kain po muna ako ng hapunan sige. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐ŸŒƒ Nagtry ako mag zoom out sa dalawa kung pusa kaso nasobrahan sa brightness kaya ganito yung kinalabasan. Hinahanap ko pa yung tamang setting para kapag nazoom out malinaw pa din. Pero ngayon kailangan ko munang mag discover at matulog ng maaga dahil may pasok na naman sa trabaho bukas. ๐Ÿ˜‚ Manunuod muna pala ako KMJS bago ako matulog. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ‘

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Tara breakfast po tayo, nagluto po ako ng itlog kasi ito lang po ang madaling lutuin kasi madami akong asikasuhin. Hindi ko na inaasa sa magulang ko ang kakainin ko dahil malaki na ako at may trabaho kaya ako na ang namimili ng mga groceries. Yun lang po ang maiitutulong ko sa ngayon dahil hindi pa ako tapos ng bayarin sa aking motor na hulugan kada buwan. Anyway, hindi pa ako handa magka-asawa dahil sa sitwasyon ngayon hindi ko pwedeng iwanโ€ฆ

@WhyEugene

Guys, ito na po pala yung continuation ng aming pagdedecor. Nilagyan na namin ng Christmas Lights sa gilid ng office. Medyo masakit nga lang sa mata kasi puro blue nakakaantok. ๐Ÿ™‚Pero wag na lang titingnan ng matagal baka makatulog. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Kakatapos lang kumain ng tanghalian kaya nandito muna ako nakapwesto sa labas ng terrace namin at pinagmamasdan mga naglalakihang mga puna sa eskwelahan. Malamig ang simoy ng hangin parang may natunaw na yelo... ๐Ÿ˜‚ Rest muna ako ng kunti tapos trabaho ulit. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

When I was in college, my professor giving me an assignment about: If you have a company for example tape, what would you call it? And what is your vision and mission policy? Here's my answer: Name of Company: Super Thick (Always Thick, Always The Same) Vision Policy Top 1 tape worldwide, tape you always wanted. Mission Policy To combined things separated or broken we repair and you can use anywhere like school, office and travelling. It's easy to use.

@WhyEugene

Magandang Hapon Guys... ๐Ÿ˜ Meryenda muna tayo ng snacks tapos isasawsaw sa suka yun sarap niyan. ๐Ÿ˜ Nga pala yung client namin hindi sumusunod sa patakaran ng aming opisina kaya ang ginawa ng boss ko hindi siya inapproved kasi hindi dapat siya masusunod kung anong oras siya pupunta. Tsaka mali talaga kasi uwian na namin yun tapos pupunta siya. Pero nakakalungkot din. ๐Ÿ˜”

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Ngayon po ay ipapakita ko sa inyo kapag na macro ang isang blanket, tama po ang inyong nabasa blanket po ang ating susubukan sa ating macro lens. Mapapansin niyo sinulid tapos nung na-macro may sinulid sa sinulid wow amazing. ๐Ÿ˜‚ Maghahanap pa ako ng pwedeng mamacro kaya abangan. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Throwback na lang muna, ito yung mga araw na kapag sumasahod gala lang kasama ang mga katrabaho. Pero nahirapan din ako tuwing uwian dahil wala akong masakyan. ๐Ÿ˜‚ Kinaya kong lakarin pauwi kahit pagod sa trabaho wala no choice pero nag bunga naman yun dahil nung nagresign naman ako tapos nakahanap ng trabaho yun yung pinambili ko muna ng bike hanggang sa nagkamotor na ako yehey. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls...๐Ÿ˜‰ Ngayon po ay pinagdasal namin ang kaluluwa ng aking Lola sa kanyang Death Anniversary ngayong November 9. Mamayang hapon pag uwi ko maghahanda kami ng padasal kasi tradition namin. Gagawin sana namin ng sama-sama kasi hindi pwede dahil pandemic ngayon kaya sa mga bahay-bahay na lang kami. ๐Ÿ˜‰ Pinagsindi ko na din ng kandila sa simbahan. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Pagkatapos ko palang ipagdasal ang aking Lola, sa Jollibee na lang ako nag breakfast para diretsyo na papasok ng trabaho. Tapos nag order na rin ako ng puto sa kakilala kong gumagawa para yun na lang padasal ko mamaya pink yung pinili ko kasi favourite ng Lola ko yun. Bibili pa ako ng spaghetti gagamitin ko na yung naipon ko dito.

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜‰ Nakarating na po pala ang inorder kong puto sa kakilala kong gumagawa, sa bahay pala niya deneliver kaya si mama na muna nagbayad akala ko kasi dito sa trabaho makukuha. ๐Ÿ˜ Ito po yung kuha ng aking ina para ipakita sa akin yung putong inorder ko wow pink at white tamang-tama lang sa padasal ng aking Lola. Malapit na pala akong mag lunch kailangan ko munang mag order ng aking tanghalian. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Kakatapos lang po kumain at ngayon po ay papatunaw lang. Nag order pala kami ng Milktea nakita lang namin sa food panda kaya pumili na kami ng mga flavours. Nung nakapili na kami ililibre pala kami ni ma'am nagkagulatan kami akala ko biro-biruan lamang pero totoo ililibre talaga kami ni ma'am. ๐Ÿ˜€ Pero ano kayang meron nung Friday kasi nagpapizza siya sa office. Wow, bigtime ata. ๐Ÿ˜‚ Mamayang alas-dos darating yung order naming milktea lapit na. ๐Ÿ˜Š

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Nakarating na po yung order naming milktea, wow sarap naman po pala nagtry kami kanina mag order sa food panda tapos libre pala ni ma'am. Sulit naman 75% sugar di naman gaanong katamisan. Mamaya pag uwi ko tutulungan ko pang magluto sila mama para sa padasal kanina kasi nag video chat lang ako sa mga pinsan ko kung ano din yung padasal nila maganda naman kumuha sila ng tao para sa padasal kami kasi di na kailangan kunti lang kami at syempre takotโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Ngayon po ay nakapagluto na kami ng pang dasal sa Death Anniversary ng Lola ko grabe naiiyqk ako habang ginagawa ko ito pero syempre kailangan kong pigilan dahil baka umalat yung pagkain kapag natuluan na ng luha ko. Ok lang po ako iiyak lang pero ok lang po ako... ๐Ÿ˜Š Lola, kung nasaan po kayo ngayon lagi mo kaming i-guide at salamat sa maliligayang nakasama po kita mula nung bata ako kasi ako yung paborito mong apo (sorry mga pinsan pagbigyanโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ™‚๐ŸŒƒ Tulog na po ako di po ako pwede magpuyat ngayon dahil aantukin ako sa trabaho tuwing weekend lang ako pwedeng magpuyat dahil pahinga ko na yun sa trabaho ko. ๐Ÿ™‚ Bukas nga pala sahod na namin ewan ko kung bukas ibibigay din ang aming 13 month o sa December kasi last year November binigay sa amin ewan ko kung dahil sa pandemic kaya binigay ng maaga kaya aalamim ko pa bukas. ๐ŸŒƒ Sige tulog na po ako. ๐Ÿ˜ด

