read.cash Log in

@WhyEugene

Joined 11 September 2022 · 1819 posts

Nice Guy. 😉

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@WhyEugene

Happy Mother's Day... 😁 I'm surprised my mom a cake. 🎂 Just simple celebration makes mother happy. 😊🌹💐 #cake #mothersdaycelebration

@WhyEugene

Work Abroad Job Fair. 😉 Gusto kong maranasan mag trabaho sa ibang bansa sana matawagan ako kasi kinuha lang resume tapos antayin na lang yung tawag nila para sa interview. Sana sa Taiwan ako mapunta para matulungan ko ang aking magulang at pantawid ng kahirapan na rin. 😊

@WhyEugene

Barbecue Tonight. 🌃 Good Evening Boys and Girls. 😄 Happy New Year Everyone, sorry for the late response because I spend my time with my family so I decided to be quite to all social media but now I'm back. 😊 Come and join us to our dinner for tonight. 😁

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. 👋 Grocery Package galing sa Company na pinagtratrabauhan ko. 😁 Sobrang blessing hindi ko akalain na tatlong buwan pa lang ako sa inaaplayan kong kumpanya may pa-groceries pa. 😊 Wala na kaming proproblemahin sa noche buena kasi kumpleto na lahat ng pinamili. 👍

@WhyEugene

Simbang Gabi 2022. 😂 Maaga kaming pumunta para meron kaming maupuan. Pangalawang misa ko na kasi pagkagaling ko sa work, dumeretso na ako ng simbahan. Kailangan kong kumpletuhin ang simbang gabi dahil natupad mga pangarap ko. 😁

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😉 It's so cold this days and we need some vitamins to fight against cough. So I buy some Mandarin or Dalandan in Filipino. 😁 Also we need medicines to have better and healthy body this coming Christmas. 😄

@WhyEugene

Christmas Light in Metro Gate Houses. 😄 Hello everyone, today is holiday and I have time to communicate to all of you because I don't have work today. 😁 I went outside because I don't want to spend my time at home fear of Holiday Blues, I want to enjoy this day because tomorrow is going back to work.🙂 How do you do?

@WhyEugene

Christmas Decor at the Mall. 🙂 I'm just walking around at the mall looking for gift ideas for Christmas and I saw this wonderful Christmas decorations. 😮 I don't know if this for events or for photo shoots only because the mall is closing time and I was hurry to go out. 😂

@WhyEugene

Christmas Party. 🎊🎉 Kagabi pagkatapos ng maghapong trabaho, pumunta kami sa bahay ng team leader namin para mag Christmas Party. Ayun picture taking palang yan pero nag eenjoy na kami. 😂 Ngayon kakagising ko lang dahil 1:00am na ako nakauwi kanina sinulit ko na ngayong restday. 😂

@WhyEugene

Dog Show Magandang Gabi. 😁 Kakalabas lang sa work, maghapong hindi hawak ang cellphone kaya yung battery madami pang charge. Naisipan ko munang dumaan sa mall para tumingin ng pang regalo kasi sa December 3 na yung Christmas party namin pero may event sa mall, merong dog show mga breed kakanuod ko nakalimutan ko na yung pinunta ko ang cute kasi. 😂 Pagod na rin ako kaya umuwi na ako tsaka may pasok kinabukasan kaya bawal magpuyat. 😄

@WhyEugene

Magandang Hapon sa lahat... 😁 Meryenda time kain po tayo mga ka-noise... Ngayong sabado wala akong pasok sa Company hanggang Lunes dahil magpapalit ng araw ng restday o pasok. 🙂 Hanggang ngayon nasa training pa rin ako kasi kailangan matutunan lahat lalo na yung trabaho ko programmer kaya take seriously ako ipapakita ko yung best ko. 😁

@WhyEugene

Undas 2022...🕯️🕯️🕯️ Buti na lang 4 days yung walang pasok sa Company kaya may time na bumisita sa libingan ng lola at lolo ko kasi baka ako yung dalawin nila sa bahay naku po. Mga 3 years din bago ko sila nadalaw dahil napunta ako sa probinsya ng tita. 😂 Namimiss ko sila dahil sila yung nagpalaki sa akin kaya yung mga pinsan ko sinasabihan ako na paboritong apo daw ako sabi ko sa kanila malayo lang mga bahay niyo. 😁

