Good Morning Boys and Girls... 🙂 Bumili ako ng snacks na minsan wala at minsan meron ang Moby Caramel Puffs dinala ko sa aking office tapos ayun nagtatanong na mga ka-officemates ko kung saan ko nabili sinabi ko sa Supermarket paubos na nung kinuha ko. Yung Moby kasi minsan nagkakaubusan, wala kang makikitang ganto sa mga sari-sari store kung sa 7-eleven naman meron pero limited lang. Masarap din yung chocolate niya pero ito yung most favourite. Para sa akin ito yung paborito kong snacks kasi dito ko naalala pagka-childhood ko yung mga kalaro ko share kami sa pagkain na ito, mamaya ko na kakainin masyado pang maaga dahil kakatapos ko lang ng breakfast. 😁👍
No comments yet