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Ang aga kong nagising ngayon, ang ganda pa naman ng panaginip ko may napaginipan ako na may makikilala daw akong babae na magiging jowa ko tapos ayun nag bonding kami naghahabulan sa Park tapos magpapagulong-gulong sa damuhan, itutulak siya sa swing, mamangka sa ilog at nakayakap habang nagmomotor ako. Medyo malabo yung mukha niya kaya di ko na recognise kasi kung makikita ko siya sa totoo, masasabi ko na ikaw yung babae sa panaginip ko. Peroโ€ฆ

@WhyEugene

Ok guys, meron po akong ipapakitang toy display collection ko sa aking kwarto. Ito po yung latest na toys yung Justice League sa Jollibee nabili ko ng all sets nung nag order ako ng bucket meal tapos pinambayad ko gamit ang aking Gcash. Hanggang dito na lang po ang aking pag collect dahil wala maliit lang ang aking kwarto. Pang background lang kapag may nag video call sa akin parang gaming lang. ๐Ÿ˜‚ Walang masama sa pagkokolekta ng bagay na gusto mo bata man o matanda. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Hello Guys, lagi po bang dry ang inyong buhok tapos kapag sinusuklay, sumabit ang buhok? Pwes may solution na po sa problema niyo na yan. Gamitin niyo lang po itong produkto na ito, nagpapadulas po siya ng buhok at marerelax pa. Paalala hindi po ako sponsored nito, user lang po ako at effective siya para sa akin. Dahil kulot yung buhok ko bumili ako online ng hair mask para hindi ma stress yung buhok ko. Kung meron din po kayong alam sa pagpaparelax ng buhok, sabihin niyoโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Sinubukan ko po itong staple remover sa aming office, effective naman siya kapag maramihan at makapal yung papel kaso kapag isang papel lang may damage. Pero bilang madiskarte, ginagamit natin ang ating kuko pang tangal ng Stapler o kaya naman tinutusok natin halimbawa yung ballpen. Nakakatuwa lang dahil may instructions sa likod kung paano gagamitin ito. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Hindi po ito nuggets o burger patty. Ito po ay isang dog food na kinuhanan ko gamit ang aking phone lens. Mapapansin niyo po kapag minacro mo pala yung isang butil ng dog food ganito po pala itsura parang bato o insecto na madaming mata. Sa pagkakaalam ko ang dog food po ay gawa po sa herbs, meats at vegetables na pinaghalo-halo. Sarap na sarap yung alaga kong aso at pusa kapag nakikita nila yung feeds nagsisilapitan matic na. ๐Ÿ˜ Anyway, kamiโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ’ค๐Ÿ’ค๐Ÿ’ค Kanina po nagluto ng sinigang ang aking ina para daw malambot ang aming kakainin at humigop ng mainit na sabaw. Wow, asim kilig yung sabaw tapos ang lambot ng karne grabe so meaty at puro laman lang walang halong taba dahil cholesterol daw. ๐Ÿ˜‚ Sige po tulog na po ako maaga po akong gigising bukas para mag prepared ng aking gamit papasok ng office. Goodbye. ๐Ÿ˜ด

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Masarap talaga mag gatas kapag umaga after mag exercise kasi yung buto natin nag stretching kaya kailangan ng pampatibay. Yung buto kasi natin fragile kaya kailangan natin ng pampatibay gatas lang talaga ang kailangan. Nakakatulong din ang gatas maglinis ng dumi sa loob ng ating tiyan pangit kasi kung iinom ka ng alak sa umaga sisitmurain ka. ๐Ÿ˜‚ Kaya ingatan ang ating sarili ok ingat. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

It's Macro Time. โฑ๏ธ Today, I'm going to show you my macro shot. As you can see I have a tiny brush to clean my office keyboard then I was thinking about to try macro this tiny brush and look at that there's so many bristles, wire or other filaments. ๐Ÿ˜‰๐Ÿ‘ See the actual photo and macro shot. ๐Ÿ“ธ๐Ÿ˜ #MacroPhotography

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls...๐Ÿ˜ Ang init po ngayong tanghali grabe sa labas po ako kumain ng aking tanghalian malapit lang sana yung bibilhin ko kaso wala sold out na daw kaya pumunta ako sa bayan para pumunta sa Jollibee medyo malapit lang naman kaya nilakad ko na. Nung natapos na akong kumain pabalik na ako sa aking trabaho kaya lakad ulit pero pahinga muna saglit sa mapunong lugar para makakuha ng sariwang hangin. Buti na lang may upuan dun sa Park para magpahinga ngโ€ฆ

@WhyEugene

Hello Noise Friends, it's me again and today I macro shot the single bulb of Christmas Lights in my office to see what inside of it. Look at that the tiny light getting brighter and brighter. Actually the real color of light is yellow/orange, it makes different color because of bulb cover that painted in transparent glass. Warning, don't stare at the light for too long because it blurs your eyes. Keep safe. ๐Ÿ˜๐Ÿ’ก #MacroPhotography

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Malapit na kaming magsi-uwian but still mainit pa din sa labas. Tumawag ang aking ina dahil nasira daw yung electric fan kanina pa daw umaga. Buti natiis ng mama ko at ng kapatid ko yung init. Naku hangga't maaga makauwi agad at maipagawa yung electric fan. ๐Ÿ˜ฌ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Habang nagdadasal kami bago kumain, yung kapatid ko na nagdadasal tapos kumuha na ng pagkain kaya sinabi namin na ulitin ang pagdadasal pero siya na lang ang magsasalita. Syempre bawal tumawa kapag nagdadasal kaya nung pagkatapos ng dasalan habang kumakain na, nag umpisa na kaming magsitawanan ba naman nagdadasal habang nagsasalita kuha na ng kuha ng pagkain yung kapatid ko. Anyway, mali din naman yung ginawa niya kaya tinama lang din namin.โ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Kakatapos ko lang po manuod sa Netflix ng Army of Thieves yung part ng Army of the Dead. Ayaw kong magkwento dito kung anong mangyayari kasi hindi po ako spoiler, sinabi ko lang po kung ano po yung napanuod ko. Panuorin niyo rin guys ang dami niyang binuksan na vaults at siya lang mismo ang nakakabukas grabe nakakamangha. Sige good night sleep na po ako. Bye. ๐Ÿ˜ด๐Ÿ’ค๐Ÿ’ค๐Ÿ’ค

