read.cash Log in
@WhyEugene more from that month

Good Evening Boys and Girls... πŸ˜‚ May ikukwento ako sa inyo ako nung bata pa ako, pumunta kami sa madamong lugar para kumuha ng gabi si mama yung kumukuha tapos ako yung taga dala pero nagkahiwalay kami nun kaya tinatawag ko si mama pero hindi siya sumasagot sa sobrang kaba ko nun, tumakbo ako pabalik sa pinaglakaran namin pero napunta ako sa puro bakod na hindi ko naman nakita nung dumaan ako. Hinawakan ko mismo yung bakod kung totoo pero nung hahawakan ko na narinig ko na yung tawag ng aking ina. Tinawag ko yung mama ko na nandito po ako tapos pinuntahan ako ni mama tapos sabi niya sa akin san ka galing at bigla kang nawala? Sabi ko hindi ko po alam ang alam ko sinusundan lang kita tapos di na kita makita tawag ako ng tawag pero di ka po sumasagot. Pagkatapos nun sinabi ko sa kanya yung tungkol sa bakod na nakita ko pero nawala ng parang bula. Sabi pa sa akin ng mama ko paano magkakabakod dito eh wala namang nakatira dito puro damo, puno ng saging, puno ng niyog at gabi lang makikita mo dito. Napaisip ako nun kung bakit nawala yung bakod dun? Napaglaruan siguro ako ng enkanto o tikbalang kasi may kakayanan silang manglinlang buti na lang nakaligtas pala ako. πŸ™‚ Paalala, wag ng lalabas ng walang kasama. 😁

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.