read.cash Log in
@WhyEugene more from that month

Good Evening Boys and Girls... 😂 Wala ako maghapon dahil nag asikaso ako ng mga papel para sa nalalapit kong appointment sa pagkuha ko ng passport sa DFA, kaninang alas 3 ng umaga dumating yung confirmation ng aking appointment sa aking email kaya sa sobrang excited ko naghanap ako ng printing at xeroxan dahil yun yung ipapakita ko sa DFA. Sa Monday pa naman po yung appointment ko pero syempre kailangan napaghahandaan kaya kailangan ko din ng pahinga para fresh ako kasi sabi nila bawal mag make-up dapat yung natural daw na mukha. Lahat naman tayo pipiliin ang magandang buhay pero may mga tao na pilit tayong binababa at magpapasama ng ating loob pero wag tayong magpapadala dahil sinasabi nila yan dahil naranasan nila yun parang sinasabihan niya lang sarili niya. Pero bakit tayo makikinig sa mga ganyan hindi naman sila yung gagawa ng magiging buhay natin, tayo pa ring may mga plano na gumanda ang buhay. Tandaan tao ka rin may puso at may damdamin kaya wag matakot mag salita, wag manahimik dahil ibig sabihin nun tinanggap mo yung sinasabi niya. Tulad ng sinabi ko, naranasan ko na mga yan pero ito din ang naging dahilan ko upang ako'y maging matatag. 💪

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.