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Ngayon po ay birthday ng aking Lolo in heaven kaya mamaya magluluto kami ng paborito niyang pagkain ang Miswa. ๐Ÿ˜ Bibili lang muna ako ng mga ingredients kasi may pasok pa ako kaya mamaya pang hapon makapagluto. ๐Ÿง“๐ŸผSa ngayon pinagdasal na lang namin ang kaluluwa niya. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Papasok na po ako ng trabaho pero yung alaga kong pusa ayaw pumayag na umalis ako. Grabe nagiingay na po siya tapos pumunta sa akin tapos ayan niyayakap yung braso't kamay ko. Pinakain ko naman po ng cat food para makaalis na ako pero sinusundan niya ako sa labas at sumakay din sa motor ko. Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa office kasi no pets allowed. Tinawag ko na lang kapatid ko na hawakan niya muna. ๐Ÿ˜ Paano na lang kaya kapag nagkaanak ako tapos ganyan din, matiis koโ€ฆ

@WhyEugene

Ngayong umaga sampu lang ang kumuha ng appointment sa amin ang kinuha nilang oras 8 at 10 ng umaga walang panghapon. Sa mga nag appointment na yan wala pa kaming nakakausap kahit isa saan na kaya sila? Siguro naharang na naman sa boarders at di pinayagan makapasok sa aming lugar. Mawawala din naman yan kapag nag umpisa na mag botohan sa election. ๐Ÿ™‚ Sana makarating pa din mga ito kasi sayang yung appointment nila. ๐Ÿ‘

@WhyEugene

Dahil lahat kami sa office na vaccine na, sana matutuloy na ang pagpunta namin sa Baguio City at baka doon na rin kami mag celebrate ng Christmas party. Makakapunta din kami sa Christmas Village doon. Sana po talaga matuloy tapos syempre souvenir talaga habol ko dun katulad po nitong nasa larawan hindi po sa akin yan sa Boss ko po kaya gusto ko din bumili. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Nakapagluto na po ng paboritong pagkain ng Lolo ko ang Miswa kaya ito po yung handa niya ngayong birthday niya. Actually, pakain namin ito sa mga senior citizens na nakasama ng Lolo habang nabubuhay pa siya parang barangay tanod din sila na may samahan hindi ko makikita kung ano mangyayari dahil nandito pa ako sa aking trabaho sumaglit lang umuwi para maibigay ang mga ingredients. ๐Ÿ˜๐Ÿ‘

@WhyEugene

Guy's inaantok na ako dito sa pwesto ko sa sobrang lamig ng aircon sa office kulang na lang sumandal at pumikit ako pero syempre bawal dahil nasa oras ako ng trabaho. Lalo na kapag nanuod pa ako ng Netflix ngayon buti yung kasama ko dito nanunuod ng Netflix na hindi inaantok. Sinubukan ko naman lumabas pero sobrang init naman. Dahil weekend naman tiisin ko na lang. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Bago kami umuwi sa trabaho, nag pa-ice-cream muna si ma'am ng Cornetto. Sana ganito na lang tuwing Friday kasi minsan kasi kapag nastress sila napag-iinitan kami dapat hindi kami ginaganun pero syempre masunurin kami kaya mapagpasensya na lang kami. Nakawork from home kasi yung pinaka-head kaya kapag wala yung boss meron munang reliever. Kahit na anong mangyari respeto pa din dahil sila itong mataas at matagal na sa pwesto kaya pasensya langโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Nakapasok ako ng resort dito sa San Juan, La Union kahapon ng hapon pagkagaling sa trabaho na tinatawag na Puerto De San Juan. Nag inquire ako kung pwede ng maligo sa resort na yun at ayon pwedeng-pwede na daw kahit mga bata ang entrance fee nila P160 adult at P120 mga bata. Kung kukuha ng room nila dito P2700 2 beds and 1 night tapos may kasama ng breakfast sa umaga pwede na din. Pwede din naman shed lang kung 8 hours lang dun. ๐Ÿ˜ Mayโ€ฆ

@WhyEugene

Wow, meron pa pala PSJ Water Park yung pool na may water slide karugtong po siya ng resort na pinakita ko yung Puerto De San Juan magkahiwalay na building lang, yung binayaran niyong entrance fee pwede na kayo makapasok sa dalawang yun. Nagkakabit na din sila ng Christmas Decors nila katulad po nung 3 Kings hindi pa tapos. ๐Ÿ˜ Viewing lang muna. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Magluluto kami ngayon ng sopas, kakabili lang ng mga ingredients kaya ngayon pa lang kami nagpreprepare. Nakalimutan namin na hiniram pala ng kapitbahay namin yung malaki naming kasirola kaya kukunin muna namin. Habang kinuha nila mama yung kasirola, maghihiwa muna ako ng mga gulay nililiitan ko lang yung hiwa para kakain lahat kasi kapag malaki ginigilid lang. ๐Ÿ˜‚ Geh luto muna ako. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Hello Guys, luto na po ang sopas kaya kainanan na. Tamang-tama lang ito sa akin dahil nagdidiet na ako kasi sabi ng mga ka-office work ko wala na daw akong leeg at tumataba na pero iniisip ko na dapat ba akong ma-confused sa sinabi nila. ๐Ÿ˜‚ Grabe nagluto lang ako pero parang busog na ako. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Nakapag-bakuna ka na ba at gusto mong kumuha ng vaccine certificate? Pumunta lamang sa site na ito: https://vaxcert.doh.gov.ph/ at mag fill up lamang po sundin ang mga sumusunod. Wag niyo na lang sagutan yung mga hindi applicable pag natapos na, lalabas po yung vaccine certificate ninyo pwede niyo ng iprint. Tinatanong niyo po kung para saan ito? Pwede mo itong ipresent kapag nagtratravel ka o papasok sa mga malls at sa mga restaurants. Safeโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Ang ganda ng design ng fountains dito sa loob ng resort ng Puerto De San Juan tapos may iba't-ibang kulay ng mga isda na mukhang mamahalin at parang nasa Lake ka lang. Yung mga statue talaga nakaagaw sa akin ng attention kasi parang may mga ibig sabihin yung pagkakagawa sa kanila. Anyway, jogging muna ako kasi na-confused talaga ako sa sinabi sa akin na wala na akong leeg. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Na experience mo na bang mag night club? o mahilig ka bang mag night bar? Try niyo po dito sa loob ng resort ng Puerto De San Juan dahil dito complete lahat ng klase ng inumin dito. First experience ko mag night club nung high school ako kasama mga tropa ko hindi kami umiinom ng alak lagi lang kami nagjujuice nung 1st college ko natutunan uminom ng alak dahil din sa mga naging kaklasmate. Itinago ko sa mga magulang ko at mga kamag-anak naโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls...๐Ÿ˜‚ May mga taong nagpapaalala sa akin na higit pa dito ang dapat mangyari sa buhay ko pero syempre hindi naman tayo nagmamadali naguumpisa pa lang talaga sa mababa. Syempre may pangarap ako sa buhay ko pero di ko pa magagawa yun dahil nagiipon pa ako tapos syempre kailangan ko din tulungan mga magulang lalo na tumatanda na sila. Gusto ko na din magkabahay kaya kailangan ko munang magipon. Hindi ko din maintindihan yung mga kaibigan ko kapagโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Kailangan i-relax ang sarili, huminga ng malalim sabay buga ng malakas para mapalitan ang hangin sa ating katawan. Ipikit ang mga mata, pakinggan ang mga ingay sa paligid at isipin mo na ika'y lumulutang sa hangin. Gawin niyo po ito ng nakaupo, magkadikit ang mga paa at itaas ang mga kamay para ma-feel mo yung ginhawa. Effective sa akin natanggal yung aking pagdidighay at parang umayos ang aking pag hinga. ๐Ÿ˜‚ Subukan mo ito sa mapunongโ€ฆ