@WhyEugene

Losing Weight 💪 Good Evening Boys and Girls. Hindi ko napapansin na tumataba na pala ako, nalaman ko lang nung hindi na magkasya yung susuotin kong black slacks tapos medium to large na. Kailangan ko na talaga magbawas ng timbang habang ako'y bata pa kaya pagkauwi ko galing trabaho may time pa na naman inumpisahan ko ng mag gym. 😊 Siguro aaraw-arawin ko na ito para may magandang resulta. 😁

@WhyEugene

SM Tanza Opening. 😁 Good Morning, Pagkatapos ng orientation ko nung Thursday, pumunta ako sa opening ng SM Tanza unang pasok ko palang grabe tinawag agad yung artista na si Papa P. 😮 Ngayon lang ako nakapagpost dahil restday ko ngayon. 😁 Sobrang laki parang mas malaki pa ito sa Mall Of Asia. Puro milktea yung nakikita ko dito. 😅

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Ngayon lang ulit nagamit yung cellphone dahil nakatago lang sa Locker sa Company. Nasa first week pa lang ng orientation pero parang nag aaral lang ulit ako dahil puro exam hindi ko man na-perfect yung exam atleast nasa dalawa lang yung mali ko pero sabi ko babawi ako. Masaya naman kasi habang nag eexam bayad naman ng Company. 😁 Palamig muna dito sa mall kasi kakalabas lang tsaka kailangan ko ng mga personal hygiene para sa rules ng company. 😁

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Ang saya-saya ko kanina dahil ang taas ng nakuha ko sa mga quiz sa orientation kanina ibabalita ko sana sa mama at sa kapatid ko pero napalitan yung saya ko nung nakita kong pinakialamanan nila yung alkansya ko na hindi nagpapaalam sa akin tapos kapag nagreklamo ako, ako yung lalabas na mali kaya tahimik na lang ako. 🤐 Hinayaan ko na lang kasi nababasa ko na nasa isip nila na may trabaho na ako tsaka advance na tulong baka kailangan nila. 😅

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. 😁 Pangatlong pasok ko na sa orientation medyo kunti pa lang nakikiilala ko kasi isang daang katao kami yung mga katabi ko lang yung nakakausap ko tsaka lahat kami magkakaiba ng department kaya medyo kinakabahan din. 😁 Ngayong araw puro lecture at quiz lang ginagawa namin para kapag actual alam na yung mga gagawin. 👍

@WhyEugene

White Cats. 😻 Good Morning. Habang pauwi ako kahapon galing sa umpisa ng aking orientation meron akong nakitang dalawang puting pusa ang cute kaya huminto muna ako sa aking pagmomotor pero sila yung lumapit sa akin baka abandoned kaya kinuha ko na. May nakakita sa akin sa tindahan akala ko siya yung may ari pero pinahiram niya ako ng timba para madala ko daw yung mga pusa. 🙂 Mamayang umaga isasauli ko na yung timba sa tindahan at excited na ulit sa papasukang trabaho. 😁

@WhyEugene

Chocolate Balls. 😋 Dahil wala akong barya, bumili na lang ako sa tindahan ng chocolate balls para meron akong pang gastos bukas sa orientation ko. Matagal kasi pinagpahinga ako sa medical ko nung September kaya last day na ng bakasyon. 😂 Akalain mo yun August ako nag resign at nag apply sa iba tapos September napasa ko yung exam, interview at medical tapos October maguupisa na ako mag work makakahabol pa naman sa 13th month. 😂

@WhyEugene

Jellybeans 😋 Ang sarap talaga ng jellybeans ang dami pang mga flavours na matitikman kaya paborito ko itong kainin hanggang ngayon kasi nung first year college pa ako nun nung ma-discover ko mga ito. 😅 Nakatikim na po ba kayo nito? 😁

