Good Evening Boys and Girls. π Ang cute ng santo ni Mama Mary, parang may ibig sabihin sa kanyang mukha yung feeling na nakita niya yung anak niya tapos naawa siya o nag aalala. Lahat naman ng nanay ganun sa kanilang mga anak, laging hinahanap pero yung tingin kasi ng mga bata kapag tinatawag sila ng nanay nila sasabihin uutusan na naman ako nito. Ako nung bata ako lagi akong inuutusan pero di ako nagrereklamo dahil may natutunan naman ako. Inisip ko nun paano kung may sarili na akong buhay, paano ako mabubuhay kung walang magtuturo sa akin ng mga bagay-bagay para mabuhay. Kung ano man ang buhay na meron tayo ngayon, wag natin kalimutan ang mga magulang na nagpalaki sa atin. Hindi ako lumaki sa mama ko, ang Lola ko ang nagpalaki sa akin kasi nasa abroad yung mama ko nun. Madami akong natutunan sa kanya laging magdasal sa may altar, maging mabait sa kapwa at wag makikipag-away. Pero sabi sa akin ng mga klasmate ko nun laki ako sa Lola kaya daw ako mahina pero syempre di ko pinatulan kaya lagi akong nabubully sa iskul. Hindi ko alam kung anong masama kung lumaki sa Lola kasi kapag pumapasok ako sa iskul doble baon ko, maayos akong tignan pero hindi ako spoild, laging may pagkain at yung isa kong nagustuhan yung mga biscuits sa balde o yung biscuits sa lata na ginagawang lagyan ng sinulid. π Ngayong wala na Lola ko, di ko makakalimutan mga tinuro niya sa akin, ang gusto kasi ng Lola ko malinis ang kaluluwa kaya lagi akong nagdadasal. Kanina pala sa simbahan, pinigilan kami ng isang usher hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magpapasok mag uumpisa na yung misa at meron pang bakateng upuan. Di ba bukas naman sa lahat ang simbahan? gusto lang naman magsimba parang may kakaiba kanina pero hindi kami nagpadala sa tukso ng demonyo ginamit niya pa yung tao sa simbahan para pigilan kami. Pero nagulat na lang kami nawala na yung usher na humarang sa amin tapos may lumapit na lalaki sabi bakit di pa kayo pumapasok meron pang bakanteng upuan. Ano kaya yun?π€
No comments yet