Getting to know about Contraceptives
This piece, which I wrote today, is full of sensitive data and a hotly debated topic in our country today. It's fine with me if you're a staunch conservative and don't like my article.
Also, I think that I'll be using our own language for now because I really wanted to convey a message to all my fellow Filipinos and I think that the best way is to used Tagalog for now. But still, if you wanted to read it, you can still translate some part of it in English.
Thank you for your understanding guys!!
Btw, I wanna say hello and thank you first to all my dearest Sponsors here. β€οΈ
So heto na nga. Hot topic ngayon itong question ni Tito Boy Abunda sa lahat ng mga presidential candidates for this 2022 election na magaganap sa May. Since lahat naman pare pareho ng tanong, mas madali natin maiintindihan ang mga pananaw ng mga presidential aspirants. May isang tanong na sobra akong naapektuhan hindi lang bilang isang babae pero dahil na din bilang isang ina. Ito yung about sa "r4pe-related abortion".
Tito Boy to 5 presidential candidates: Would you allow pregnant r4pe victims the choice to abort?
Some aspirants said they are pro life, while some also said that if sobrang severe ng case ng isang r4pe victim eh bibigyan niya ito ng choice.
After ko marinig ang mga sagot ng limang aspirants, medyo nahirapan rin akong sagutin iyan. Kung ako man papipiliin, all we need is to educate everyone especially the kids about sex education. Yes! Mas okay na maituro na ito sa mga kabataan. Isipin nyo to guys, kung aware sila sa mga gantong bagay, male-lessen natin ung burden ng isang r4pe victim. Paano ko nasabi?
Ganito yan.
If ever na yung isang teenager, maaga siyang na-educate about s3x, maaari syang magkaroon ng ideya paano nya maiiwasan ung mga biglaang pagbubuntis. Guys, especially to those parents na makakabasa nito. Please, if ang anak ninyo na babae eh nagsimula ng gumamit ng contraceptives, nagpa IUD or kung ano mang mga uri ng pills para maiwasan ang pagbubuntis, just please talk to them at paki educate sila maigi. Mas okay na may tamang awareness ang mga kababaihan at kalalakihan sa paggamit ng mga iyan. Hindi po masama ang paggamit ng contraception.
Isipin nyo ito, kapag yung teenager is gumagamit ng contraceptive at sya ay na-r4pe, mababawasan ang burden niya dahil hindi sya mabubuntis- ibig sabihin walang ma-i-a-abort na bata. Walang mamamatay.
Don't get me wrong guys. Even tho gusto kong hilingin na sana walang ma-r4pe, anong magagawa natin kung napakaraming masasamang tao magpa hanggang ngayon?
Getting to know about contraceptives
Contraceptives- a device or a drugs that can be use to prevent pregnancy
-Google Dictionary
So dito sa Pilipinas, ang available right now is Pills, IUD, Injectibles, at Implant. Yan yung mga mga bagay or drug na pwedeng gamitin ng babae para maiwasan siyang mabuntis. I can say na safe naman ang mga ito lalo na kung ikaw ay biglaang magalaw ng walang permiso saiyo.
Ang pills ay iniinom araw araw. Ang kelangan mo lang gawin ay lagi mong iinumin ito sa tamang araw. Da pagkakaalam ko, maaari ka ring uminom ng Plan B na tinatawag. Ito yung isang uri ng pill na ipapainom sa iyo ng isang lisensyadong Doktor kapag biglaan kang nagkaroon ng s3xual intercourse at nakalimutan mo inumin ang regular pill na over the counter lang nabibili.
Disclaimer: hindi ko sigurado kung aprobado ba o legal ang pagbebenta ng Plan B sa mga malalaking Drugstore.
Ang IUD naman ay isang device na inilalagay sa uterus ng babae and it will act as a spermicide. According naman sa research, 99% guarantee na protektado ka nitong maiwasan ang pagbubuntis.
Next naman ay ang Implanon. Sobrang liit lang ng device na ito. Para siyang stick na ipapasok sa iyong braso at maglalabas ng hormones para hindi mabuntis ang isang babae. Effective din ito kagaya ng mga nabanggit na device sa itaas.
Meron ding Injectables o Depo- Provera na pwedeng ibigay sa mga babae every 3 months. Ito ay isang uri ng injection at naglalabas din ng hormone na progestin para maiwasan ang pagdadalantao ng isang babae.
Maaari nyong mabasa ang iba pa sa link na ito.
Huling mensahe
Ang lahat ng nabanggit ko sa itaas ay mga bagay or drugs na maaaring makatulong sa mga babae upang maiwasan ang pagbubuntis. Gaya nga ng nasabi ko, ang kelangan natin sa ngsyon ay ang tamang "awareness" upang mahikayat ang mga kabataan na magkaroon ng sariling desisyon para sa kanilang mga sarili. Inuulit ko, ang pag gamit ng mga contraceptives ay para mabawasan ang burden ng mga biktima ng r4pe sa ating bansa.
Pero kung ako man ay tatanungin about sa ab0rtion, napaka halaga sa akin ng buhay kaya ayoko itong tanggapin. Ngunit kung may option naman ang mga kababaihan, bakit hindi natin ito ituro sakanila??
Inuulit ko, ang kelangan natin ay ang tamang awareness. Ang sagutin natin sa problema ay kung ano ang pwedeng gawin ng mga teeangers.
Take note: ang sentro ng discussion na ito ay para lamang po sa mga teenagers na maaaring mabuntis ng maaga dahil sa r4pe.
Published: January 31,2022
Time: 9:53am PST
Agree sa ideya ng agbibigay ng proper education sa kabataan regarding sa sex di lang para maiwasan ang pagdami ng bilang ng rape victim kung hindi para maiwasan na rin ang tumataas na kaso ng teenage pregnancy sa ating bansa.