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... โ˜บ๏ธ Kung sa mga building walang 13th floor, ang hindi dapat mawawala sa atin ay yung 13th month pay. ๐Ÿ˜‚ Malapit na mag December at syempre madaming ng nag-aantay ng 13 month pay pero sa iba bago nila makuha yun, kailangan muna nila ng production number yung sasayaw ba. ๐Ÿ˜‚ Sana meron kaming Christmas party kasi nakakamiss last year kasi habang kumakain kami may kumakanta sa karaoke sobrang saya nun tapos may pa Noche Buena packs na manggagaling sa Bossโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ May ikukwento ako sa inyo ako nung bata pa ako, pumunta kami sa madamong lugar para kumuha ng gabi si mama yung kumukuha tapos ako yung taga dala pero nagkahiwalay kami nun kaya tinatawag ko si mama pero hindi siya sumasagot sa sobrang kaba ko nun, tumakbo ako pabalik sa pinaglakaran namin pero napunta ako sa puro bakod na hindi ko naman nakita nung dumaan ako. Hinawakan ko mismo yung bakod kung totoo pero nung hahawakan ko na narinig ko naโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Nakagawa na po ako ng aking DTR ready to print na tapos pagkapirma ko, papapirmahan ko po sa aking boss, sunod iscan ko muna bago isend sa aming agency. Naisasabay ko lang ito sa akin trabaho kasi urgent wala akong sasahurin kung hindi ko ito uunahin. Nga pala bago pirmahan ng aming Boss ang aming dtr, checheck nila kung pumasok ba kami ng ganung oras o may absent. Tapos yung gagawin naman nung agency ichecheck sa Biometric kung nag In or Outโ€ฆ

@WhyEugene

Dahil malapit na pong magtanghalian, kailangan ko ng makuha mga order ng mga ka-office work ko ng maipabili na sa aming Utility. Dahil budget meal lang kami sa karenderya kami bumibili ng aming kakainin ng tanghalian. Tinetext na lang sa amin ng tindera yung menu nila tapos isusulat ko at maniningil na ng mga bayad. Ang aming utility ang bibili ng aming kakainin dahil kilala niya yung may-ari ng karenderya at siya yung nagsabi sa amin na meron siyang alam na bilihan. Mayโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Yung katrabaho ko di niya napansin na yung charger niya nabunot na sa may saksakan naka-charge yern? ๐Ÿ˜‚ Sinabi ko sa kanya kaya sinaksak niya ulit pero maya-maya lang, nakabunot na naman. ๐Ÿ˜‚ Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ulit o matatawa ako sa pwesto ko. Hayaan ko na nga lang kaysa ako yung mamoblema diyan. Pero hindi ko mapigilan tumawa sa pwesto ko kaya hindi ko natiis ako na mismo ang nagsaksak sa may saksakan. ๐ŸคฃNawala gutom ko,โ€ฆ

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Kakauwi lang galing sa trabaho, kanina nawalan daw ng tubig pagka-alis ko papasok ng trabaho kaya buti na lang pala nakapagpuno ako kanina kundi walang gagamitin yung maiwan sa bahay. Nagkaroon na ng tubig nung pagkauwi kaya eto nagpupuno na naman. Hindi ko alam kung nataon ba o sa hapon nagkakarga ng tubig yung water district. Pero ang mahalaga may nagagamit tayong tubig pangbuhos kasi mahirap kung walang tubig. ๐Ÿ’ง

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Tara kain po tayo ng hapunan, nagluto lang po ako ng Tocino galing sa aming freezer. Kailangan ng galawin para mapalitan ng bago kaysa ma stock sa amin mga frozen foods. Habang kumakain kami ng hapunan, nakikinig kami ng mga Country Christmas Songs sa Spotify na nakakarelax at lalo kaming sumasaya. Subukan niyo guys ang sarap sa tenga. ๐Ÿ˜Š๐ŸŽต๐ŸŽถ

