read.cash Log in
@WhyEugene more from that month

Magandang Gabi Boys and Girls... 😁 Panibagong kwento na naman ng aking na-experience nung bata pa ako ikukwento ko sa inyo ngayong gabi. Sa kwentong ito hindi lang ako ang naka-experience kundi lahat kaming magpipinsan. Nanunuod kami ng mga pinsan ko nang mga horror movies tulad ng Friday the 13th tapos ayan nag kanya-kanya kami ng pwesto. Ako katabi ko ang kuya kong pinsan malapit kami sa bintana nun tapos ayan yung mga pinsan kong babae sumisigaw kapag may habulan tapos kami medyo nagugulat sa sound effects. Nung sabay-sabay kaming nagulat sa aming pinapanuod, may sumigaw din sa likod ng bintana tapos napalingon kami lahat pero wala namang tao. Nagkatinginan kaming mga magpipinsan nun at sabay sabi na sino yun? Sabay tinawag namin mga magulang namin pero imbes na kami ay tanungin kong ano yun, pinagalitan pa kami sabay sabing kakanuod niyo yan ng nakakatakot. Pero alam namin na may sumigaw talaga sa bintana sa likod namin nun, may multo na natakot din sa aming pinapanuod. 😐 Kaya wag ng manunuod ng horror movies ng nag-iisa. πŸ™‚

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.