@WhyEugene

Milktea. 😁 Kakapagod magbike tsaka pinaayos ko yung bike ng kapatid ko kase yung preno niya di na kumakagat, araw-araw niya pa naman ginagamit tuwing papasok siya ng school. Habang naghihintay, punta muna kami dito sa katapat na Milktea doon. 😁 Inaantok ako dapat nagkape pala ako kasi medyo malayo yung pinagawan ng bike mula sa amin. 😂

@WhyEugene

Ang lakas ng ulan mula pa kanina gusto ko sanang maligo kaso sobrang lamig ng tubig kaya baka lagnatin pa ako tsaka wala namang heater yung shower namin kaya mamaya na lang siguro. 😂

@WhyEugene

Adobo with Shanghai. 😋 Tara kain po tayo, sinarapan namin ulam namin kasi may nangyari kanina na gusto naming kalimutan nawalan ng wallet yung kapatid ko papasok sa school kanina napansin niya nawawala yung wallet niya nung nasa school na siya kaya pagkachat sa akin agad akong pumunta sa school sabi ko sa kanya wag siyang iiyak sabihin agad sa titser baka magawan ng paraan. Nagtanong-tanong ako sa aming lugar kung may nakita silang wallet buti na lang meron nakakita at inabot sa gwardya at naisauli sa akin. 😁 Laki ng tuwa ko buti na lang may mga mabubuti pang tao. 😁

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Yung dalawang pusa ko lagi akong sinusundan tapos matutulog lang sa akin yung isa tinititigan ako para antukin pero nahahawa ako pati tuloy ako gusto ko nang matulog. 😁 May bagyo pa din walang hinto ang ulan pero yung kapatid ko may pasok pero kapag nag suspende ng klase maaraw. 😂

@WhyEugene

Typhoon Signal No. 3 sa Cavite. 📶 Buti na lang nakauwi kami ng maaga kundi maaabutan kami ng bagyo sa byahe galing kasi kami sa bahay ng tita ko. 🙂 Ingat po sa ating lahat. 🙏

@WhyEugene

Walang Ulam. 😐 Habang nageemot sa labas ng bahay, naglakad-lakad ako para maghanap ng mabibiling ulam nakalimutan kong mamili kasi nagfocus kami sa birthday ng kapatid ko kahapon pero mamaya pupunta kami sa bahay ni tita pero bago yun kain muna kami. 😁

@WhyEugene

Birthday Celebration. 🎂🎉 Napagdiwang ko na ang kaarawan ng kapatid ko kahit papaano napasaya ko siya. Ginawa ko ito para hindi magbago ang pagtingin niya sa akin lalo na kay mama kasi napansin ko na nagiiba na ugali ng kapatid ko pero syempre hindi ko siya masisi kung ano yung nararamdaman niya pasensya kung walang maibigay yung mama ko. 🙂

@WhyEugene

Birthday ng kapatid ko bukas kaya una naming gagawin magsimba para ma-bless siya dahil tatlo na lang kami nila mama, gagala na lang maghapon at kakain sa labas para kahit papaano ay napasaya ko yung kapatid ko. Sana makahanap ng trabaho yung mama ko para matulungan niya ako sa mga gastusin kahit ako yung panganay hindi ko talaga kaya kasi sa akin na umaasa dahil ako yung nagtratrabaho pero hindi pa naman siya senior o baldado kaya dapat tulungan.

@WhyEugene

Foreign Boat. 😮 Welcome to the Philippines. 😁 May dumalaw sa ating bansa na isang cruise ship na nagmula pa ito sa bansang berlin dahil makikita niyo sa harapan ng barko yung watawat nila. Nakakagulat buti at nakapadpad sila sa atin ng ligtas. 👍

@WhyEugene

Talbos ng kamoteng kahoy. 😋 Nakahingi kami ng dahon ng kamoteng kahoy sa kapitbahay para ulamin namin ngayong tanghalian hindi kasi pwedeng galawin mga frozen foods dahil binabaon sa iskwela ng kapatid ko tsaka bumili na rin ako ng gata para may sabaw. Pwede rin siyang lutuin ng buo pero kailangan mo ng sili labuyo. 👍 Tara kain po tayo. 🍽️