@WhyEugene

Magandang Gabi Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Panibagong kwento na naman ng aking na-experience nung bata pa ako ikukwento ko sa inyo ngayong gabi. Sa kwentong ito hindi lang ako ang naka-experience kundi lahat kaming magpipinsan. Nanunuod kami ng mga pinsan ko nang mga horror movies tulad ng Friday the 13th tapos ayan nag kanya-kanya kami ng pwesto. Ako katabi ko ang kuya kong pinsan malapit kami sa bintana nun tapos ayan yung mga pinsan kong babae sumisigaw kapag may habulan taposโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ May online meeting kami ng aming client ngayong umaga, 9am ang aming usapan ngunit hindi siya umattend. Sinubukan kong hanapin sa Message Requests ngunit wala siya doon. Makakansela pa ata ang kanyang request sa amin. Pag lumampas na ng 9am at hindi pa rin siya umattend ibig sabihin nun cancel na ang kanyang request. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Ngayon araw ay napakaswerte ko dahil natsyambahan ko yung appointment sa DFA kasi nakita ko full booking na daw kaya nung nag refresh ako ng site nila may nag open na slot so ang ginawa ko kinuha ko na agad at yes confirm kaya nag fill up na ako ng mga information pagkatapos nun may natanggap na akong reference number sa email ko ready to pay na sa mga bayad center. Sa November 22 yung nakuha kong slot at nabayaran ko na sa bayad centerโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ˜Š Wag mawalan ng pag-asa kapag nakita mong full booking na ang pag schedule ng passport sa DFA. Lagi ka lang bumisita sa kanilang site dahil minsan inoopen nila yung appointment. Ang ginawa ko kaya ako nakapasok sa pag appointment kasi lagi kong tinitingnan kung nag open tapos ayun nasaktuhan ko lang. First time ko lang magpapassport kaya medyo excited na ako, nakita ng mga katrabaho ko yung saya ko kanina. ๐Ÿ˜ Sana wag muna akong tigyawatin kasiโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Ngayong umaga hindi ko napansin na kunti na lang laman ng hair gel ko, iniisip ko ngayon kakayanin ba niya ihold yung tikwas ng buhok ko. Medyo kinakabahan ako dahil haharap ako sa tao tapos makikita nila magulo buhok ko. Wala ng time dahil mga 8am papasok na mga clients. Ang masakit yung san rio na panali sa buhok na putol pa. ๐Ÿ˜ Susubukan ko muna kung kakayanin ng hair gel ko ito. ๐Ÿ˜‚ Kakatapos lang mag almusal kaya medyo busog. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Dahil Holiday Seasons na sa December, dami naming naging OFW client na taga malayo at malapit. Gagawin talaga ang lahat para mabuhay ang pamilya nila sana ma-experience ko din makapagbansa kasi gusto ko talaga mag travel kaya kumuha na ako ng passport para maging handa sa lahat. ๐Ÿ˜‚ Sino ba naman ang ayaw ng magandang buhay, syempre kailangan munang makapag-ipon at magkaroon ng mga experiences. Pahinga lang po muna ako ng 30 minutes kasiโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Naghahanap po ang aming Director ng Driver yung mag-mamaneho ng government van kailangan namin urgently kasi malapit na ang aming Team Building papuntang resort sa Caba. Sa December 4 na po, permanent daw po ang position na ito at may OT. Medyo wala pa po akong kakilala dito sa North Luzon kaya wala akong masabihan. Located kami dito sa Kennedy Plaza, Quezon Avenue, City of San Fernando La Union sa mga interesado Monday to Friday. Wag niyongโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. ๐Ÿ˜ Ngayong tanghali lang po ako nakapag-noise dahil biglaan ang dami ng aming client ngayong Biyernes buti na lang nagpakain yung agency na kukuha ng info sheet dito sa amin. Dahil Friday ngayon, gusto kong umuwi ng maaga para makapiling ko mga alaga kong pusa pero bago yun bibili muna ako ng cat food dahil gumaganda balahibo nila hindi ko sila binibigyan ng kanin kasi kapag nasarapan sila baka akyatin pati lamesa namin. ๐Ÿ˜ Antay lang mga Miming.๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Nagsiuwian na lahat ng katrabaho ko tapos nung pumunta ako sa aming kusina, may natira pang Jollibee na pakain ng agency naiisip ko wala kaming pasok ng Saturday at Sunday so sayang naman kaya kinuha ko na lang at nag chat ako sa group namin na kukunin ko na lang itong Jollibee kasi ayaw ko talagang may nasasayang na pagkain. Anyway, ibibigay ko na lang ito sa aking kapatid kasi part siya ng family char. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Wala ako maghapon dahil nag asikaso ako ng mga papel para sa nalalapit kong appointment sa pagkuha ko ng passport sa DFA, kaninang alas 3 ng umaga dumating yung confirmation ng aking appointment sa aking email kaya sa sobrang excited ko naghanap ako ng printing at xeroxan dahil yun yung ipapakita ko sa DFA. Sa Monday pa naman po yung appointment ko pero syempre kailangan napaghahandaan kaya kailangan ko din ng pahinga para fresh ako kasi sabiโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Ngayong Sunday pagkatapos namin magsimba, pumunta kaming mall (Family Day) pwede na daw pumunta mga bata basta nabakunahan. Hindi na daw kailangan mag face shield sa loob ng mall tamang-tama dahil wala kaming dala nun. ๐Ÿ˜‚ Tapos ayun bumili kami ng Yogurt Milktea nag foodtrip muna bago mag ikot-ikot sa buong mall. Bumili lang ako ng Peel off Mask para matangal mga Black and white heads sa mukha ko para bukas fresh ako kuhanan sa akingโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. ๐Ÿ˜Š Ang cute ng santo ni Mama Mary, parang may ibig sabihin sa kanyang mukha yung feeling na nakita niya yung anak niya tapos naawa siya o nag aalala. Lahat naman ng nanay ganun sa kanilang mga anak, laging hinahanap pero yung tingin kasi ng mga bata kapag tinatawag sila ng nanay nila sasabihin uutusan na naman ako nito. Ako nung bata ako lagi akong inuutusan pero di ako nagrereklamo dahil may natutunan naman ako. Inisip ko nun paano kung mayโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Na re-schedule ako ng pag kuha ng Passport ngayon sa December 6 na dahil may tinama lang sa aking documents na maling information buti na lang wala akong babayaran ulit sa pag appointment re-schedule lang talaga ok na din basta makakuha lang ng passport hindi naman ako nagmamadali. Basta maging ok lang yung mga papel ko. Sa December 4 naman, team building namin sa resort kaya natatakot ako mangitim sa resort kukuhanan kasi ako para sa profileโ€ฆ

