Good Evening Boys and Girls... 😁 Sa mga horror stories, lagi na lang sa probinsya yung topic ng katatakutan kaya wala na minsan nag tratravel dahil sa mga napapanuod nila na kapag nag outing daw sa probinsya, baka pagkain ka na ng mga aswang. Syempre nandun na tayo sa mga paniniwala na yun pero hindi niyo ba alam na ang probinsya ang mayaman sa mga pananim ng mga gulay tsaka kung travel goals ka, focus ka sa gusto mong puntahan na lugar. Speaking of katakutan, gusto niyo ba ng kwentong katakutan? 🗣️ May isang sanggol na iniwan sa kagubatan, umiiyak ng sobrang lakas tapos may napadaan na mag-asawa at narinig ang iyak ng sanggol. Agad-agad nilang sinundan ang umiiyak na sigaw ng sanggol ngunit nung nakita nila yung sanggol, nag-iba ang anyo ng mag-asawa at umuungol ng parang aso. Sabi nung isa, "Mukhang bitin tayo dito hindi tayo mabubusog nito" kaya naisipan nilang ampunin muna ang sanggol at kapag ito'y lumaki na tsaka na lang ito kakainin. Nung kukunin na nila yung sanggol, bigla na lang din nag iba ang anyo ng sanggol, may lumabas na panibagong mga kamay sa kanyang tagiliran. Ang title ng ating kwento ay "Anyo". 😂 Nabitin ba kayo? Inaantok na kasi ako habang nagkwekwento ako eh. Sige tulog na po ako. Good Night... 🌃
No comments yet