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Meryenda muna po tayo ng French Fries na may Thousand Island Sauce. Hindi naman natuloy yung halfday ko kanina sa office kaso late lang ako ng isang oras dahil pumasok ako ng 9am kanina. Sa isang oras na yun namiss agad nila ako lalo na yung boss ko kasi pagkabalik ko dami nang pinagawa agad sa akin. ๐Ÿ˜‚ Pumunta nga pala yung Vice Mayor dito sa lugar namin tapos nakausap niya yung youngest owner ng subdivision namin kaso nung nag live streaming silaโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Sa mga horror stories, lagi na lang sa probinsya yung topic ng katatakutan kaya wala na minsan nag tratravel dahil sa mga napapanuod nila na kapag nag outing daw sa probinsya, baka pagkain ka na ng mga aswang. Syempre nandun na tayo sa mga paniniwala na yun pero hindi niyo ba alam na ang probinsya ang mayaman sa mga pananim ng mga gulay tsaka kung travel goals ka, focus ka sa gusto mong puntahan na lugar. Speaking of katakutan, gusto niyo baโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Nung bata ako mahilig ako mangulekta ng mga cards katulad ng mga Yugi-oh ngayong lumaki na iba nang card ang ating kinokolekta yung card na talagang may kapangyarihan katulad ng mga shopping card, ATM card, health card at iba pa. Dahil nagugutom ako ngayon gagamitin ko ang aking shakey's card para may points na makuha kapag nag order ako ng pagkain. ๐Ÿ’ณ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Kanina, may babaeng umiiyak sa bus, nalaglag daw kasi yung last money nya. Sabi ng kundoktor, saan mo po ba nalaglag miss? Hindi daw alam ng babae kung saan nahulog yung 500 nya. Medyo maawain talaga ako sa mga ganito eh, kaya sabi ko, eto miss 100 pangkain mo at eto yung 100 pamasahe mo. Sa sobrang tuwa nung babae napayakap pa sakin! Medyo nailang ako kasi maganda yung babae. Sabi ko ok lang yan miss pamasko ko na sayo yan. Minsan talaga yung biyaya hinde mo alam kung saanโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ˜Ž Kayo patulog na ako kakain pa lang kasi nakatulog ako maghapon pagkauwi galing trabaho buti na lang tinirahan pa ako ng pagkain. Nagluto sila ng sinigang kaya tamang-tama masabaw kaya painitin ko muna. Syempre babalik ako sa pagkatulog ng 30 minutes pagkatapos kumain kasi bawal matulog ng busog at maaga pasok ko bukas. Manunuod muna ako ng movie sa Netflix habang nagpapahaba ng kinakain. ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Bumili ako ng snacks na minsan wala at minsan meron ang Moby Caramel Puffs dinala ko sa aking office tapos ayun nagtatanong na mga ka-officemates ko kung saan ko nabili sinabi ko sa Supermarket paubos na nung kinuha ko. Yung Moby kasi minsan nagkakaubusan, wala kang makikitang ganto sa mga sari-sari store kung sa 7-eleven naman meron pero limited lang. Masarap din yung chocolate niya pero ito yung most favourite. Para sa akin ito yungโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Ang aga mag celebrate ng aming boss ng kanyang birthday kahit sa November 27 pa. Nagpakain siya ng mga kilawin pero japanese style grabe first time ko din kumain ng hilaw na pagkain yung hindi luto. Ang sawsawan niya toyo na may wasabi grabe parang pumasok sa loob ng ilong ko yung anghang niya. Hindi kaya ng sitmura ko kaya tumangi na ako. ๐Ÿ˜‚ Pero nagpakain siya ng Mang Inasal ngunit kinulang ng isa sabi kumpleto yung order san napunta yungโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐ŸŒƒ Tinabihan ako ng aking alagang pusa na si Why at inunahan pa ako sa malambot kong unan. Ang bait kapag tulog lumalambing pero kapag gising yan naku po sobrang hyper niya nanghahabol ng paa tapos yung kagat niya may kasamang lambing dinadahan-dahan niya pa para ma ingatan akong masugatan. Anyway, matutulog na din ako dahil papikit-pikit na yung mata ko. See you tomorrow. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Nakuha ko na yung order ko sa Lazada, dalawa inorder ko magkaibang kulay kaso nung dumating sa akin parehas na kulay yung nakarating kaya kaysa i-returned ko sa seller, binenta ko na lang sa katrabaho ko at kinuha naman pero sa sahod na lang daw niya ako mababayaran. Ang ganda ng design tamang-tama gagamitin ko ito sa aming team building. Artistahin ang dating napuri pa ako ng boss ko buti na lang hindi nila bininyagan dahil madudumihan. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Ngayong gabi ay nagdradrawing ang aking kapatid, project niya sa kanyang module at ipapasa na bukas. Pahabol lang ng titser siguro para dagdag sa grades na ibibigay sa kanya. Inabot na siya ng gabi kaya nilabas ko na yung lampara para tuloy-tuloy na siya at kapag natapos sabay-sabay na kaming kakain ng hapunan. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Sa sobrang hilig kong magbasa ng mga libro katulad ng mga history o dictionary, may nabasa akong klase ng breed ng pusa yung abyssinian cat may theory pala ng mga pusa. Medyo may hawig siya sa dalawang pusa namin mahaba yung mga paa niya pero sabi naman ni mama askal lang mga yan.๐Ÿ˜‚ May breed man o wala, ang mahalaga may inalagaan ka at yun ang nagpapasaya sayo tsaka kung mabait ang alaga mas masaya. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐ŸŒƒ Mahirap pala makatulog ng madaming iniisip lalo na kung may problema ka, nakailang punta na ako sa comport room, uminom ng tubig tapos hihiga pinipilit ang mga mata na ipikit pero parang gising pa yung gising pa yung diwa mo pero nakahanap ako ng solution kung paano makakatulog ng mabilis. Mag side-view ng pakaliwa tapos pikit mo ng dahan-dahan wag mong kalimutan yung ilaw na patayin para kapag madilim madaling makakatulog kasi kahit nakapikitโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Kakatapos ko lang mag umagahan pero ngayong umaga bumili kami ng vacuum cleaner grabe sa sobrang lakas niyang humigop tinesting namin wow nahigop niya mga alikabok tinesting din sa balat sobrang kapit pati ballpen ko nahigop buti na lang hindi nabutas yung paper bag na nakafilter sa loob ng vacuum. Hindi ko pwedeng gamitin ito sa paglilinis ng computer baka lahat ng parts mahigop. ๐Ÿ˜‚ Itabi ko muna baka sabihin pinaglalaruan ko yung vacuumโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Grabe nabusog ako naparami kain ko ngayon monggo at mga pritong isda kaya tambay muna dito sa terrace. November month ngayon pero makulimlim at parang uulan wala ring ka hangin-hangin wala naman akong nabalitaan na may bagyo parang kahapon 5:30 ng hapon madilim at medyo umaambon. Anyway, schedule appointment ng ka-partner ko sa pagkuha ng passport renewal niya tamang-tama lang dahil wala ng masyadong client nun. Ako re-schedule ako saโ€ฆ

@WhyEugene

Sinend sa akin ng pinsan ko itong mga bulaklak maganda siya lalo na yung puti gusto ko sanang kumuha sa kanya kaso ang layo namin nasa La Union ako at nasa Cavite naman siya. Gusto ko din ilagay sa aming sala o kaya sa banyo para yung bango niya kukulob sa loob. Pero tama yung ginawa ng pinsan ko mas maganda yung nakikita. ๐Ÿ˜๐Ÿ‘

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Late na makapagmeryenda dahil kakauwi lang galing sa trabaho buti na lang may nakita akong Street foods sa labas ng subdivision. Nakakapagtaka kasi limang piso yung kwek-kwek isang piraso kasi dun sa Cavite dos o tres isang piraso. Magkakaiba talaga bilihin pero anong magagawa ko gutom na ako kaya bumili na din ako. ๐Ÿ˜‚ Mamaya bibisita ako sa bahay nila tita kasi sabi nila tingnan ko daw decor nila. Excited na rin akong makita kung ano yun. ๐Ÿ˜๐Ÿ‘

@WhyEugene

Wow, pinapunta ako ng tita ko sa kanila para ipakita yung kanilang Christmas decorations pagpunta ko pa lang sa gate nila, kita na agad yung makukulay na mga panabit. Sobrang ganda pinag-effortan nila kami mag tayo lang kami ng Christmas tree at lalagyan ng Christmas lights ok na sa akin ang simpleng pasko. ๐Ÿ˜ Mag lalakad pa kami ngayong gabi titingnan din namin decor ng mga kapitbahay. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Tara kain po tayo, luto ng aking tita pasintabi na lang po sa mga ayaw sa hipon o may allergy sa ganitong pagkain pasensya na po. ๐Ÿ˜ Dati, ayaw ko sa hipon pero dahil sa mga naging kaibigan ko nung College yung magoovernight sa mga group project syempre hindi mawawala ang kainan may kasamang hipon yung sinigang na isda at may bukod pa kaya dito ako nasubukan tikman buti na lang wala akong allergy sa ganitong pagkain sa tahong lang kasi nag aacidic ako yung parang lagi kangโ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Tayo na giliw, maglaba na tayo meron na tayong tubig at sabong panlaba para ang mga tambak na lambadang ito ay maubos na at maisampay na. ๐Ÿ˜‚ Kailangan na talagang maglaba para may magamit sa darating na team building syempre mga government officials mga kasama ko kailangan maayos pa din ako tingnan kahit nag swimming. ๐Ÿ˜‚๐ŸŠโ€โ™‚๏ธ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Kain po tayo ng Fries, meron po akong ikukwento sa inyo kasi yung tsismosa na nangingi-alam sa mga buhay dito sa lugar namin o sa buong barrio, nagkasakit hindi sinasabi kung anong sakit yun at namatay na itatakbo pa sana sa hospital pero di na siya umabot sa byahe pa lang. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil kami din dinamay nun sa mga panira niya. Naawa ako sa asawa niya na nagsabi sa amin ng mga nangyari. Akala naminโ€ฆ

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐ŸŒƒ Naglalakad-lakad muna ngayong gabi para magbaba ng kinain at para tumingin na din ng mga Christmas decor ng aming kapitbahay ngunit isa pa lang ang nagdecor. Ito yung nakita ko nakadisplay sa labas maganda ang pagkakagawa yung Christmas tree niya parang invisible kaya nung nilagyan ng Christmas lights nakita na. ๐ŸŽ„๐Ÿ˜ Pabalik na rin ako dahil inaantok na ako. Nga pala bago ang lahat tiningnan ko yung driver's license ko yung timbang ko dun 57โ€ฆ

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Medyo late na at magtatanghali na kasi may sinubukan akong app na nagbabayad thru Gcash yung Sea Big Bang lalaruin mo lang yung mga cute na jellyfish tapos ayun may gcash na naiipon pero hindi ko pa alam kong ito ay legit kasi pag cash out ko palang makikita na sobrang haba ng oras niya tapos nag search ako kung ano ibig sabihin ng ganun oras grabe aabutin ng 14 days. Tapos may task na kapag nanunuod ng mga ads mababawasan ng isang oras. Saโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Come on let's eat Filipino's dishes called Adobong Manok it's chicken with soy sauce and vinegar the oil comes from the chicken skins so no need to add oil. This is the most popular recipe in our country with different cooking style in any provinces, you can add chili, red pepper, pineapple and potatoes. ๐Ÿ˜‹๐Ÿ‘ If you want to learn how to cook Adobong Manok just search the recipe online or watch on YouTube to follow step by step. ๐Ÿ˜‰

@WhyEugene

Guys, don't let your skin dry in this sunny day use any kind of lotion to make your skin very soft and avoid irritating skin. All ages must be use it because it's about people's health. This lotion is owned by my mother I tried to use it because my skin got scratchy for me it's so effective no more scratchy. ๐Ÿ™‚๐Ÿ‘

@WhyEugene

Ang init parang ang lapit lang ng araw sa amin sinilip ko sa aming binta at kinuhanan ko grabe sobrang bright niya walang ulap na nakapalibot kaya takakatuyo ng lalamunan hindi kaya ng electric fan ayaw pa buksan ni mama aircon dahil tipid daw sa kuryente. Ang dami ko ng nainom na malamig na tubig kasi natatakot ako na baka matulad ako sa tatay ko na stroke. Kaya ingat din kayo guys. ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜‚ Ito nga po pala yung bigay sa akin ng aking Tita, playing cards na may mga movie titles ng mga gumanap ng agent 007 na si James Bond. Actually may kasama itong pabango ngunit naubos ko na at naiwan ko siguro sa Cavite yung lalagyanan. Solitaire lang tsaka piramid ang alam kong laro kasi di ako marunong magsugal. ๐Ÿ˜ Maganda yung design niya lalo na Black cards parang action talaga datingan. ๐Ÿ˜‰

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Nagluluto po ako ngayon ng Tocino, ako po yung nagising ng maaga kaya ako na po nagluto ng umagahan namin, house rules po kasi kung sino magising ng maaga siya ang mag aasikaso ng umagahan kung walang babangon ng maaga, walang kakainin. ๐Ÿ˜ Tara kain po tayo... ๐Ÿ™‚

@WhyEugene

Ngayong umaga sinubukan namin itong bagong electric fan na binili ni boss akala namin rechargeable siya para kapag nag brownout may magamit di pala, isasaksak pa din pala. Pero maganda siya may binubuga siyang tubig. Umaabot ang lakas niya ng 24 at may ilaw sa baba niya. Maganda siya pang office lang talaga siya. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Mainit man ang sikat ng araw, malakas naman ang hampas ng hangin lalo na nasa malilim ka na lugar grabe sarap matulog, kapag pumapasok ka naman sa loob ng office grabeng lamig nung aircon talagang aantukin ka. ๐Ÿ˜‚ Kaso di pwede may trabaho ako kaya gusto ko man pero hindi talaga pwede mas importante ang trabaho. Lagi kong sinasabi sa aking sarili na kaya kong labanan ang antok na ito magagawa ko ito mamaya pagkatapos ng trabaho ko tsakaโ€ฆ

@WhyEugene

Kapag may nararamdaman masakit sa katawan, hilutin lang natin dahil may lamig na naipon sa ating katawan. Minsan sumasakit ang ating katawan dahil sa pagbubuhat natin ng mabibigat, natuyuan ng pawis kaya nalamigan, nangalay sa pagkakaupo, naligo ng pagod at higit sa lahat kapag nabugbug ang ating katawan. Kaya kailangan ng mild na massage para medyo lumambot ang pangangatawan medyo masarap sa pakiramdam kapag iba yung naghilot kasi relax mo lang katawan mo dama mo pa yungโ€ฆ

@WhyEugene

Magandang Hapon Guys... ๐Ÿ˜๐Ÿ‘ Tara meryenda po tayo ng fishball, sayang nga po at walang tokneneng o sa tinatawag na kwek-kwek paborito ko pa naman yun pero ok lang at meron namang chicken balls. Ang sarap din ng sawsawan niya lalo na kapag maanghang sarap papakin hindi ko alam kung anong ingredients yun. Nag round 2 pa ako dahil nasarapan ako pero syempre masama din ang sobra dahil mamantikang pagkain yun. Inom lang ng tubig after para matulak.๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜๐Ÿ‘ Alam niyo ba guys, hindi niyo na kailangan bumili ng PSP kasi pwedeng-pwede niyo ng malaro ang mga PSP games sa pamamagitan ng inyong cellphone. Simple lang pumunta lamang kayo sa site ng CoolROM.com at makikita mo lahat ng mga klase ng laro. More than 3 years ko ng nilalaro ito mula pa nung grumaduate ako at nagkatrabaho. Nga pala guys kailangan niyo muna ng emulator para mapagana ang mga larong ito pero wag kayong mag alala dahilโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ™‚ Dahil gala ang mga alaga kong pusa at hindi ko makatabi ngayon, ito muna magiging pusa ko yung kanilang stuff toy.๐Ÿ˜ Ang laki na kasi ng dalawa kong pusa tapos parehas pang babae yun natatakot ako kapag nabuntis yun dadami mga alagain pero syempre nature ng mga pusa ang maging malaya kaya gala dito, gala doon. Marunong naman silang bumalik kaya ok lang para makadumi na rin siguro sa labas. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Ngayong umaga ginising ako ng alaga kong pusa kaya bumangon na ako tapos ayun habang naglalakad ako hinahabol niya yung paa ko. Natatakot ako kasi nangangagat siya pero di naman niya binabaon yung ngipin niya siguro ganun lang talaga mangharot ang mga pusa. ๐Ÿ˜ Maghahanap pa lang po ako ng umagahan ngayon... ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Pasintabi po sa mga kumakain gan. ๐Ÿ˜ Guys, wag niyong hayaan ang inyong kalyo dahil lalo lang yan sasakit kapag pinatagal mo pa dahil humahaba ang ating kuko at natutusok ang laman sa daliri sa ating paa. Dahilan kung bakit tayo nagkakalyo dahil sa maling tubo ng kuko at sa maling paggugupit natin may naiiwan na medyo mahaba sa gilid na hindi nagugupit ng nail cutter. Ako ginamitan ko ng pusher para itulak sa gilid ng kuko ayun tanggal yung kuko na nakatusok medyo nakahingaโ€ฆ

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian nag de lata muna kami para fast eating lang. Ngayon pahinga muna dahil wala namang gagawin natapos na pero inunahan na ako ng pusa makapagpahinga. ๐Ÿ˜ Sabi nga nila habang bata, kailangan nakaipon na para sa Future pero para sa akin i-enjoy na lang pagiging bata dahil kapag tumanda ka na may mga mamimiss ka na hindi mo ginawa nung bata ka parang itong pusa ine-enjoy niya ang life. ๐Ÿ˜

@WhyEugene

Kapag nagkakape po ba kayo syempre magpapa-init ng tubig tapos magtitimpla ng kape pero kapag mainit yung kape pinapalamig niyo muna? ๐Ÿ˜‚ Kasi kanina nagtimpla ako ng kape nagpainit muna ako ng tubig sa kalan kasi wala kaming water dispenser ayan binuhos ko na kaso sabi ko mainit baka mapaso ako so pinalamig ko muna hanggang sa nakalimutan ko pa lang may tinimpla akong kape so ayun pinuntahan ko nung nakita ko na, nasobrahan naman sa pagpapalamig maligamgam na siya sayangโ€ฆ

@WhyEugene

Nagtanong sa akin yung pinsan ko sabi niya kung normal lang bang sumayaw kapag maganda ang pinapakingan tugtug? Ang sinabi ko sa kanya oo naman normal talaga yun dahil nadadala ka ng kanta pero kung gugulong-gulong ka o kaya tutuwad-tuwad ay iba na yun. ๐Ÿ˜‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Tamang noodles lang po ngayon sa malamig na gabi. Madami nakain namin kaninang tanghali kaya ngayon parang di namin trip magkanin kaya nagluto na lang ng noodles. Nga pala guys anong pwedeng ikaso sa paninirang puri kasi nag message yung kaibigan ni mama na nagmalasakit sa kanya dahil may nabasa sa group chat nila na sinisiraan kami ng aming kapitbahay hindi nakita ni mama dahil inalis pala siya dun sa group. Kaya kung pwede sanang screenshotโ€ฆ

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls... ๐Ÿ™๏ธ Dahil nalalapit na ang pasko, madaming baboy ang dapat kabahan dahil panahon na nila para gawing lechon o ihawin. Sana may umabot pa Bagong Taon.

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls... ๐Ÿ˜ Tara breakfast muna tayo, kailangan nating kumain sa umaga para may lakas tayo sa ating trabaho o kung ano man yang pinag-aabalahan ninyo. Hindi dapat lalambot-lambot ang katawan, wag mong pabayaan ang sarili para sayo din naman ito. Kaya kumain, kumain ka na. ๐Ÿ˜